Part 21-Kib o Bik

898 76 52
                                    


Isay points of view:

Pauwi na kami pagkatapos naming mag practice. Magkasabay na kaming tatlo nina Blue at Kirsten lumabas ng Academy.

"Guys may naisip akong pangalan ng grupo nating tatlo."masaya kong sabi sa kanila.

"Ano 'yon Isabela?" wow sosyal ni Kirsten tinawag ako sa totoong pangalan ko. Ito kasing si Blue maka-Isay sa akin wagas. Minsan ko na din sinabi sa kanyang Isabela na lang itawag niya sa akin sa campus para sosyal. Wa epek! Ayaw daw niya. Ang nakasanayan daw niya ang komportableng itawag niya sa akin. Tsk.

Nagpapasalamat din akong naging kaibigan namin itong si Kirsten para di na ako mahirapang magsalita at may tagasagot na din ako. Kapag si Blue lang kasi, uso sa kanya papanisan ng laway. Tango at taas kilay lang kasi ang sinasagot nito sa akin.

Grrrrr.. back to the topic tayo sa pangalan ng grupo namin.

"Ano kaya kong KIB! K for Kirsten, I for Isay and B for Blue." nakangiti kong suggestion sa kanila. Oh diba ang talino kong mag-isip hehehe..

"Kib diba ang ganda.. hehe.. oh kaya BIK. Ano sa palagay niyo?" tanong ko sa kanila.

"Hah? Hihi." nakangiwing sabi ni Kirsten.. panget ata ang napili kong pangalan.

"Di niyo ba nagustuhan? Hoy Blue magsalita ka!" untag ko kay Blue. Naka poker face na naman kasi habang naglalakad kami.

Inungusan lang ako. Wala talagang sense kausap 'to si Blue.

"Ang sagwa pakinggan Isay."nakasimangot na sabi ni Blue. Buti may alam na siyang ibang expression sa mukha.

"Anong masagwa doon Blue?"taka ko namang tanong sa kanya. Nakatingin lang si Kirsten sa amin.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Teka, grabe tong babaeng to hihinga pa talaga bago magsalita. Super Nice!

"Yung Kib para kang bakla. Yung Bik naman para kang biik. Get's mo?"

"HAHAHAHAHA.." lakas ng tawa ni Kirsten. Tignan mo 'tong babaeng to akala ko seryosong nakikinig sa amin pagtatawanan lang pala ako.

"Hahahhaha.. sorry di ko napigilan." pigil na tawa pa ng bruha.

Nakanguso lang ako sa kanilang dalawa.

"Wag kang ngumuso Isay para ka na talagang biik niyan."dagdag asar pa ni Blue.

"HAHAHAHAHA.." humagalpak na naman ng tawa si Kirsten. Grabe ang babaeng to akala ko dalagang Pilipina bruha din pala kung makatawa. Wagas na wagas.

"Laughtrip ka talaga Isabela. I love you." tawang-tawang sabi ni Kirsten.

Nag-i love you pero pinagtatawanan ako.

"Edi iba na lang pala."di talaga ako sumusuko diyan sa pangalan na 'yan kaya nag-isip pa ako ng iba.

"Ano kaya kung Bliten? Pinagsama ko pangalan nating tatlo. O di kaya Kirib. Kirsten, Isay, Blue, diba maganda?" suhestiyon ko ulit sa kanila. Nakahawak pa ang hintuturo ko sa ulo ko. Nag-iisip na kasi ako talaga ng maganda.

Tumahimik ang dalawa kaya sinulyapan ko sila. Pagtingin ko kay Kirsten nagpipigil na naman ng tawa ang bruha. Pagtingin ko naman kay Blue.. ayy potcha.. nagpipigil din ng tawa.
Anong nangyari sa kanila.?

"Ayy guys 'wag niyo ng pigilan 'yan baka mautot kayo." naaasar kong sabi sa kanila.

"HAHAHHAHAHA." bulalas nung dalawa. Di na talaga pinigilan. Nakitawa nalang ako. Ngayon ko lang din ata nakitang tumawa ng ganito si Kirsten lalong lalo na ulit si Blue. Nasa ganun kaming sitwasyon ng makita kami ng Dark Knights.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now