Part 89- Survival 5

203 14 0
                                    



Ivory points of view:

"Pakawalan niyo ako, kingena niyo nagugutom na ako!" nagising ako sa sigaw ni First. Inulit niya pa itong isigaw ng hindi siya pansinin ng lalake.

"Sino bang tanginang nag-utos sa inyo huh?! Sabihin mo sa kanyang epal siya! Kumakain 'yung tao tapos kakaladkarin niyo dito?! Bastos kayo! Bastos!" patuloy pa rin niyang sigaw.

Bumalik naman ang alaala ko sa nangyari kanina lang habang kumakain kami ng hapunan kasama ang pamilya ni Cane.

Hindi ko sigurado pero malakas ang kutob kong hinaluan nila ng pampatulog ang pagkaing hinain nila.

Kilala na kaya nila kami sa umpisa pa lang?

Napatingin ako kay First. Nakatulog din kaya ang isang 'to? Para kasing hindi dahil naalala pa niya ang pagkaladkad sa kanya sa loob ng kwartong kinalalagyan namin ngayon.

"Oy, gising ka na pala Ivory." sambit niya sa akin ng makita niyang tinignan ko siya. Automatikong umikot ang mata ko. Baliw! Napatingin tuloy ang mga lalakeng nagbabantay sa amin ngayon.

Lumabas ang mga lalakeng bantay at kami na lang tatlo ang nasa loob.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Nakayuko pa ring tulog si Dew. Nakatali pareho ang mga kamay namin habang nakaupo sa upuang kahoy. Hinanap ko si Cane ngunit hindi ko siya makita. Nasaan kaya siya? Alam niya kayang mangyayari ito sa amin?

"Hey Dew, wake up." mahina kong sambit sa kanya. Gusto kong sipain ang paa niya upang gisingin siya ngunit maging ang mga ito ay mahigpit ring nakatali sa upuan.

"Hoy Dew! Gumising ka na!" napatingin na lang ako kay First ng isigaw niya iyon. Hindi ba siya nag-iisip? Gusto ata niyang balikan kami ng mga nagbabantay sa amin.

"Shit! What the fuck!" kay Dew naman ako napatingin. Nagising na pala ito at gulat na gulat na nakatingin sa nakatali niyang mga kamay at paa.

Bagay nga talaga silang magsama ni First.

Bagay din sa kanila ang tawaging takas-mental.

Tsk! Ang iingay.

"What happened Ivory?" nagtatakang tanong ni Dew sa akin.

"Sa akin ka magtanong Dew, nakatulog din yan kagaya mo." singit naman ni First. Talaga ngang hindi siya nakatulog. Nginisihan niya pa ako na parang proud na proud talaga siyang hindi siya nakatulog sa kinain namin.

"Oh, what happened then?" baling din ni Dew sa kanya.

Tumahimik na lang ako at baka mamura ko pa ang isang to.

"So 'yun nga. Nakatulog kayong tatlo nina Blue at Ivory habang kumakain tayo kanina kasama si Cane at pamilya niya. Gulat ako Dew." nanlaki pa ang mata niya. ..bigla kasing bumagsak mga mukha niyo sa lamesa." dagdag niya pa.

"Si Cane nasaan?" singit ko sa sinasabi niya.

Kita ko ang pagkagat niya sa labi niya bago ako balingan ng tingin.

"She's with them." mahina nitong sambit. Nakuyom ko na lang ang kamao ko. So, alam na niya palang mangyayari ito sa amin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now