Part 68- Music Festival 1

348 19 0
                                    



Blue points of view:

Kinabukasan ay nagka hang over ako. Hindi ko din alam kung bakit ako nagpauto kay Ivory at ininom ko din ang alak na binibigay niya sa akin.

She drink too, a lot more than I drink, pero hindi man lang siya nalasing. Tsk! Unbelievable.

"Hey, anong sikreto mo Ivory? Bakit hindi ka nalasing kagabi?" tanong ko sa kanya habang hinihilot ang ulo at sentido ko.

"I was trained Blue. Hindi lang para sa pakikipaglaban pati na din sa patibayan ng sikmura." simpleng sambit lang nito. "And your father also wanted to train you kung paano nila ako sinanay noon." dagdag pa niya.

"Pero nag-training na ako sa Korea dati, bakit kailangan pa niya akong sanayin ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Magkaiba ang pagsasanay sa Korea kaysa sa loob ng organisasyon Blue." seryoso muna siyang napatingin sa akin bago dagdagan ang sinabi niya. "-dalawa lang ang pagpipilian mo sa loob ng underground organization, mabubuhay ka o mamamatay. Matututo kang lumaban o mamamatay ka. Kapag hindi mo nagawa ang dalawang pinagpipilian, iisa lang ang babagsakan mo, mamamatay ka."
mahaba niyang paliwanag.

Napatingin naman ako sa kanya bago ulit nagsalita. "Ang tibay mo, nagawa mo yung dalawang pagpipilian." medyo napahanga kong saad.

Umiling lang siya sa akin at bahagya pang ngumisi. "Tsk! -dahil kailangan." sambit lang niya ngunit pansin ko ang pagkuyom ng palad niya. Pakiramdam ko parang pinipigilan niyang ipakita sa akin ang totoong nararamdaman niya ngayon at alam kong galit iyon.

Tumunog ang phone ko. Tinignan ko naman ito at binasa ang text ni Isay. Nagsawa na siguro siyang tawagan ako kaya nag-text na lang siya.

She's asking me about the music festival na hanggang ngayon ay hindi ko pa napag-iisipang itutuloy ko pa ba ang pagperform.

Naalala ko naman ang naging practice namin noon sa bahay. Masaya silang magperform ramdam ko yun, pero nagdadalawang isip pa rin ako dahil baka masundan na naman ako ng mga kalaban.

"You should talk to your friends before you undergo the training Blue." suhestiyon ni Ivory na tuluyang nagtulak sa akin upang tawagan si Isay.

Ilang ring lang ng telepono at kaagad na niya itong sinagot.

"I'll be there." tanging nasabi ko bago pinatay ang tawag. Nahihiya akong kausapin pa siya ng matagal. Alam kong kung may tao man na higit na nasasaktan ngayon pwera kay Mikael, ay si Isay na yun. Miss na miss ko na silang lahat.

***************

Isay points of view:

Ngayong araw na ang music festival. Mamaya pa namang gabi gaganapin ang performance pero ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

Naka-set na ang gagamitin namin dahil alam na ni Kirsten ang mga ito. Isa din kasi siya sa mga nag-arrange ng venue.

Tuwang-tuwa siya nung sinabi kong dadating si Blue. Ganun din ang naramdaman ng mga Dark Knights pwera na lang kay Mikael na parang hinigitan pa ang pagiging cold ni Dione.

Unang magpeperform ang Dark Knights mamayang gabi na susundan ng ilang mga magpeperform. Pangatlo kami sa palabunutan kaya di ko mapigilang manginig na ngayon pa lang.

Pasok sa mechanics ng contest sa music festival ang instrumentong papatugtugin ng bawat kalahok.

Natuwa akong malaman iyon dahil gagamit ng drum si Blue sa unang set ng kanta namin at piano naman ang kay Kirsten sa pangalawa.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora