Part 88- Survival 4

210 14 0
                                    


Blue points of view:

Nagising ako sa isang madilim na paligid. Ni wala akong makita kahit kaunting liwanag man lang.

Ginalaw ko ang ulo ko at doon ko lang nalamang nakapiring pala ang mga mata ko. Nakatali naman ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa isang matigas na upuan.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko dahil baka nasa tabi ko lang din ang mga kaibigan ko pero hindi ko maramdaman kahit ni isa man lang sa kanila. Sana ligtas sila., lihim na hiling ko na lang.

Hindi ko matandaan kung anong nangyari matapos naming kumain ng hapunan kanina. Basta ang alam ko ay masaya pa kaming nagsalo-salo kasama ng pamilya ni Cane.

"Gising na ba ang iba?" rinig kong sambit ng isang babae ngunit hindi ko makilala ang boses niya dahil parang ngayon ko lang ito narinig.

"Yung isa gising na, nagwawala nga eh, nagugutom daw siya." sagot naman ng isang lalake na alam kong si Ismael ang isang ito. Sino ang kasama niyang babae?

Alam kong si First ang tinutukoy niyang gising na, sa sinabi pa lang nito ay kilalang-kilala ko na kung sino sa mga kaibigan ko.

"Pababa na si Doctor Hiroshi kaya bantayan mo ng maigi ang isang iyan." rinig ko na namang sabi ng babae bago ko marinig ang papaalis na yabag niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ang hayop na doctor ba na iyon ang may kagagawan kaya kami nandito ngayon? Pero paano niya nalamang nandito kami ng mga kaibigan ko gayong hindi pa naman niya kami nakita mula ng mapunta kami dito?

Ilang minuto pa ang nagdaan na nanatili lang akong walang imik sa kinauupuan ko. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari kanina at kung paano ako makakaalis sa lugar na ito. Delikado ang buhay namin dito kung magtatagal pa kami dahil sigurado akong hindi alam ni Papa na nahuli kami ng baliw na doctor na iyon.

Tunog ng metal ang nakapagpaalis ng iniisip ko. Parang tunog ito ng isang gumugulong na bagay.

Nagulat na lang ako ng biglang hiklatin ng kung sino man ang telang nakatakip sa mga mata ko. Mariin ko pang napikit ang mata ko ng masilaw ako sa ilaw ng tuluyang matanggal ang nakapiring sa akin.

"How are you my slave?" kaagad na sambit ng taong kinamumuhian ko. Nakangisi pa itong mabagal na lumapit sa akin habang sakay ng wheelchair niya. "It's nice to see you here." muli pa nitong saad ng tuluyan na itong makalapit sa akin. Balak pa nitong hagudin ang pisnge ko ngunit mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kamay niya.

"Still resisting huh!?" ngisi niya at malakas na hinawakan ang baba ko.

"Don't touch me!" madiin kong palag sa kanya. Nagngangalit ang mga ngipin ko habang galit ko siyang tinignan. Bumabalik na naman ang poot at galit na nakakimkim sa puso ko dahil sa taong ito.

"Fiesty!" lalo pa siyang ngumisi sa akin at sa halip na bitawan ang pagkakahawak niya sa baba ko ay lalo niya pa itong diniinan. "—that's why I really like you my slave.. Hahahaha!" humahalakhak siya sa harap ko na lalong nagpadagdag ng galit ko.

Gusto ko siyang saktan sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ang init-init na naman ng katawan ko dahil sa galit. Ang init din ng mga mata ko na parang pula ang nakikita ko sa mga oras na ito.

Binitawan niya ang baba ko ngunit lumipat naman ang kamay niya sa pisnge ko.

"I SAID DON'T YOU FUCKING TOUCH ME!!" malakas ko ng bulyaw sa kanya ng hagudin niya ang pisnge ko.

Mariin niya naman akong tinignan na parang hindi niya nagustuhan ang ginawa kong pagsigaw sa kanya.

*pak

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now