Part 69- Music Festival 2

342 20 0
                                    



Isay points of view:

Patapos na ang kanta ng pangalawang grupo pero hindi pa rin dumating si Blue. Pareho kaming nagbaba ng tingin ni Kirsten dahil hindi na talaga matutuloy ang performance namin sa gabing ito.

Mawawalan na talaga sana kami ng pag-asa ng pareho kaming napalingon sa kamay na tumapik sa mga braso namin.

"B-blue." magkasabay naming tawag sa kanya na bahagya niya lang nginitian.

Mabilis ko naman siyang niyakap at ganun din ang ginawa ni Kirsten. Gusto kong maiyak sa tuwa pero wala ng time kaya inaya ko na silang dalawa sa back stage upang makapaghanda pa kami kahit papaano.

"Remember what we had practiced?" tanong ni Blue sa amin na kapwa lang namin tinanguan ni Kirsten.

Pareho kaming nakasuot ng kulay puting bubble off shoulder top ni Kirsten na pinaresan lang namin ng fitted pants habang si Blue ay itim ang suot base sa napag-usapan naming outfit noong practice namin. Hindi nga lang bubble off shoulder ang sa kanya dahil nakasuot siya ngayon ng black denim jacket na bagay naman dahil nagmukha siyang rakista.

Natapos na ang performance ng Queen B at grupo na namin ang tinawag. Nauna na kaming lumabas ni Kirsten dahil sineset pa ang drum na gagamitin ni Blue.

Ilang sandali pa ay sumunod na din si Blue sa amin at pumwesto na kaagad sa harap ng drum.

May naririnig akong napapasinghap sa harap pero hindi ko ito makilala dahil stage lang ang may ilaw.

Sa ikatlong beat ni Blue ng drum sticks nag-umpisa akong kumanta.

🎶We, we don't have to worry about nothing
'Cause we got the fire, and we're burning one hell of a something
They, they gonna see us from outer space, outer space
Light it up, like we're the stars of the human race, human race🎶

Si Kirsten naman ang sumunod na kumanta habang si Blue naman ay sumasabay sa pagpapalo ng drum niya. Ang cool niya lalong tignan ngayon kaysa noong nagpractice kami sa bahay niya.

🎶When the lights started out, they don't know what they heard
Strike the match, play it loud, giving love to the world
We'll be raising our hands, shining up to the sky
'Cause we got the fire, fire, fire
Yeah, we got the fire, fire, fire🎶

Magkasabay na naming kinanta ni Kirsten ang chorus na nagpasigla na naman sa mga audience. Kahit may kadiliman ang pwesto nila alam kong sinasabayan nila ng talon ang kanta namin. Lalo pang nakadagdag sa ganda ng kanta namin ang video ng apoy na piniplay habang kinakanta namin ang chorus.

🎶And we gonna let it burn, burn, burn, burn
We gonna let it burn, burn, burn, burn
Gonna let it burn, burn, burn, burn
We gonna let it burn, burn, burn, burn🎶.

Nagsecond voice si Blue sa amin habang nagda-drum na lalong nagpaganda ng harmony ng mga boses naming tatlo. Nagpalakpakan din ang mga hurado at pansin kong napatayo ang judge na galing sa Korea ng bumilis na ang pagtugtog ng drum ni Blue.

Lumingon ako sa kanya, nakita ko pa ang paghagis niya ng drum stick sa ere at sabay palo sa drum ng nasambot na niya ito. Para talaga siyang pro-drummer na lalong ikinahiyaw ng manunuod.

🎶We don't want to leave, no
We just wanna be right now
Right, ri-ri-right now
And what we see is everybody's on the floor
Acting crazy, getting loco till the lights out
Music's on, I'm waking up
We start the fire, then we burn it up
And it's over now, we got the love
There's no sleeping now, no sleeping now (sleeping now)🎶

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now