Part 64-Beg

344 23 0
                                    



Blue points of view:

"M-mikael s-stop.. please stop!" pigil ko sa ginagawa niyang agresibong paghalik sa akin.

Napahikbi na ako ng hindi pa rin siya tumitigil.

"N-nasasaktan na ako Mikael." mahinang sambit ko sa kanya.

Ilang sandali pa ang lumipas ng unti-unti na din siyang tumigil at mahigpit akong niyakap.

Ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya indikasyon na umiiyak siya. Tuluyang tumulo ang masaganang luha ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa akin pero higit akong nasasaktan ngayon dahil sa mahinang pag-iyak niya.

"I- - .. I'm sorry baby. I'm so s-sorry." nagsisisi niyang sabi. He cupped my face before gently kissing me on my forehead. "Please.. I'm begging you Lorraine don't do this to me. D-don't break up with me baby.. ayoko.. h-hindi ko kaya." umiiyak niyang sambit habang nakalapat pa rin ang labi niya sa noo ko.

Tuloy-tuloy pa ring lumalandas ang luha ko sa pisngi ko na pinunasan niya gamit ang daliri niya.

"B-baby please talk to me." muli niyang pakiusap sa akin.

Mahigpit na niya akong nayakap ng hindi ko pa rin sinasagot ang unang sinabi niya.

"I- - will do what you want.. h-hindi ako lalapit sayo hanggang hindi mo pa naso-solve ang problema mo." nahihirapan niyang sambit. Ramdam ko pa ang paglunok niya bago muling nagsalita. "-but please huwag mo naman akong tuluyang paalisin sa buhay mo. Hayaan mong bantayan pa rin kita kahit palihim man lang. Hayaan mong tumulong ako kahit hindi mo alam."

"Mikael!" kaagad kong tutol sa sinabi niya.

"Hayaan mong mapahamak ako para sayo Lorraine."

"No!"

"Baby please.. hindi ko kayang iwanan ka habang nanganganib ang buhay mo. Hayaan mo naman akong makatulong sayo." nanghihina niyang pakiusap sa akin.

"No! A-ayoko Mikael. Ayokong manganib din ang buhay mo kaya please lang layuan mo na ako."

"Lorraine!"

"Please lang Mikael, respitohin mo naman ang desisyon ko. Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong tuluyan kitang kalimutan."

"B-baby.." nagsusumamo niyang tawag. Pilit niyang tinitignan ang mga mata ko ngunit iniiwasan ko din siyang titigan.

"Ihatid mo na ako sa amin Mikael baka nag-aalala na si Papa." matatag kong utos sa kanya na nakalihis pa rin ang paningin.

Ilang segundo siyang natigilan. Maya-maya ay malalim siyang napabuntong hininga at mahina akong hinatak palabas ng bahay na pinagdalhan niya sa akin.

Hindi ko na nagawa pang tignan ang paligid dahil nakatuon ang paningin ko sa likuran niya. Ramdam ko ang lungkot niya sa mga sandaling ito ngunit wala akong magawa kundi ang hayaan iyon.

Tahimik siyang nagmaneho. Seryoso lang siyang nakatutok sa harapan na wari ayaw niya akong balingan ng tingin at sa simpleng ginagawa niya lang na ganoon ay nasasaktan na ako. Binaling ko na lang ang paningin ko sa labas at tahimik na lumuluha habang pinagmamasdan ko ang madilim na paligid na nadadaanan namin.

Ilang sandali din ang nagdaan ng makarating na kami. Ako na ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya at mabigat na bumaba sa sasakyan.
Kanina ko pa din gustong bumaba dahil sobra ng kumikirot ang puso ko.

Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng sasakyan niya narinig ko pa ang sinabi niya.

"Mahal na mahal kita Lorraine, huwag mo sanang kakalimutan 'yan." sambit niya bago mabilis na pinaandar ang sasakyan niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now