Part 43 -Danger

533 57 15
                                    



Blue points of view:

Pinagtakhan ko ang maraming nakaparadang itim na sasakyan pagdating ko ng mansyon. Hindi ko na sana ito papansinin at magtuloy-tuloy na lang sa silid ko ng bumungad sa akin ang isang may katandaang lalake. Napatitig ako sa kanya dahil may hawig ang kanyang hitsura. —si Papa.

Napatingin din ito sa akin at parang pinag-aaralan ang hitsura at kung anong katangian meron ako.

"Who are you?" taimtim na tanong niya sa akin. Ang laki at lamig din ng boses niya na ikinasindak ko. Animo'y panganib ang uri ng pagkakabigkas niya ng mga salita na nagbigay ng lamig sa pakiramdam ko.

Para akong napipi at hindi makasagot sa kanya. Nakaramdam ako bigla ng takot.

"Sabrina!" gulat na tawag ni Papa sa akin at nanlalaking mata na napatingin din siya sa lalakeng kaharap ko ngayon. Parang hindi niya inaasahan ang pagdating ko. Ang weird ng pakiramdam ko sa uri ng inaakto ni Papa.

"Papa." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman ko sa lalake. Mataman pa rin kasi itong nakatingin sa akin kahit nasa tabi na niya si Papa. Pansin ko ang pagkabigla niya batay sa kilos ng mga mata niya sa nalamang relasyon naming mag-ama. Tila hindi niya inaasahan ang nalaman niya ngayon. Kasunod nito ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito habang nakabaling na ang mata nito kay Papa.

Bahagya akong napayuko at pilit nilalabanan ang lamig nang pagkakatitig niya. Wrong timing ata ang pag-uwi ko.

"Your daughter!" Maya-maya ay malamig pa nitong wika. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawang mag-ama ngunit nasa mukha pa rin nito ang munting ngisi. Hindi ko nababanaagan kong anong emosyon meron ang mga mata niya. Pansin ko din ang pag-iba ng reaksyon ni Papa na tila nangangamba pa rin ito sa di ko malamang dahilan.

"Go to your room sweetie." Pagkaraa'y utos ni Papa sa akin na kaagad ko namang tinalima. Nagmadali akong pumanhik ngunit natigil na lang ang akto kong pag-akyat sa hagdanan papunta sa silid ko ng magsalita itong muli.

"See you in the future my grand daughter SABRINA LORRAINE PARK!" malalim nitong sambit na nakapagpatigil sa akin. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Lolo ko siya?

Napalingon ako kay Papa at nagtataka ko siyang tinignan ngunit ganun pa rin ang nakikita ko sa mukha niya. Pangamba.

Bakit siya nangangamba? Totoo bang lolo ko ang taong kaharap ko ngayon? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko ngunit hindi man lang iyon naisaboses. Parang may bara ang lalamunan ko at nanigas bigla ang dila ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang kaba at takot na nararamdaman ko sa lalakeng nagsasabing lolo ko.

Ilang segundo ang katahimikan sa paligid namin at maya-maya ay narinig ko na lang ang mabibigat na hakbang nito palabas ng mansyon at ang pag-andar ng mga sasakyan ngunit nanatili pa rin akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang nalaman ko at ang takot sa pakiramdam ko. Ramdam ko pa na nasa likod ko lang si Papa at naghihintay ako ng paliwanag niya ngunit lalo akong nagtaka sa sunod niyang sinabi.

"Leave this house immediately Sabrina. You're not safe anymore here!" sambit niya na nagpagulo sa akin. Tinignan ko siya ulit at gulong-gulo ang isip ko sa nangyayari ngayon.

"Can you explain why?"mahinang tanong ko dito. Wala talaga akong naiintindihan sa inaakto at sinasabi niya ngayon.

"Tumira ka muna sa bahay mo. Magpasama ka sa kaibigan mong si Isabela." patuloy niyang  sambit na kinunutan ko lang ng kilay. Hindi pa rin niya kasi pinapaliwanag sa akin kung anong nangyayari.

"Why Papa? Hindi ko po maintindihan." gulong-gulo ko ng tanong. Ramdam ko kasi ang pag-aalala niya pero hindi ko maintindihan kung bakit. May kinalaman ba ito kay Lolo?

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now