Part 83- Training 2

272 18 0
                                    



Mikael points of view:

Machete, Katana, Spears, Swords, Guns, Daggers, Throwing weapons, Crossbow; iilan lang ang mga iyan sa mga weapon na makikita sa room kung saan kami magti-training ng mga kaibigan ko.

"You can use whatever weapon you want." sambit pa ng lalakeng siyang nagti-train sa amin.

"Cool." amaze na sambit ni Czero habang nililibot pa ang paningin sa paligid.

He's right. Ang cool nga ng lugar na ito. Napapalibutan ang buong kwarto ng iba't ibang uri ng weapon sa pakikipaglaban. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi talaga basta-basta ang Underground Organization.

We decided na sword fighting ang gagawin namin.

Namili na kami ng kanya-kanyang espadang gagamitin.

May karanasan na kami sa pakikipaglaban gamit ang espada dahil kasali din ito sa naging training namin noon.

Nag-instruct ang lalakeng kasama namin na kaming magkakaibigan ang maglalabanan.

Si Dione at Miguel ang unang maglalaban habang two versus one naman ang sa aming tatlo nina Jeric at Czero.

"Goodluck dude." sambit nina Czero at Jeric sa dalawa na seryoso na ngayong nakatingin sa isa't isa.

Unang sumugod si Miguel habang sinasangga naman ng espada ni Dione ang bawak atake nito.

Nakakangilong ingay ng espada ang tanging naririnig sa loob ng training room na ngayon ay nadagdagan pa ng mabibilis na sipa ng dalawang naglalaban.

Mahusay si Miguel sa sword fight, mabilis ang offensive technique nito upang umatake sa kalaban pero hindi din naman nagpapatalo si Dione kahit gun fight ang hilig nito. Malakas din ang depensa nito sa bawat atake ni Miguel.

Delikado ang sword fighting dahil maaaring mahiwa ng kahit sino sa amin ang isa't isa kung hindi namin macontrol ang pag-atake gamit ang espada.

Ilang minuto pa ang itinagal ng laban nila na nakapagpatamo ng sugat sa braso pati na din sa ibang parte ng pisnge nila. Mabuti na lang ang ganoon lang ang natamo nilang dalawa.

Sa susunod na laban ay kalaban ko sina Jeric at Czero. Alam kong tagilid ako dahil dalawa silang kakalabanin ko at hindi din biro ang alam nila sa sword fight.

Dalawang katana ang kinuha ko habang sila naman ay tig-iisa.

Sabay na silang umatake sa akin na buong-lakas ko din namang sinalag habang humakbang ako paatras. Malakas kong hawak ang katanang hawak ko upang hindi lang nila mabuwag ang depensa ko.

Habang umaatras ako, palakas naman ng palakas ang bawat hampas nila ng espada sa akin. They really want to win against me pero hindi ko sila maaaring pagbigyan. Kailangan kong mas palakasin pa ang sarili ko upang maproktehan ko ang ibang tao., gusto kong maprotektahan ang mahal ko.

I got cuts in my arms. Natamaan din ni Jeric ang kaliwang pisnge ko kaya ramdam ko na ang hapdi sa mga sandaling ito.

Czero launch his full force blow but I immediately block his attack at malakas siyang sinipa sa dibdib na ikinatumba niya. Sinunod ko na namang mabilis na inatake si Jeric, malalakas na atake ang ibinigay ko sa kanya na ikinabitaw niya ng pagkakahawak ng kanyang espada.

"Nice fight dude." sambit ng dalawa sa akin na tinanguan ko lang.

Sinabi ng lalakeng kasama namin na ipagamot na muna namin ang mga natamo naming sugat sa katawan. Pinapunta niya kami sa infirmary at sakto namang paglabas namin ng training room ay nakasabay din naming magpunta doon sina Lorraine, at dalawa niyang kasamang babae.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Lorraine ng lapitan ako nito. May mga pasa na naman siya sa katawan at hindi ko pa nakakalimutan ang naging pasa niya noong nakaraan.

Tinignan naman nito ang mga sugat ko at nag-aalala niya akong tinanong pabalik.

"Okay ka lang? Your wounds are bleeding Mikael." nag-aalalang sambit niya.

"It's nothing baby.. kinalaban ko lang ang dalawang yan." sambit ko habang nakatingin kay Czero at Jeric.

Sabay na kaming nagpunta sa infirmary upang magpagamot ng sugat.

Kasalukuyang ginagamot ng dalawang doctor ang pasa ng dalawang babaeng kasama ni Lorraine.

Matapos nila, sumunod namang magpagamot si Lorraine sa babaeng doctor. Binati niya pa ito na parang kilala niya ito ngunit nangunot na lang ang kilay ko ng pati ang isang lalakeng doctor ay kilala din siya.

"Hello binibini." nakangiting bati pa ng lalake. 

"Red?!" nagtataka naman niyang tawag dito. Magkakilala sila? Kelan pa?

"I'm glad you still remember my name my blue rose girl." napatikhim ako sa tinawag niya kay Lorraine. Fuck! I'm getting jealous again.

Sumunod akong magpagamot sa babaeng doctor dahil baka di ko matantiya kung ang Red na iyon ang gagamot sa mga sugat ko. Naiinis pa akong bumabaling ng tingin sa kanya dahil ngiting-ngiti siya sa tuwing nakatingin din siya kay Lorraine.

Matapos magamot ang mga sugat ko, hinila ko na palabas si Lorraine. I can't take it anymore dahil parang sasabog na ako sa selos kapag nagtagal pa kami sa loob ng infirmary.

"See you later Blue." bilin pa ng epal na lalake na hindi ko na hinayaang lingunin pa ni Lorraine dahil pasimple ko ng magaang tinulak ang balikat niya palabas.

"Why are you laughing?" tanong ko ng makalabas na kami.

"Jealous again?" balik namang tanong niya sa akin na buntong-hininga ko lang na sinagot.

"I'm sorry baby., I just can't take it." nahihiya kong amin. Hindi ko lang talaga mapigilang hindi magselos kapag may lalake ng nakangiting tumingin sa kanya.

"I love you, you already know it, right?" malambing niyang sambit na halos nakapag-paalis ng naramadaman kong selos kani-kanina lang.

"I love you too babe, lage mong tandaan yan, okay?" sagot ko na matamis naman niyang nginitian.



***

night-firefly 💙

Please don't forget to vote and leave your comments. Thank you

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now