Part 78- Hallucinate

318 20 0
                                    



Blue points of view:

Nagising ako sa loob ng purong puting pader.

Sobrang init pa rin ng katawan ko at parang sasabog na ang ulo ko sa sakit.

"Ahhhhhhhh!!" sigaw ko ng hindi ko na kaya pa ang kirot nito. Para akong mababaliw. Nanlalabo na din ang paningin ko.

Pilit kong iniisip kung anong nangyari sa akin kaya ko ito nararamdaman ngayon at ng maaalala ko kung paano ako sinaktan at balak pagsamantalahan ng taong iyon, biglang uminit ang pakiramdam ko. Galit na galit akong hinahanap ang taong iyon., gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang patayin.

Binasag ko lahat ng makita ko sa loob ng kwartong ito. Hindi ko magawang huminahon na parang pula lang ang nakikita ko sa sandaling ito. Dugo! Gusto kong patayin ang lalakeng iyon.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang taong siyang hinahanap ko.

Mabilis ko siyang nilapitan at malakas na sinuntok. Gusto ko siyang lumpuhin sa ginawa niya sa akin. Magaan ang pakiramdam ko sa katawan ko at bumilis din ang mga galaw ko.

Patuloy ko lang siyang sinusuntok. Iuuntog ko na sana ang ulo niya ng dumating na naman ang kamukha niya.

Ito naman ang inatake ko. Balak ko na siyang saksakin ngunit pinigilan na naman ako ng kamukha niya. Ngunit sa pag-aakala niyang maiisahan niya na naman ulit ako ay nagkamali siya. Tuluyan ko siyang nasaksak. Ngunit ng magsalita siya ay ibang boses ang naririnig ko.

"L-lorraine baby.. I'm here.. I-i love you." sambit nito sa akin na ikinatigil ko.

Mikael? A-anong.. Paanong nangyaring..?!

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak pa rin sa panaksak.

"N-no!" di ko makapaniwalang sambit. Siya ang nasaksak ko at hindi ang taong iyon? Bakit?

"N-no.. no.. no!" iling ko ng makita ko ang paligid. Sila ba ang mga taong sinasaktan ko kanina?

Anong nangyayari sa akin? Bakit ko sila nagawang saktan?

Si Papa..

Ang mga kaibigan ko..

Si Mikael bakit ko siya nasaksak?!

Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko.
Nasabunutan ko ang sarili ko ng mapagtanto ko ang nagawa ko.

Bumagsak ako sa sahig habang patuloy pa ring sinasabunutan ang sarili ko. A-anong nangyayari sa akin? Bakit sumasakit na naman ang ulo ko.

"N-no! I'm s-sorry.. sorry.." hagulhol ko ng makita ang dugo sa mga kamay ko. Dugo ni Mikael na nasaksak ko.

Gusto kong paniwalain na isa lang itong panaginip ngunit hindi. Totoo ang lahat ng ito at nagawa kong saktan ang taong mahal na mahal ko.

"Sabrina." rinig kong tawag ni Papa sa akin.

"P-pa.. papa.. h-help me. a-ang sakit.. ahhhhhh!!!" iyak ko sa kanya habang mariin pa ring nakahawak sa ulo ko.

"CALL THE DOCTOR!! HURRY UP!" rinig ko pang sigaw niya.

May lumapit ulit sa kinauupuan ko at kahit sobrang sakit ng ulo ko nagawa ko pa rin siyang palayuin sa akin.

"S-stay away f-from m-me." umiiyak na sambit ko dito. Natatakot ako na baka masaktan ko na naman siyang muli. Na baka mawala na naman ako sa sarili at masaksak ko na naman siya.


**********

Mikael points of view:

"L-Lorraine baby., I'm here. I-i love you." nauutal kong sambit ng tuluyan na niya akong masaksak sa braso.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now