Part 63- Missing you

375 20 1
                                    



Blue points of view:

Matapos naming mag-usap ni Papa ay nagkulong muna ako sa kwarto ko. Nagpaalam si Papa na umalis muna at may kailangan lang siyang ayusin sa organisasyon.

Napatingin ako nakapatay kong phone. Nakailang tawag si Mikael kanina pero hindi ko man lang nagawang sagutin ang tawag niya hanggang sa nawalan na lang ito ng battery.

"I'm sorry Mikael, pero kailangan kitang iwasan, kailangan ko kayong iwasang lahat upang hindi lang manganib ang buhay niyo." naluluha kong sambit habang nakatingin pa rin sa phone ko.

Tinawagan ko si Lola gamit ang telepono at umaasa akong nagising na siya.

Naluluha akong paulit-ulit na nagdial sa telepono hanggang sa may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello la." kaagad kong tawag dito.

"Savie." rinig kong sambit sa kabila na kahit sa pagtawag lang ng pangalan ko alam ko na kung sino ito.

"Alexander?" nagtataka kong tawag dito.

"Hey, how are you? Are you alright huh?" nag-aalala niyang tanong.

"Y-yeah.. but why you're the one who pick up the call Xander? Where's lola?"

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya bago ako sagutin.

"She's still sleeping Sab. But don't worry, her vitals are stable now., lola lorena is in our place kaya wala nang  mangyayaring masama sa kanya." he assured.

"Salamat Xander. Please take care of her, okay?" pakiusap ko sa kanya.

"Please take care too Savie., I miss you." malambing niyang sambit. "I'm soo worried about you at gusto kitang puntahan pero binilin ng Papa mong bantayan ko muna ang lola mo."

"I'm fine Xander., don't worry about me, just please take care of my lola, okay. And I miss you too, i miss Ales too." sambit ko naman sa kanya.

"Call me if you need anything Sab., I'm always here for you., kahit malayo man ako sayo gagawa ako ng paraan upang makatulong lang sayo." madamdamin niyang sambit.

"Thank you Xander. Please call me if magigising na si Lola,okay? I-i miss her soo much."

"Okay Sab., get rest baby., everythings gonna be alright." sambit niya na nagpapaalala sa akin kay Mikael.

Natigilan ako. Naiisip ko na naman ang sakit na dumaan sa mga mata niya kanina.

"Goodnight Savie. I miss you." huling sambit ni Xander bago matapos ang tawag. Hindi ko na siya nagawa pang sagutin. Napasandal na lang ako sa head board ng higaan ko at tulalang tumingin sa kawalan.

Did he already went home?

Tumayo ako at nagpunta sa harap ng bintana. Pasimple kong tinanaw ang direksyon ng gate ngunit nangunot na lang ang kilay ko ng makita ko pa rin ang sasakyan niyang naghihintay sa labas.

"What the hell Mikael? Bakit hindi ka pa umalis?" sambit ko habang pabalik balik na naglalakad. Bakit mo ba ako pinapahirapang iwasan ka?

Ilang minuto akong nag-isip at nag-desisyong ako na mismo ang magtataboy sa kanya.

Lumabas ako ng bahay at mabilis na tinahak ang gate.

Gulat pa siya ng makita niya ako at pansin kong nakapagpalit na siya ng suot niya. Nakauwi na ba siya at bumalik lang siya dito?

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now