Part 25- Kirsten Garcia

791 69 36
                                    


Kirsten points of view:

(1st time kong mag-pov.. late comers kasi ako hehe)

Hayy buhay.. di ko pa rin matamaan ang 10 sa target.. Minsan natatamaan ko naman ito pero pagdating sa laban puro 8 lang nakukuha ko o kaya 9. Di talaga umaabot ng 10.. Minsan nawawalan na nga ako ng pag-asa. Ang saklap ng life ko.

Bago ako magsabi ng kapalpakan ko sa target magpapakilala pala muna ako sa inyo.

I'm Kirsten Garcia daughter of Kate and Christian Garcia owner of the Garcia's plantation. Export and import ang business ng mga magulang ko for fruits, vegetables, flowers and other farm products. Mahilig kasi si Daddy sa pagtatanim sa farm dahil doon ang kabuhayan nila lolo dati. Si Mommy naman ay mahilig sa mga flowers kaya may mga flower shops din kami. Kapwa mahilig sa mga pagtatanim ang mga magulang ko kaya siguro destiny sila. Hehe

When i was about 7 years old ay sinama ako ni Daddy sa farm. Nagkaroon ako ng playmates doon na anak ng mga trabahador ni daddy. They are Jake and Aya. They are playful and mababait din naman kaya nakasundo ko din. Mahilig si Jake maglaro ng tirador kaya kami ni Aya ay nanunuod lang sa kanya habang tinitira niya yung mga mangga na nasa taas ng puno. Minsan napapagalitan siya ng Tatay niya kasi nasasayang daw ang mangga kapag natatamaan niya. But it's cool to see kapag nakakatama siya. Years pass by and lage na akong pumupunta sa farm para makipaglaro sa kanilang dalawa. Minsan nagpapaturo ako kay Jake sa pagtira ng mga mangga and its a good feeling kapag natatamaan ko. Then one time nakita ako ni Daddy. Ayun sa una napagalitan ako because panglalake daw ang larong tirador. Pero dahil makulit ako noong bata pa ako naglalaro pa rin ako ng ganun kapag di siya nakabantay sa akin.

When I'm in my first year highschool in San Sebastián Academy I join Archery Sports. Dahil na din sa nasali ako sa popular list kaya kinailangan ko ding sumali sa mga sports kaya sa archery ako sumali. Sa una mahirap talaga ang sports na napili ko but thanks to my parents they supported me through it. Second year ako ng naging vice ako sa students council. Magaling din naman ako sa klase and I excel on my academic subjects.

Okay naman ang highschool life ko nung una but then noong napansin ako ng mga Queen B as in Queen Bullies ay naging miserable ang buhay ko. They always talked unpleasant things behind my back. Hindi ko nga alam kung bakit nila ginagawa yun. Lagi nilang sinasabi na hindi daw ako bagay mapasama sa popular list sa school dahil loser daw ako. I'm always 2nd daw kasi sa archery sports di man lang ako mag-champion. Walang gustong makipaglapit sa akin sa academy dahil sinisiraan ako ng grupo ni Stephanie na mga Queen B.

But when Sabrina and Isabela approached and befriended me, I was so happy. Kahit quite-type na tao si Sabrina mabait naman siya and even Isabela kahit maingay mabait din. Napansin ko nga parang magkabaligtad sila ng personality pero nakikita kong magkasundo sila.

I was really surprised when they said they wanted to be friend with me. At kahit nahihiya ako tinanggap ko kaagad ang alok nila at hindi din naman ako nagkamaling tanggapin ito dahil di nila ako iniwan nung binully na naman ako nila Stephanie at pinagtanggol pa ako ni Sabrina. It's the first time na may nagtanggol sa akin dito sa Academy and I'm really thankful to Sabrina and Isabela for being my friend whom I can count on.

So eto na nga. I was in the middle of my practice when Sabrina and Isabela came. I was a bit disappointed with my score. Lage na lang 8. I was aiming the 10 but I can't really hit it. Ngalay na ang balikat at kamay ko sa kababatak pero di ko parin matamaan ang target.

"That's why they told me I'm a loser because I can't hit the inner gold ring." I sadly said to them.

"Okay lang yan Kirsten atleast di ka bokya." Isabela said.

"It's not okay Isabela. It's been 4 years na akong player ng archery pero hindi pa rin ako umaabot ng champion. Hanggang 3rd or 2nd lang ako. I'm so hopeless."malungkot ko pa ding sabi sa kanila.

