Part 52- Kiss back

446 24 2
                                    



Mikael pov;

"Lorraine is my girl."

"What?!" gulat na tanong ni Czero.

"She's my girlfriend and she's mine." madiin kong sambit sa kanila.

Tahimik lang silang nakinig sa akin at kahit hindi sila nagsasalita alam kong naiintindihan nila ang sinabi ko.

Nagkibit-balikat lang si Miguel habang si Dione naman ay napailing na lang na nakasandal sa upuan niya bago inumin ang alak na nasa baso niya.

Bago pa man kami lumabas ng music room ni Lorraine kanina sinabi ko nang ipapaalam ko sa mga kaibigan kong pagmamay-ari ko na siya.

Umayaw pa nga siya dahil masyado pa daw maaga para ipaalam ko sa iba ngunit nanindigan ako. Gusto kong malaman na ng lahat na akin siya. Na walang pweding makaagaw sa kanya mula sa akin because
She's mine.

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong ipaalam iyon sa kanila. Alam ko namang may pagtingin din sila kay Lorraine noon pa kaya nga hindi ko hinayaang hindi ako ang mahalin niya.

I said I love you to her at kahit hindi man niya iyon magawang sagutin, ramdam ko namang ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin.

Matapos kaming makapag-usap na magkakaibigan nagpaalam na akong umalis dahil gusto kong makita ulit ang babaeng mahal ko.

Nasa labas na ako ng bahay niya ngunit wala pa ring nagbubukas ng gate.

Nakailang tawag na din ako sa kanya ngunit hindi niya ito sinasagot. Nag-aalala na naman ako sa kanya. Naiinis ako dahil wala akong magawa kundi ang maghintay sa kanya.

Ilang oras pa akong naghintay sa kanya at mas lalo lang akong nag-aala.

"Where are you Lorraine? —please pick up your phone baby.." sambit ko pa habang paulit-ulit pa ring dinadial ang number niya.

Kalahating oras pa ang nagdaan ng makita ko ang motor na ginagamit nila.

Mabilis ko silang nilapitan. Nagulat pa nga siya dahil bigla ko siyang niyakap.

"Mikael?" nagtataka niya akong tinawag pero mahigpit ko lang siyang niyakap.

"Where have you been Lorraine? I'm so worried, do you know that huh?!"

"May p—pinuntahan lang kami." mahinang sagot niya kaya dahan-dahan ko siyang pinaharap sa akin.

"Where?"

Napakagat labi siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kila Asher." napatiim bagang ako sa sagot niya. That jerk Bartolome again.

"W—why are you here Mikael?" nahihiya niyang tanong sa akin habang wala pa rin ang paningin niya sa akin.

Sumesenyas pa siya kay Isabela na mauna ng pumasok sa bahay nila na sinunod naman ng isa kaya kaming dalawa na lang ang nakatayo sa labas ng bahay nila ngayon.

Walang imik ko siyang hinila papasok sa sasakyan ko at mabilis akong umikot para sumakay sa driver seat.

Malalim akong napahugot ng hininga. Ayokong makaramdam ng inis pero di ko mapigilan dahil nagseselos na naman ako.

"M—mikael." nauutal niyang sabi ng lumapit ako sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya ng abutin ko ang seatbelt para ikabit sa kanya.

"Did you think that I'm going to kiss you Lorraine?"

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now