Part 35- Semi-finals

673 56 30
                                    


(Marco Alcaraz)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Marco Alcaraz)

********

Blue points of view

Umaga pa lang at di pa tumutunog ang alarm ko ay nagising na agad ako sa ingay ng ring ng phone ko. Nakailang ring pa ito bago ko sinagot habang nakapikit pa ang mga mata ko.

"Hmmmm?" mahinang sagot ko dahil hinihila pa ako ng malambot kong kama at gusto ko pang matulog ulit.

"Hey? Good morning sunshine!" bati ng nasa kabilang linya na halata sa boses nitong mangti-trip na naman ng araw ko. Bakit ko nga ba binigay ang number ko dito??

"Get up you sleepy sunshine.. you promise to cheer me today.."pangbubulabog nito sa masarap kong tulog..

"Aish." yan lang ang nasabi ko.. kulang na kulang ako sa tulog dahil napuyat ako sa kakaisip kay Mikael kagabi. At di pa siya natapos sa ginawa niya sa akin sa parking lot dahil tumawag pa siya kagabi at kung ano-ano ang sinasabing nagpakarera ng puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito at kahit isipin ko lang siya ngayon ay ganoon na lang ang nararamdaman kong epekto sa kanya.

"Babangon ka o susunduin kita diyan sa inyo?" Pagbabanta ni Marco na agad ko namang sinagot.

"Eto na nga oh.. babangon na."ngali-ngali akong nag-unat habang hawak pa rin ang phone ko at makailang ulit pang naghikab.. "damn.. I'm still sleepy Marco.."angal ko dito na ikinatawa lang nito sa kabilang linya..

"It's a good morning indeed.. i really like when you call my name. Damn.. it's a music to my ear sunshine."sabi niya at may himig ng tuwa sa pagkabigkas niya.

"Cheesy.."bulong ko at pipikit na naman ang mata ko.

"Hey.. i will pick you up.. wait for me there. Okay?"rinig kong sabi nito pero di ko na siya sinagot dahil nalunod na naman ako ng antok.

Napabalikwas na lang ako ng bangon ng may paulit-ulit na kumatok sa kwarto ko. Isang oras na pala ang nagdaan ng nakausap ko si Marco.

"Shit... nakatulog pala ako ulit." natataranta kong sabi at tinungo ang pintuan ng kwarto ko dahil sa lakas ng katok ng kung sino mang andun. Binuksan ko na ito at muling sinara.

"What the—" sabi ko sabay sara. Potcha si Marco pala ang kumakatok.

"Hey.. open the door?" sigaw pa niya sa labas. Paano siya nakapasok sa mansyon.? At sino ang nagpatuloy sa kanya sa kwarto ko.? Shit ang gulo pa ng hitsura ko..

"You wait for me downstairs. I'll just fix myself.."sigaw ko pabalik dito at tinakbo na ang banyo at dali-daling naligo pagkatapos ay nagbihis ng t-shirt at loose pants dahil wala naman kaming laban ngayon kaya pwedi kaming magsuot ng civillian.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang sala na pinuntahan siguro ni Marco pero hindi ko ito nakita at narinig ko na lang na may nag-uusap sa dining area kaya doon ako nagpunta.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon