Part 38-Finals-Win or lose

625 61 30
                                    


"Win the game before it's played.."

Minsan ang buhay ay parang larong bilyar where we may share the tables to others but focus only on own happiness and own goals..

—————————-

Matapos magsalita ang announcer tungkol sa rules and regulation ng laro ay tinawag na kaagad ang mga pangalan at schools na kinabibilangan ng bawat players.

"Miss Sabrina Lorraine Park and Miss Isabela Mendoza. Our representative players from San Sebastián Academy."malakas na tawag ng announcer.

Seryoso lang si Blue na nakatayo sa harapan ng hall pagkatapos tawagin ang pangalan nila ni Isay. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya habang diretso lang itong nakatingin sa harapan pero wala doon ang tingin niya. Wari tagos sa mga tao at bagay na nasa harapan niya ang kanyang paningin dahil iniisip pa rin niya ang nangyari kanina habang animo'y nakikipaghabulan siya sa kamatayan.

Ngayon lang din niya naramdaman ang halong pagod at kaba na nagpapanginig ng kanyang kalooban dahil ngayon lang nagsink -in sa diwa niya na muntikan na siyang makuha ng mga kalaban kung hindi lang siya nakapag-isip ng paraan para makatakas sa mga kalaban. Hindi na ma-imagine ang maaring masamang mangyari sa kanya kapag nagtagumpay ang mga lalakeng yun kanina na kunin siya.

May namumuo ng kutob sa isip niya na may kinalaman ito sa ama niya dahil nagsimula ang pagsunod-sunod sa kanya sa mga taong nakalaban niya simula nung umalis siya sa kompanya ng kanyang ama. Marahil ang ama nito ang inabangan nila at ito talaga ang punterya nila ngunit wala ito sa mga oras na iyon at sakto namang siya ang nandoon kaya siya ang hinabol ng mga ito. Nabanggit din ng isang lalakeng humahabol sa kanya kanina na sa ama niya ito may kelangan.

Pero palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang kelangan ng mga lalake sa kanyang ama. Pera ba? Ang kompanya? Gulong-gulo ang utak ni Blue ngayon at alam niyang makakasama ito sa laro niya kaya pilit niyang isinantabi ang problema niya at itinuon ang isip sa magiging laro niya.

Pilit niya ding isinantabi ang hapding nararamdaman dulot ng natamo niyang sugat sa kaliwang braso na gumagasgas kapag natatamaan ng suot niyang jacket. Malaki kasi ang naging sugat niya dahil nung tumama ang bala ng kalaban sa salamin ng bintana ng kotse niya na dahilan ng pagkabasag nito ay saktong tumama ang kaliwang balikat niya sa nakausling bubog na dahilan ng malaking hiwa sa bandang braso niya at kasunod ang pagsubsob ng mukha at ulo niya sa manibela dahil sa biglaang pagtigil ng sasakyan na ginawa niya para di siya mabangga sa sasakyan ng kalaban.

"Blue, okay ka lang?"tanong sa kanya ni Isay na nakapagpabalik ng diwa niya.

Tinanguan lang niya ito at malalim na napabuntong hininga. Iniling-iling pa niya ang ulo niya para matanggal ang ibang bagay na patuloy na pumapasok sa isip niya na may kinalaman sa nangyari kanina at sa ama niya. Nag-aalala din kasi siya sa kalagayan nito ngayon at kahit gustuhin man niyang tawagan at kumustahin ito ay di naman niya magawa dahil naiwan niya ang phone niya sa kotse niya sa pagmamadali niya kaninang makaabot sa laban nila. Buti nga ang nabitbit pa niya ang tako niya kahit para na siyang kabayo na nakikipag karera sa bilis niya kanina.

Samantala..

Excited namang naghiyawan ang mga manonood at pawang pangalang Sabrina at Isabela lang ang maririnig sa buong hall.

"Sabrina.... Isabela...Go..go..go.."

"Sabrina.. Isay.. Sabrina.. Isay.."

"Idol galingan niyo.. Sab.. idol.."

"Woahhhhhhhhh.. panalo na yan Sab."

"Goodluck sa inyo.. woahhhh go San Sebastián.."

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin