Part 95- Conscience

218 13 0
                                    



*i want to dedicate this chapter to miss shell @lshellTesorero thank you for silently reading, voting and supporting Blue's story. Love lots po.. I don't know if na-mention kita o hindi pero sana mabasa mo name mo. hihi

Blue points of view:

Mabilis ang naging biyahe papunta sa head quarters ng UO.

Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng nag-aalalang mukha ni Papa.

"Sweetie are you alright?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Tinanguan ko naman siya bago din magtanong.

"Where are they Pa?" tukoy ko sa mga kaibigan ko. ..where's Mikael?" nag-aalala ko ding dagdag.

Bumuntong hininga lang siya habang umiling-iling na sobrang ikinakaba ng puso ko.

"He's currently being treated anak.. sobrang lalim ng mga tama niya ng bala kaya ilang oras na ang operasyong ginagawa sa kanya." paliwanag ni Papa.

"He'll be okay, right Pa?" nanghihina kong saad na sinundan kaagad ng pagpatak ng luha ko.

"He'll be okay sweetie.. Don't worry, okay.. magtiwala lang tayo na kakayanin ito ni Mikael." pagpapalakas ng loob ni Papa.

Sinamahan niya ako upang puntahan ang mga kaibigan ko na kasalukuyang ginagamot din ang mga sugat.

"Nasaan si Ivory?"

"Where's Dione?"

Kaagad na tanong nina Dew at Miguel.

Pilit ko lang nginitian si Dew upang ipabatid sa kanyang okay lang si Ivory ngunit napaluha ako ng bumaling na ako kay Miguel.

"He's in the Enrile Hospital." napalunok ako ng makita ko sa mga mukha niya ang pag-aalala sa kaibigan niya maging sina Jeric at Czero.

"Why? W-what happened Sab? B-bakit nandoon siya? Pinatawag ba siya ng Dad niya?" bumaling ako kay Czero sa mga tanong niya. Mariin ko na lang nakagat ang labi ko ng di ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Sab.." muling tawag ni Czero sa akin. Halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Why? O-okay lang naman si Dione diba?" sambit na ni Jeric.

Mariin akong umiling sa harapan nila. Hindi ako makapag-salita dahil baka tuluyan akong humagulhol dahil sa halu-halong emosyon sa isiping dalawang taong mahalaga sa akin ang nag-aagaw buhay ngayon upang matulungan lang ako.

"He..— he's not okay." nauutal kong sambit sa kanila. "Katulad ni Mikael ay nag-aagaw buhay din si Dione ngayon.. M-may tama siya sa puso niya at.. natakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko bago muling dugtungan ang paliwanag ko sa kanila.. ..—nalaglag siya mula sa mataas na bahagi na ikinabagok ng ulo niya.."

"W-what?!" hindi makapaniwalang usal ni Miguel na nanghina pang napaatras.

"We— ..we need to go to him dude." kaagad na sambit ni Jeric.. P-pero nag-aagaw buhay din si Mikael?" bawi din nito sa nauna niyang sinabi. Kita ko pa ang pagtulo ng luha ni Jeric na mabilis niyang ikinayuko upang hindi ko lang iyon makita.

Sobra akong kinakain ng guilt sa mga sandaling ito habang nakikita ko silang nalulungkot at nag-aalala para sa mga kaibigan nila.

Gusto kong humingi ng tawad pero katulad nga ng sinabi ng ama ni Dione, wala ng magagawa ang paghingi ko ng tawad sa kanila.

Sabay-sabay kaming napalingon ng lumabas ang doctor mula sa kaharap lang na emergency room ng head quarters.

"Miss Herra kumusta po ang kaibigan namin?" tanong kaagad ni Miguel dito.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now