Part 57- The chase

357 22 2
                                    



Isay points of view:

"Ano bang problema ng itim na sasakyan na yan at gustong makisabay sa atin?" naiinis kong sambit. Ang laki-laki ng daanan gigitgit pa sa amin.

"Paunahin na lang natin Isay para di tayo masagi." suhestiyon naman ni Kirsten kaya binagalan ko na lang ang paandar ko ngunit nang-iinis ata ang driver dahil ganoon din ang ginawa niya.

"Nakakabwesit! Stalker mo yata yan K." sabi ko ulit kay Kirsten na bahagya atang napalayo ang mukha sa akin.

"Biro lang." bawi ko naman. "Kapit ka ng mabuti bibilisan ko ang takbo medyo malapit-lapit na din tayo sa Academy." dagdag kong sabi sa kanya na bagamat sinunod niya, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

"Huwag kang mag-alala ako bahala. Naiimbyerna na ako dito sa itim na sasakyan baka kidnaper 'to, makidnap pa tayo. Tsk! Wala pa namang pantubos si Nanay kung sakaling makidnap ako dahil ganda lang naman ang puhunan namin dito." mahaba kong paliwanag sa kanya.

"Huwag kang magbiro ng ganyan Isabela, hindi naman siguro mga kidnaper yan." sabi naman niya.

"Ah! Basta. Dapat makalayo tayo sa sasakyang 'yan iba ang kutob ko eh." sambit ko ulit. Tumango na lang siya at mas hinigpitan ang kapit sa beywang ko.

Dinagdagan ko ang bilis ng patakbo ko at bahagya kong naunahan ang itim na sasakyan.

Ngunit ganon na lang ang kaba ko ng pilit pa nito kaming habulin at sa sandaling ito lalo niya pa kaming ginigitgit.

"KINGENA! Ano bang problema ng taong 'to!?" naiinis at kinakabahan kong pasigaw na tanong.

Binaba ng taong sakay ng itim na sasakyan ang salamin ng bintana niya kaya kita ko ang pagngisi niya sa amin.

Mas lalo tuloy akong kinabahan sa mukha niyang may malaking hiwa. Sigurado akong kidnaper na ang mga ito dahil puro sila nakaitim pati na ang mga kasama niyang lulan ng sasakyan. Ganoon kasi ang nakikita ko sa palabas pero potcha naman ginagawa lang ang pangingidnap sa mga bida hindi ba at alam naman nating side kick lang ako sa storyang ito.

"Isabela sino ang mga 'yan? Bakit sila nakangisi ng nakakatakot sa atin?" rinig kong takot na tanong ni Kirsten.

"Hindi ko alam." sagot ko at mas lalo lang pinabilis ang patakbo ko.

Malapit na kami sa traffic light at saktong naabutan ko pa ang ilaw bago mag-stop. Naiwan naman sa kabilang kalsada ang itim na sasakyang humahabol sa amin kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang bilis ng takbo ko kaya rinig na rinig sa buong intersection ang bosena ng mga sasakyan.

"ISABELA!!" sigaw ni Kirsten sa akin dahil sa ginawa ko. Ramdam ko pa ang kalabog ng dibdib niya dahil nakayakap na siya sa likuran ko.

Potcha naaawa ako sa kanya. First time pa naman niyang makasakag ng motor at ito pa ang nangyari sa amin.

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa Academy at pasalamat na lang akong hindi na kami nasundan ng itim na sasakyang iyon.

"Sorry K." hinge kong paumanhin kay Kirsten ng maipark ko na ang motor ko. Napapakamot pa ako sa ulo dahil halata talagang natakot siya sa nangyari. Namumutla kasi ang mukha niya at nanginginig pa hanggang ngayon ang mga kamay niya.

"It's o-okay. I-i'm fine." nauutal niyang sambit. Hinawakan ko na lang ang kamay niya upang mabawasan ang panginginig nito. "Let's go inside baka makita pa tayo nung mga humabol sa atin." yaya niya kaya naglakad na kami papasok ng Academy.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now