Part 17

1K 79 42
                                    


continuation of Isay PoV..

Napapabuntong hininga na lang akong isipin na hanggang ngayon di pa din naka move on si Blue sa pagkamatay ng Mama niya. Kawawang Blue. Hanggang kelan niya kaya dadalhin ang lungkot niyang 'yun.

Halos magkasama na kaming lumaki ni Blue mula pagkabata. Kaya naman kasa-kasama ko na siya nung nasa Bagtas pa kami. Magkaklase kami nung elementary at kung matalino ako eh mas matalino naman siya sa akin. Hehe.. Magbuhat pa ng sariling bangko Isay.

Kahit lumaki kami sa kahirapan noon ay masaya naman kami. Nakakapaglaro kami at nagtatawanan. Magkasama pa kaming nahilig sa paglalaro ng bilyar dati doon sa bilyaran ni Mang Kanor. Akala nga nila tomboy kami dati kase panglalake ang nilalaro namin.

Napapalo pa kami ng hanger ng mga nanay namin kapag natatagalan kami sa paglalaro ng bilyar. Minsan ginagamitan din kami ng tsinelas! Kontrabida din kase sila minsan noon. Naghuhugas naman kami ng plato, nagluluto, naglilinis pero pinapagalitan pa din kami kapag nalalaman nilang tumambay kami sa bilyaran.

Unfair si Nanay.. pagod na nga kami kokontrahin pa ang hilig namin.

Masaya kami noon kahit mahirap lang, hindi katulad ngayon na yumaman nga siya malungkot naman ang buhay niya.

Padala ko kaya kay Mam Charo ang kwento ni Blue para mapalabas sa MMK. Hehe

Muntik ko ng makalimutan ang mga itim na kabalyerong kasama kong naiwan dito sa labas ng gym dahil sa pag-kkwento ko sa talambuhay namin ni Blue.

"What's wrong with her.?"tanong ni Mikael patungkol kay Blue.

"Ahh.. ehh.. hehe."pakshet ka Isay bakit ka nauutal. Hehe.. Ngayon lang kasi ako nito kinausap ng personal.. — ayy ngayon lang ako napansin pala!

Ayaw kong magkwento sa kanila tungkol kay Blue dahil wala ako sa posisyon.

"I know we're not already close to her but we are friends now with Lorraine that's why I'm asking what's the matter.?" mahinahong tanong pa niya.

"Yeah she look sad today. Why is it Isay?si Miguel naman ang nagsalita.

"Ahmmm.. ano kase.." pabitin kong sabi para may thrill. Hehe seryoso silang nakatingin sa akin na parang malalagot ako kapag di ako umimik.

Sana pala sumabay na ako kay Blue kanina. Shit mapapasubo pa ata ako nito.
Buwesit to ah magpapacute pa naman sana ako sa kanila pero navanish ang pagkakataon ko.
Ang mangyayari eh, mamimili pa ata ako between life and death. Shit ka Isay.

"What is it Isay?"inip na tanong ni Czero. "What is it about her Mom?"

"Ahmmm.. Death Anniversary kasi ngayon ng Mama niya." Napilitan kong sagot. Sana lang hindi to malaman ni Blue.

Sabi ko nang di ako magki-kwento eh!

Potcha magiging yelo pa ata ako nito pag nagkataon. Sobrang cold pa naman nun kapag galit.

"Patay na pala ang Mama niya." tanong ni Jeric. Malamang death anniversary nga diba? Isip-isip din tsong!

"Oo. 4 years na. Di pa nakaka move on ang babaeng yun kaya hanggang ngayon dala pa rin niya ang lungkot ng pagkawala ng Mama niya." chismis ko sa kanila. Dramahan ko pa kaya.

Nakatingin pa rin sila sa akin. Kulang pa ata ang chismis ko ah gusto pa nilang dagdagan.

"Masayahin dati yun. Kaya lang na- depress nung mamatay ang Mama niya. Sabagay sa murang edad ba naman na mawalan ng isang ina eh ang lungkot talaga ng buhay mo. Akala nga niya mag-iisa na lang siya nun. Buti nagpakita ang pamilya ng Papa niya at dinala siya sa Korea." patuloy kong tsismis! Napadami pa ata ang kwento ko..

