Part 37- Chasing Blue 1

581 59 23
                                    



Blue pov..

"Hello po lola." masayang bati ko kay lola na kausap ko na naman ngayon sa phone.

"Annyeong Sabrina.. how are you apo?" tanong ni lola sa akin na halatang may iniinda pa ring sakit dahil sa hina na naman ng boses niya.

"I'm fine po lola. How about you?" sabi ko at pilit pinapasaya ang boses ko. Disappointed pa rin ako dahil hindi ko man lang siya mapuntahan ngayong higit niyang kelangan ang pag-aalaga ng isang pamilya.

"My doctor said that my health are going fine apo. Kaya don't worry about me." mahina niyang sabi na parang bumubulong na lang.

"Are you sure lola.? That's a relief.. I hope magtuloy-tuloy lang ang pag-galing niyo po." sabi ko at naginhawaan naman ang loob ko.

"I hope too apo.. i miss you.. i also want to see you." sabi ni lola

"Punta na lang po kasi ako jan lola.." pamimilit ko naman sa kanya. Kahit naman kasi may pasok ako ay mas pipiliin ko pa ang pagpunta sa kanya kung papayag lang sana siya.. "I miss you too and i also want to see you to take care of you." malambing kong sabi sa kanya.

"You don't have to come here Sabrina. I'm already fine and i only need to have rest to bring back my health.okay? Don't worry we will see each other soon. And i need to hung up apo, my doctor had arrived and he will do some test on me.. take care Sabrina.. And goodluck to your game. I love you.." paalam ni Lola..

"Bye po.. I love you too lola.. take care and please get well soon. I miss you bye."paalam ko din sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos naming mag-usap ni lola.. Hindi pa din kasi siya pumapayag sa gusto kong pagbisita sa kanya at kahit sinasabi niyang bumubuti na ang lagay niya ay nakakaramdam pa rin ako ng pag-aalala sa mahinang boses niya habang kinakausap niya ako.


Bago ako pumunta sa school ay dumaan muna ako sa opisina ni Papa para imbetahan siyang manood ng laro ko mamaya sa Academy. Hindi ko kasi nasabi sa kanya kahapon dahil sa pagmamadali niyang makaalis at kagabi naman ay tulog na ako nung dumating siya.

Gaya ng ginawa niya kahapon ay nagmadali din siyang pumunta sa opisina niya ngayong umaga kaya hindi na naman kami nagpang-abot sa bahay. Masyado siyang naging busy nitong mga nagdaang araw. Napapansin ko ding halos hindi na siya nagpapahinga. Sa tuwing sinasabi kong magpahinga naman siya minsan ay agad niyang isasagot sa akin na okay pa naman siya at kaya pa naman niya.

Pagdating ko sa company ni Papa ay tinanong ko agad sa receptionist kung nasa loob ba siya pero ang sabi nito ay wala daw siya at hindi alam kung anong oras makakapasok.

Napabuntong hininga na lang ako. Masyado atang busy si Papa sa mga araw na to. Kaya naman bumalik na lang ako sa sasakyan ko at umalis na papuntang Academy dahil late na ako sa 1st game kung saan maglalaban ang San Sebastián at St. Bernard na kapwa ko pinangakuang panonoorin ang magiging laban nila..

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng mapansin ko ang kulay itim na sasakyang sumusunod sa akin. Simula sa kompanya ni Papa nakita ko na ito at hanggang ngayon ay sumusunod pa rin sa akin. Sinubukan kong lumiko sa kabilang intersection at titignan kong susunod pa ulit ito sa akin at ganun nga ang ginawa nito. Kinakabahan na ako habang patuloy na nagmamaneho at medyo hawig ng itim na sasakyan ang nakita namin sa parking area noong nakaraang linggo.

Kasalukuyan namang tumatawag si  Isay sa phone ko pero di ko ito magawang sagutin dahil mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko.

Binilisan ko pa ang pagmamaneho ko para makalayo sa kanila pero mabilis din itong nakasunod sa akin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now