Part 77- Blame

315 21 0
                                    



Blue points of view:

I can't breath.

Nakakapaso ang init na nararamdaman ko sa katawan ko. Pakiramdam ko parang tinutunaw ang laman-loob ko.

"L-loraine baby.." naririnig ko pang tawag sa akin ng taong nasa tabi ko. Pilit kong dinidilat ang mga mata ko ngunit hindi ko maaninag kung sino ito.

"M-mikael." mahinang tawag ko sa pangalan ng lalakeng mahal ko. Sana siya na lang ang taong kasama ko ngayon. "I l-love you."

Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin na lalong nagpapainit sa katawan ko. I don't know kung anong nararamdaman ko ngayon. I want to kiss that man. I want to kiss Mikael.

Ramdam ko ang labi niya habang hinahalikan ko ito. Nagdedeliryo ba ako? Sana siya na lang ang taong hinahalikan ko ngayon.

Ang init. I can't take it anymore. Para akong masusunog sa init na nararamdaman ko ngayon.

"- - I brought you your favorite flowers baby.," naririnig ko pang sambit nito habang hawak niya ang pisngi ko. Napangiti ako., Mikael had given me my favorite blue rose noon.

Lalo kong nararamdaman ang nakakalapnos na init mula sa katawan ko. Gusto kong magwala ngunit wala akong lakas. Ang init ng mga mata ko na parang sasabog na dahil sa init nito.

Hirap na akong huminga dahil sa tuwing lalanghap ako ng hangin ay parang sinasaksak ang laman loob ko.

Unti-unti ding nawawala ang mahihinang boses na naririnig ko pa kanina kasabay nito ang pagkawala ng malay ko. Mikael nasaan ka na?

****

Dione points of view:

"I'm sorry Blue., I'm so sorry." sambit ko habang tanaw ko ang katawan niyang ginagamot ng mga doctor sa loob ng emergency room.

I felt so guilty right now dahil ang ama ko ang may dahilan kung bakit nanganganib ang buhay niya ngayon.

Malakas kong nasuntok ang katabing pader sa prustrasyon na nararamdaman ko ngayon. Kung sanang mas binilisan pa namin ang pagpunta sa lugar na iyon ay baka napigilan pa naming mangyari ito sa kanya.

"Don't blame yourself too much Dione." rinig kong sambit ni Ivory na di ko napansing nasa tabi ko na pala. "Ang isipin mo sa ngayon kung paano mo ipapaliwanag sa ama mo ang nangyari." dagdag pa nito na nagparamdam ng galit sa puso ko.

"It's all his fault!" galit kong sabi na inilingan lang niya.

"Hindi mo alam ang lahat-lahat Dione., huwag kang magpadalos-dalos sa galit mo dahil ikakapahamak mo pa 'yan."

"What do you mean?" tanong ko kaagad sa kanya.

"You should ask your Dad Mr. Enrile."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Dad.

She just smirked bago mapaklang natawa.

"Blue will survive this dahil kailangan niya. Hindi ko siya lalapitan kung alam kong hindi niya kaya." makahulugang sambit niya na hindi ko naiintindihan.

"Hey bitch!" tawag sa kanya ni Dew na kanina ko lang din nakilala. "May mga taong parating, nasa labas na sila." sambit nito na ikinatingin lang ni Ivory sa akin.

"Siya ang kausapin mo huwag ako." sambit lang nito kaya sa akin bumaling si Dew.

"Face them!" bored lang nitong sambit bago padaskol na umupo katabi ni Ivory.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now