Sabi ng hindi ako magki-kwento eh!

"Ang akala ko nga okay na siya nung bumalik siya dito pero ganun pa rin pala siya. Tinatakpan ng pagiging cold niya at walang emosyong mukha ang lungkot ng puso niya."

Natahimik lang silang lima. Nalungkot ata sa chismis ko. Dinagdagan ko kasi ng drama! with feelings para feel..

Chismis na kung chismis concern naman din sila kay Blue. Lubos-lubusin ko na.

"Sana 'wag niyo na lang banggitin kay Blue ang sinabi ko sa inyo ngayon (chinismis kamu) at malalagot ako don." bilin ko sa kanila.

Naintindihan naman nila at tumango.

"How about her father?"tanong ni Dione.

"Hindi ko alam. Nung magkapitbahay pa lang kasi kami noon eh sila lang ng Mama niya ang magkasama. Nung namatay lang ang Mama niya tsaka siya nagpakita."

"Do you know about him?" tanong ni Dione the man of few words!

Umiling lang ako. Di pa naman ni Blue pinakilala sa akin Papa niya.

"Sige salamat sa sinabi mo Isay. At congrats ang galing mo kanina."sabi ni Miguel.

Shocks napansin niya ang galing ko. Oh my god. Time ko na to para magpa cute. Tapos na din naman ang emote portion namin.

"Thank you." Pacute kong sabi. Ito na ang chance ko para magpa cute. Pero bago ko pa nagawa yun ay tinalikuran na nila ako at umalis na.

Mga bastos.. di ko pa nga napapakita ang cuteness ko.

Anak ng ipis naman oh. Matapos kong mag-emote kanina iniwan lang ako. Haiist next time na nga lang.

Dark Knights Pov

"I can't believe she'd already experience that depressing things in her life."sabi ni Jeric.

"That's why she act tough to cover that depression."iling na sabi ni Dione. Naalala niya kasi ang paghaharap ng grupo ni Stephanie at ni Blue nuong first day ng klase.

"It's impressive bro. She remain okay outside but broken inside to let people think that she's still fine despite of the sorrow she've felt." sabi ni Miguel.

"But is it not tiring? I mean, to remain yourself from being whole despite the fact that your broken inside."si Czero naman.

"We don't know. Maybe she's too good in pretending and acting cold to be okay." sabi ni Mikael.

Concern na talaga ang Dark Knights kay Blue. Sa pagiging malamig pala nitong ugali ay may pinagdadaanan pala itong mabigat na kalungkutan.

"I want to know her more. She's full of surprises."sabi ni Miguel.

"Yeah surprises like that billiard thing. She really good kahit dalawang tira pa lang ang ginawa niya kanina."sabi ni Czero.

"Yeah. Lakas ng pagsargo niya ng bola kanina parang di galing sa maliliit niyang kamay." sabi ni Jeric.

"She really impressive."mahinang sabi ni Dione.

Naiiling na lang si Mikael sa mga kaibigan. Maging siya ay na-impress at nagulat sa pagtry out ni Lorraine/ Blue kanina sa billiard. Mas lalo siyang napahanga nung sumargo ito at nabreak ng malakas ang mga bola. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng mahilig din sa larong bilyar.

Nakatingin lang siya kanina kay Blue mula pagkaupo nito sa gilid ng gym at nung maglakad na ito papunta sa billiard hall. Nagulat pa siya kanina nung tinawag na ang pangalang Sabrina Lorraine Park na kabilang sa magta-tryout.

Napansin niya din kanina ang walang emosyong mukha nito na kahit madaming nag-cheer at sumigaw ng paghanga sa kanya ay di pa rin ito napapansin. Kaya may nabanaag agad siyang lungkot ng sandaling tignan niya ito sa mata.

Kahit kakakilala palang niya rito ay alam niyang gusto niya pa itong kilalanin pa ng lubusan.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now