Part 81- Touch

323 22 0
                                    



Blue points of view:

Nagising ako ng maramdamang may humahagod sa mukha ko. Gusto ko na namang kabahan ngunit ng maalala ko si Mikael ay nagawa ko ding pakalmahin ang sarili ko.

"Hey sweetie what time are you going to open your eyes?" rinig kong malambing na sambit ni Papa.

Dahan-dahan ko namang dinidilat ang mata ko at nakangiti siyang tinignan.

"Pa." tawag ko dito.

Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinalikan sa noo.

"How are you anak? I hope you feel fine now.. I'm so worried about you Sabrina." naluluha nitong sambit sa akin.

"I'm okay now Papa." bahagyang ngiti ko dito. Mikael help me to be okay.

Napatingin pa ako sa tabi ko. Kelan kaya siya umalis?

"Umalis lang siya saglit para mag-ayos." matabang na sambit ni Papa kapagkuwan kaya napatingin ako sa kanya. "Kukuha lang daw siya ng gamit." dagdag pa niya.

"Who?" patay-malisya kong tanong dito kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nakita kaya kami ni Papa na magkatabing natulog? Pasimple ko na lang nakagat ang labi ko.

"Tsk!" ismid niya bago tumayo. "You never told me na may boyfriend ka na pala Sabrina Lorraine." malamig na sambit nito na lalo ko pang ikinakagat-labi. "That San Sebastián..— sambit pa nito habang nakaturo sa labas na parang andoon talaga ang binabanggit niya. "—niligawan ka ba ng lalakeng iyon, huh?" tanong nito na nakapagpalunok sa akin.

Bahagya lang akong tumango. Niligawan naman niya ako simula nung naging kami diba?

"How many days? months? —no months dahil halos kakasimula mo pa lang sa Academy.." bawi din nito sa sariling sinabi. "—it should be a month, right? ..bago mo siya sinagot?" pagdidiin pa nito sa month na sinasabi niya.

Nakayuko ko lang siyang inilingan.

"Sabrina!" pigil-sigaw nitong tawag sa akin.

"Pa.. he's still courting me kahit naging kami na." sambit ko na ikinabuga niya ng hangin.

"Much better kung ganoon.. he should always give you his effort sweetie.. ganoon ko nililigawan ang ina mo noon.. but.. dapat kinuha niya muna ang permiso ko bago ka niya niligawan.. that son of abitch jerk!" inis pa rin nitong sambit  at umupo na ulit sa tabi ko.

"Pa." pigil ko pa sa pagmura niya kay Mikael.

"You want to eat?" tanong pa nito na parang wala siyang sinabing masama. "I brought you your favorite chicken curry sweetie., luto pa yan ng ate Louisa mo." nakangiti pa nitong sambit habang kinukuha na ang pagkaing dala na nakalagay sa maliit na lamesa.

Sinubuan ako nito kahit pa umayaw ako dahil kaya ko naman.

"I always wanted to do this to you noong bata ka pa anak., I dreamed of taking care of you and your mother.." mapait pa itong napangiti habang nakatingin sa pagkaing hawak niya. "—nagawa ko nga ang bagay na gusto ko pero nandito ka naman sa ospital." malungkot nitong saad na ikinahawak ko sa kamay niya.

"Pa. I'm fine.. huwag ka na pong mag-alala, okay?" sambit ko dito na bahagya niya lang ulit nginitian.

Ilang beses pa niya akong sinubuan. Ito ang unang beses na ganito kami kalapit ni Papa. Unang beses na inalagaan niya ako na pinangarap ko ding mangyari noon pa man. Masaya ako.. Masaya din ako na kahit may inis pa rin siya dahil sa nalaman niya tungkol sa amin ni Mikael ay alam kong tanggap na niya iyon.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now