Epilogue 3

648 17 0
                                    



Blue points of view:

Unang maglalaro ang billiards ngayong gabi. Napag-usapan na namin ni Isay na siya ang unang maglalaro kaya na nakaupo ako ngayon habang nanunuod sa mga tira niya.

Kalaban namin ang Montella High na pinanggalingang school ni Dew. Si Ivory naman ay Brent Academy ang pinanggalingan habang si First ay sa St. Lucas. Kanina ko lang din nalaman ang mga school kung saan sila nag-aral. Ang buong akala ko kasi ay hindi mga nag-aaral ang mga ito.

Katabi nila ng upuan ang Dark Knights na nanunuod lang din ngayon dahil tapos na ang laro nila noong nakaraang linggo. Bukas naman ang laro ni Kirsten pati na din ang baseball kaya hanggang bukas pa kami sa resort na ito.

Binalik ko na ang paningin ko kay Isay ng makatanggap na ako ng ngiti mula kay Mikael. Potcha! Kinilig na pati atay ko.

Nagpipigil pa ako ng ngiti habang nakatingin lang sa pagsargo ni Isay. Pansin ko pa ang pagbaling niya din ng tingin sa akin at bahagya pang ngumisi bago nagpakitang gilas na muling tumira. Yabang! Buti na lang talaga pumasok.

Tinaasan ko naman siya ng kilay ng sumenyas pa siyang umupo na lang daw ako tsaka tinuro ang sarili niya na parang sinasabi niyang kaya na niyang panalunin ang laban ng siya lang ang naglalaro sa aming dalawa. Tsk!

Pero infearness, lalo nga siyang gumaling ngayon. Napanalo niya ang tatlong set ng walang kahirap-hirap. Swabe lang ang bawat tira niya na parang kabisado na niya talaga ang bawat galaw niya.

Lalo pa akong bumilib ng mapanalo niya ulit ang pang-apat na set. Napangiti pa ako sa kanya habang nakacross ang mga kamay ko sa dibdib ko. Proud ako para kay Isay. Noon pa man ay nagpapasalamat na akong naging kaibigan ko na siya mula pa nung mga bata pa kami. Siguro hindi ko lubos maeenjoy ang kabataan ko kung hindi ko siya naging kaibigan. Nag-umpisa lang kami sa pagiging tambay ng bilyaran ni Mang Kanor hanggang sa naging player kami ng billiard game sa San Sebastián Academy. At ngayon nga ay lumalaban na kami ng tournament.

Dalawang bola na lang ang kailangan niyang ipasok para mapanalo niya ulit ang set. Pumwesto siya paharap sa akin at ngumisi na naman bago tumira. Inikutan ko lang siya ng mata ng magkasabay na pumasok sa dalawang pocket ang tinira niyang bola. Tsk! Yabang..

Muli nga niyang naipanalo ang panglimang set kaya sasargo na naman siyang muli. Bumaling pa muna siya sa mga kalaban namin bago yumuko upang sumargo ngunit sa tira niyang iyon ay walang pumasok na bola kahit isa kaya napunta na sa kalaban ang pagkakataon.

"Tsk! Alam kong sinadya mo 'yun Isay." saad ko ng paupo na siya sa upuang katabi ko.
Mabait din pala sa kalaban ang isang ito, nagbibigay kasi ng chance.

"Boring.. kaya dapat may thrill." nakataas-kilay lang niyang sabi at padaskol na umupo sa upuan. "At tsaka gusto muna kitang makausap kaya nagpahinga muna ako." dagdag pa niya na ikinangiwi ko sa kanya.

"Tsk.. ano namang pag-uusapan natin?" tanong ko naman sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago ako seryosong binalingan.

"Kumusta ang buhay mo? Makakabalik ka pa ba sa amin ni Kirsten?" may himig ng kalungkutan na tanong niya.

Napangiti lang ako sa tanong niya.

Blessing in disguise ang pagdating ni Kuya Jacob sa buhay namin ni Papa. Noon pa man kasi wala sa isip ni Papa na tuluyang ipasa sa akin ang obligasyon bilang mamumuno ng Underground Organization dahil kay Kuya Jacob niya ito balak ipamana. Pinagtraining niya ako noon hindi dahil gusto niyang ipamana ang organisasyon kundi para mapagtanggol ko ang sarili ko laban sa mga kalaban.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Kde žijí příběhy. Začni objevovat