"Winners are not people who never fail. But people who never quit Kirsten."Sabrina said in a calm way. Napaisip ako sa sinabi niya. I was a bit moved by what she told. Napapahanga ako sa paraan ng pagkasabi niya and the words it hit me. As if it told me na dapat hindi ako panghinaan ng loob na maabot ko din ang pinapangarap kong maging champion. Napangiti na lang ako sa kanya.

Hiniram nya ang bow ko at akmang titira siya sa target ng biglang dumating ang grupo ni Jonass. It's really annoying dahil maiingay sila. Napaikot at napairap nalang kami sa mga kayabangan nila at ang hambog nagawa pang hamunin si Sabrina.

"Kirsten take a look."sabi ni Sabrina habang nakapwesto para tumira.

Tinignan ko naman kung paano siya pumosisyon. And its really surprising dahil alam niya ang archery sports. Nagawa pa niyang patamaan ang inner ring and it scored 10. Ang galing niya. It really surprised me. I thought sa billiards lang siya magaling sa sports but she knows also how to hit a target in archery.

Dumami din ang nanunuod sa amin at halata sa mga ito ang paghanga kay Sabrina. Even the very popular Dark Knights ay makikitaan mo din ng paghanga sa kanya.

After the scene ay nagpunta na kami sa cafeteria together with the Dark Knights and ang saya din pala nilang kasama lalo na ng lokohin ni Sabrina si Isabela tungkol sa kilay nito. I was holding my tummy dahil sa kakatawa sa kanya. Minsan lang sa highschool life ko ang maging masaya ng ganito at tumawa ng malakas kasama sila.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay balik na naman kami sa pag-eensayo ng kanya kanya naming sports. Nasa field ako at tanaw ko din ang mga baseball players. Maya-maya lang ay lumapit sila sa pwesto ko.

"A loser will always be a loser." Tiffany said. Hindi pa yata ito nakaka move on sa pambubully sa akin nung isang araw.

Inikutan ko lang siya ng mata at hindi na pinansin ang mapang-insulto nilang sinasabi. Lage namang ganito kaya hindi ko na lang sila pinapansin.

"Wanna bet guys? I think hindi na naman siya aabot ng championship niyan. Poor girl, dapat kasi umalis ka na sa archery sports dahil hindi ka naman din nanalo." sabi ni Bianca.

"And even the popular list dapat magbitiw na siya doon di naman siya kagandahan. A bitch." insecure na sabi nung alipores nila.

"Please Queen B's ayaw ko ng away." mahina kong sabi sa kanila. Wala din naman akong laban kung magtatapang tapangan ako. Madami sila, nag-iisa lang ako.

"Do you think we could buy that?"medyo inis na sabi ni Stephanie.

"Di pa namin nakakalimutan ang nangyari sa cafeteria at napahiya kami and its because of you and your bitch friends."nakataas niyang kilay na sabi.

"Please huwag mo na silang idamay."pakiusap ko sa kanya.

"Hahaha.. Why would we do that? Damay na sila simula nung kinalaban niyo kami." mataray niyang sabi.

"You better prefer dahil magiging hell ang dadanasin niyo dito sa Academy." Pagbabanta pa niya at may kasama pang pang-witch na tawa. Joke.

"Let's go girls."yaya nito sa mga kasama niya.

"Oh by the way, tell that bitch Sabrina to stay away from Dark Knights.Masyado na siyang papansin."

"Take care." nakangisi nitong paalala sa akin.

Kinabahan naman ako sa kanya. Alam kong nananakit talaga sila at napapatalsik pa sa Academy ang kumakalaban sa kanila. Natatakot ako para sa mga kaibigan ko dahil baka mapahamak sila. I know one of this days ay gaganti ang grupo ni Stephanie sa amin nina Sabrina at Isabela . Sana lang walang mapahamak sa amin lalong lalo na silang dalawa.

Nadagdagan pa ang galit ng mga bully dahil sa pagiging malapit ni Sabrina kila Mikael. They are attention seekers lalong lalo na pagdating sa mga Dark Knights. They even have a fans club for Dark Knights at kapag may pinansin lang na babae ang mga ito binubully na kaagad nila. Gusto nila sila lang ang napapansin dito sa Academy. What a spoiled brats.

(..)

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now