Part 17-

1K 87 70
                                    


Try-outs

Isabela Mendoza POV) Isay🤗

May first time pov.. Evil smirk si Isay.. hehe

Naglalakad kami ni Blue papunta sa gym para sa try-outs ng bilyar.

Tinamad na naman magsalita ang kasama ko kaya paniguradong tiba-tiba na naman ako sa kakasalita nito sa kanya.

Mapapagod na naman akong magsalita nito dahil ang iksi lang niyang sumagot. Minsan nga tanong ko, sagot ko na din. Halimbawa nalang nito:

"Ooyy Blue, buti naman pumayag ka ng sa billiard ka sasali."

Tumingin lang siya sa akin at inirapan ako. Hanep ang babaeng to. Nang-irap pa. Ikutan ko din kaya to ng mata para fair kami.

Pagdating namin sa gymnasium, madami na ang nandoon. Mga fans club ng Dark Knights ang karamihan dahil andito din ang Varsity player ng Basketball. Ang iingay pa ng mga babaeng 'to, tinalo pa boses ko.

Pagpasok namin umupo na agad kami sa may bandang gilid at baka masagi pa kami nitong mga babaeng parang kinikiliti sa kakatili.

Napapansin ko din na madaming babae ang tumitingin ng masama kay Blue kaya tinaasan ko naman sila ng kilay. Anong mga problema nila?

Tinignan ko naman si Blue at putcha walang pakialam ang babaeng to. Cold kung cold ang mood nito ngayon. Matanong nga kung saan ito nabadtrip.

"Pssst.. Blue bakit wala ka sa mood?"

Bumuntong hininga lang siya. Kanina ko pa napapansing panay ang buntong hininga nitong babaeng to. Parang may malalim na iniisip.

"Blue kausapin mo ko. May nang-away ba sayo dito at badtrip ka? Sabihin mo lang sa akin kung sino at bibigwasan ko. Kita mo tong maliit kong muscle? Masakit din to pag tumama sa kanila itong buto ko."sabi ko sabay pakita sa nagmamaliitan kong muscle.

Babae naman kasi ako kaya di na kelangan sabihing malaki muscle ko. Tanggap ko naman yon. Hihi.

Napataas lang siya ng kilay. Di man lang natawa sa joke ko. Slow pala tong si Blue minsan eh.

"Oyy Blue kausapin mo ko."pamimilit ko sa kanya."May problema ka ba?"

Umiling siya. "Dont mind me Isay." tamad na sabi niya.

Di ko na siya ulit kinulit pa at nag-umpisa ng magtawag si coach sa mga players ng iba't ibang sports.

Una niyang tinawag ang players ng Basketball team. Ang Dark Knights sina Mikael, Miguel, Dione, Jeric at Czero at ang lima pang studyante ng Academy sina Lucas, Vernon, Aries, Rafael at Rain.

Puro sila matatangkad at gwapo kaya halos maglupasay na ang mga babae dito kaka-cheer ng mga pangalan nila. Madami din silang mga fans maging sa ibang mga schools.

Sunod namang tinawag ang Baseball players na kilala bilang mga bullies ng campus. Si Stephanie ang Captain nila at may 11 na alipores kasama na sila Tiffany at Bianca na ka-section ni Blue. Sunod-sunuran ang mga ito kay Stephanie dahil one of the major stockholder ang pamilya nito sa Academy.

Kumaway-kaway pa ang putcha.

Pafamous ka pack you. (Relax Isay ang puso mo).

Tinawag na din ang sports nang Archery na kinabibilangan ni Kirsten Garcia. Kilala ko siya dahil vice-president siya ng student council.

Mabait at maganda siya kaya minsan nabubully siya ng grupo nila Stephanie dahil na-iinsecure ito sa ganda at talino niya.

Makaibigan ko nga to minsan si Kirsten at magtatayo kami ng samahang anti-bully sa campus. Hihi.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now