Part 70- Music Festival 3

366 21 0
                                    

(-as of May 10, 2021- naging number 1 ang Me and the Dark Knights sa #teenromance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(-as of May 10, 2021- naging number 1 ang Me and the Dark Knights sa #teenromance. Omg I'm so overwhelmed.. grabe ang saya! Hahaha.. love lots fireflies.)

Congratulations:
Sabrina Lorraine 'blue' Park.

No. 1 din po siya sa #billiards at #sportsfest,
No. 2 in #action-romance #comedy and #archery
No. 4 #korean at #racing
No. 11 sa #Underground Organization

ngayon ko lang narealized na tama lang palang hindi ko ito ni-unpublished. Hihi..

Thank you so much po sa mga patuloy na nagbabasa.. I really appreciate it.

******************

Blue points of view:

Laking pasalamat ko ng matapos ang performance namin ni Isay at Kirsten.

Nakakatuwa dahil nagustuhan ng mga nanunuod ang naging performance namin.

Ang galing ni Isay kumanta pati na din si K lalong lalo na ang pagtugtog niya ng piano.

Alam kong katulad ko bago pa din ito sa kanila, -ang magperform sa harap ng maraming tao pero nagawa nila ng maayos ang performance at sigurado akong nagustuhan ito ng lahat.

Sobrang nag-enjoy sila, kami actually. Kahit alam kong nalungkot sila kanina dahil ang tagal kong dumating.

Pahamak kasi itong si Ivory dahil nadamay pa ako sa mga taong humahabol din sa kanya. Hindi ko tuloy naabutan ang performance ng Dark Knights.

Bumaba na kami ng stage nila Isay at K. Hindi ko masyadong maaninag ang nasa harap ko dahil madilim ang parte ng mga manunuod.

Tuloy-tuloy lang akong naglakad habang nasa likod ko sila Isay ng may biglang humablot sa kamay ko at kahit hindi ko makita kong sino ito, alam na kaagad ng puso ko kung sino ang taong iyon.

"M-mikael." tawag ko pa sa kanya habang nakahila pa rin siya sa kamay ko.

Seryoso lang siyang nagpatuloy sa paglakad ng hindi ako nililingon hanggang sa nakalabas na kami ng gym.

Dinala niya ako music room nila -ang music room ng Dark Knights. Hindi pa rin niya ako tinitignan kaya tinawag ko siyang muli.

"Mikael." nahihiyang tawag ko ulit sa kanya.

Malakas pa muna siyang napabuga ng hangin bago ako mapanglaw na tinignan.

Ilang minuto niya din akong tinitigan at ganoon din ako sa kanya na parang kinakabisado namin ang hitsura ng bawat isa.

"That's a great performance." sambit niya kapagkuwan. Napayuko lang ako sa sinabi niya. Lalo akong nahiya. "I miss you Lorraine." mahina niya pang dagdag tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now