Part 9

1.1K 101 108
                                    


Goodbye and Welcome

Nakapag-usap na kami ni lola at napag desisyonan ko ng bumalik sa Pilipinas.

Nagdadalawang isip pa nga ako nung una dahil sa inaalala ko ang kalusugan niya. Matanda na si lola at nanghihina na kaya ayaw ko siyang iwanan dito sa Korea. Pero mapilit si lola.

Iniisip niya din kasi na siguro panahon na para kami naman ni Papa ang magkasama at magkalapit. As if naman madali lang ang bagay na yon. Pero dahil mabait akong apo at sinusunod ko lahat ng gusto niya ay pumayag na din ako.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Ales at Xander para makapag bonding kami at makapag paalam na din ako sa kanila.

Pagdating ko ay sinalubong na agad ako ng yakap ng lukaret kong kaibigan at nakiyakap na din si Xander,

"Uuwi na pala ako sa Pilipinas next week at doon na din siguro ako mag-aaral." banggit ko.

Wala silang imik na dalawa. Halata namang malungkot sila.

"Mag-iingat ka doon Sab." malungkot na sabi ni Xander sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

"Susundan kita doon Blue." biglang sabi naman ni Ales.

"Ano ka ba Ales. Maayos ang buhay mo dito. Mahihirapan ka lang doon kung susunod ka sa akin."tutol ko naman sa kanya.

"Ah basta. What friends are for kung malayo tayo sa isa't isa." drama pa rin niya.

Naiiling na lang ako dito sa kaibigan kong to.

"Basta bawal boys doon Savie ah. Wala ako doon para bantayan ka kaya iwasan mo ang mga lalake." sabi naman ni Xander.

Natawa naman si Ales kay Xander.

"Hoy bro! over protective kuya lang ang peg ha? Syempre paano magkaka boyfriend si Sab kung bawal ang boys. Di ba Blue?"sabi pa ni Ales.

Nahiya naman ako sa sinabi nilang dalawa.

"Ha! Eh di ko naman hilig makipag usap sa iba."sabi ko nalang sa kanilang dalawa.

Tinitigan lang ako ni Xander habang kinakausap ako ni Ales. Parang may hindi siya masabi sabi sa akin. Napansin naman siya ni Ales na tulala.

"Hoy kuya diba may date kayo ni Vienna ngayon?"untag sa kanya ni Ales.

May date pala sila. Hmmmp!

Bigla akong nakaramdam ng inis. Ano ba naman to?

"Hindi yun date Ales.. nagpapasama lang si Vienna sa akin. Eto kasing si mommy kung ano-anong pinagsasabi dun sa mommy ni Vienna." sabi naman ni Xander.

"Oh sige aalis na muna ako. Bye Savie ingat ka."paalam niya sa akin.

"Sige ingat din."sabi ko na lang.

Minsan tong si Xander paasa din. Di mo maiintindihan ang ugali. Lalake nga naman talaga.

Kami na lang ni Ales ang nagbonding. Madami siyang pinag gagawa. Nag make up tutorial sa youtube. Nag braid ng hair. Di ako makarelate sa kanya. Puro kasi pambabae at pampaarte ng katawan ang hilig ng isang 'to.

Ginawa niya pa akong model ng how to braid your hair sa isang video niya. I-uupload niya daw ito. Sana lang wag akong magmukhang ewan sa pinag-gagawa niya.

Sa loob ng isang oras ay natapos din siya. Maganda din naman ang kinalabasan. Bagay din pala sa akin ang mag braid ng hair kaya lang di kasi ako marunong kaya nakalugay lang palagi ang mahaba kong buhok.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon