Part 61- Family

407 24 2
                                    



Mikael points of view:

It's about an hour na naghihintay ako sa labas ng gate nila. I want to talk to her. I want to know what she feel right now. I also want to know what's going on with her.

I want to help her even she doesn't need it.

I'm hurt when she uttered those words awhile ago.

'But I don't need your help Mikael.'

Bigla akong natigilan kanina sa uri ng pagkakasabi niya. Mas nasaktan pa ako dahil nakatingin siya sa mata ko habang sinasabi ang salitang iyon sa akin.

Pakiramdam ko wala akong kwenta sa kanya. Na wala akong magagawa dahil hindi ako nakakatulong sa sitwasyon.

I just want to comfort her. I just want her to know na may masasandalan pa siya sa mga oras na kagaya nito.

Kahit hindi ko pa masyado naiintindihan ang sitwasyon niya, feeling ko nakabuo na siya ng plano at iyon ang iwasan kaming naging kaibigan niya. Pakiramdam ko nag-uumpisa na siyang dumistansya sa amin kahit hindi niya ito sabihin.

"Please pick up your phone baby.." usal ko habang tinatawagan ang phone niya.

Nakailang ring ito hanggang sa hindi ko na siya makontak, marahil ay pinatay na niya ang phone niya.

"F*ck! Don't do this to me baby. I'm fucking so worried about you!" napu-frustrate kong sigaw sa loob ng sasakyan ko.

Pinipilit ko ang guard na papasukin ako ngunit hindi daw pwedi dahil bilin sa kanya ng amo niya na walang papasukin na kahit sino.

"What am I to you Lorraine?" hinanakit kong saad habang bahagya pa akong napapasabunot sa buhok ko.

Lumipas ang oras hanggang sa dumilim na ngunit hindi niya pa rin ako binigyan ng oras para kausapin.

Ilang minuto pa ang nagdaan ng tumunog ang phone ko at mabilis ko itong kinuha sa pag-aakalang siya na ang tumatawag ngunit nanghina na lang akong muli ng ibang pangalan ang nasa screen.

Inuntog ko na lang ang ulo ko sa sandalan ng upuan ko at malalim na bumuntong hininga bago sagutin ang tumatawag.

"What do you want?" malamig kong sambit sa kabilang linya.

"Dad want us to have dinner with my Mom."  malambing niyang sambit na mas lalong nagpasakit ng ulo ko.

"I can't go with you Steph.." sambit ko naman.

"But my mom already told your parents honey and they will come in an hour." sambit ulit nito. Napahilot na ako sa sentido ko.

Chanquico and San Sebastián are family friends. Nagsimula ito ng magkaroon ng magandang ugnayan ang mga ina namin.

They tried to plan to sealed an agreement para mapagtibay pa ang relasyon ng pamilya sa pamamagitan namin ni Steph. They want us to get engage  na tinutulan ko at maging si Daddy na ipinagpasalamat ko ng lubos.

Daddy and Mister Chanquico are also friend pero ibang usapan na daw kapag tungkol na sa buhay ko ang pagdedesisyonan.

Tumutol si Mommy sa gusto ni Dad pero wala na din siyang nagawa ng ako na mismo ang nagsalita.

I don't want that kind of agreement. And I don't like Steph. She's beautiful and sophisticated pero wala sa kanya ang gusto ko dahil nakalaan na ang puso at isip ko sa nag-iisang babaeng pinapasok ko dito.

Lorraine..

Nagdesisyon akong umalis at babalik na lang ulit upang hintayin siyang kausapin ako. Dumiretso ako sa mansyon namin at naabutan kong nag-aayos na ang mga magulang ko, marahil ay papunta na sila sa mga Chanquico.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now