Part 73- Ally or Enemy

307 20 0
                                    



Ivory points of view:

I didn't agree this to happen.

Hindi ko binalak na pabayaan siya ngunit wala akong magagawa sa ngayon.

I know I can beat them on my own pero lalo lang siyang mapapahamak kung lalaban kami.

That guy.. I don't know him pero may kutob na ako kung sino siya dahil sa pangalang tinawag niya.

"Fuck! I can't believe it! You manipulative jerk!" inis kong sambit habang mabilis na sinundan ang sasakyang lulan si Blue.

Alam kong iniisip niyang tinraydor ko siya. Halata naman iyon kung paano niya ako tignan pero sa mga sandaling iyon hinayaan ko na lang na ganoon ang isipin niya. It's a half-truth anyway.

Nakarating ako sa sekretong hide out ng taong siyang may pakana sa pagdukot kay Blue.

Darius Aguirre. Ang founder ng Dark Society na kumakalaban sa Underground Organization.

Dark Society are the founder of all illegals na nangyayari hindi lang dito kundi sa iba pang bansa. Killings are nothing for them. Drugs, Trafficking, Exploitation, Guns are there kind of world.

Ito ang mahigpit na kumakalaban sa Underground Organization dahil taliwas ang gawain nila.

Mahigpit ang seguridad sa loob kaya mahihirapan akong puntahan si Blue. Kung papasok akong walang kaalam-alam sa lugar para na din akong nag-suicide sa gagawin ko.

"Damn it!" palatak ko habang nanatiling nakakubli sa madilim na bahagi ng pader. Hindi ko pweding tawagan ang ama niya at ibalita ang nangyari kay Blue dahil magiging mas komplikado lang ang lahat. At isa pa, masisira ang mga plano ko.

Wala akong magawa kundi maghintay na lang ng pagkakataon na magawa kong makapasok sa loob ng hindi namamalayan ng mga nagkalat na tauhan sa lugar.

Maya-maya pa ay may lalakeng palapit sa pwesto ko. Lalo akong nagkubli sa dilim upang hindi niya lang ako mahalata.

Tinayo niya ang dala niyang mahabang baril bago niya hinawakan ang butones ng pantalon niya. Damn it! Ngunit bago pa man matuloy ang binabalak niyang pagbabawas malakas ko na siyang sinipa sa ulunan na naging dahilan upang mawalan siya ng malay.

Mabilis ko siyang hinila papunta sa madilim na bahagi. Hinubad ko ang suot niyang uniporme pati na din ang sumbrero niya. Napangisi akong damputin ang armalite na sinandal niya sa pader kanina. I felt excited, sigurado akong magiging masayang laban ito.

Nagtagumpay akong makapasok ng walang nakakapansin sa akin. Nakatulong din ang sinuot kong uniporme nung lalake kanina.

Tahimik kong pinag-aaralan ang buong paligid. Hinahanap din ng mga mata ko kung saang lugar nila dinala si Blue. Kailangan kong magmadali dahil sa oras na tawagan nila ang ama ni Blue ay masisira ng tuluyan ang plano ko.

Nagpatuloy akong hanapin ang lugar kung saan nila dinala si Blue. Nakarating ako sa malaking kwarto at pasimple ko itong sinilip. May mga taong nag-uusap at wari'y nagtatalo sa loob kaya tahimik akong nakinig sa kanila.

"What is it this time Darius?!" galit na sambit ng boses babae. Sinilip ko ng maigi kung sino ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko at lihim na lang akong napangisi ng makilala ko ito.

Tama nga ako. Makikita nga kita dito.

Maliban kay Blue, pakay ko din sa lugar na ito ang babaeng iyon. Lihim na lang akong natutuwa ng umaayon ang mga plano ko.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin