Part 28- Sports Festival 3

784 70 32
                                    



-continuation ng panonood ni Isay at Blue sa mga Dark Knights at taga St. Bernard-

Pagdating nila sa gym ay nahihirapan silang kumuha ng upuan dahil punuan talaga sa dami ng mga nanunuod. Nakakabingi din ang hiyawan ng mga studyanteng fans ng Dark Knights at St. Bernard Academy.

Walang ganang sumusunod lang si Blue kay Isay at hindi na siya lumilingon sa paligid. Nakakahilo kasi ang dami ng studyante at nakakabingi ang pagsigaw ng mga ito.

Gusto na nga niyang iwanan si Isay sa loob ng gym at lumabas na lang siya dahil sumasakit ang ulo niya sa ingay pero hawak nito ang kamay niya at nagtungo sa pababang bahagi ng gym malapit sa court. Tuloy-tuloy lang siyang nakasunod dito at hindi alintana ang tinginan ng mga studyante sa gawi niya.

Hindi din napansin ni Blue na tinitignan na din pala siya ng mga players na naglalaro sa court habang bumababa siya hanggang makaupo na sila ni Isay sa bakanteng upuan.

"Potcha Blue. Bakit nila tayo tinitignan? Gusto din ata nila ng popcorn at fries ko eh."biglang sabi ni Isay sa kanya. Nagtaka naman siya sa narinig dahil inaayos pa niya ang bag na suot niya at nakayuko pa lang siya.

"Huh?"takang tanong niya kay Isay na nakatingin sa harapan nila.

"Ayun oh.. tinitignan nila tayo.. ay mali.. ikaw lang pala ang tinitignan nila. Akala ko naman yung fries at popcorn ko."sabi ni Isay habang nakaturo ang nguso sa harapan nila.

Pagtingin ni Blue sa harapan niya ay napalunok siya ng wala sa oras dahil nakatingin nga talaga ang mga naglalaro sa kanya. Buti nalang time out at baka magka problema pa sa laro nila.

Namumula na siya sa hiya. Bwesit naman kasi sa pakiramdam niya kung bakit sa kanya lang ang mga ito nakatitig. Pwedi namang kay Isay o sa mga popcorn at fries nito. Bakit sa kanya pa. Nakakahiya..

Biglang lumapit si Marco sa kanya at kinausap siya.

"Akala ko hindi na kita makikitang manood sa laro ko."masayang sabi nito na ikinataka niya.

"Huh?"nagtataka talagang sabi niya. Pinilit lang naman ako ni Isay na pumunta dito.. sabi ni Blue sa isip niya.

"Hahaha."napatawa si Marco at hinawakan pa ang ulo niya ang bahagyang ginulo ang buhok niya.

Napanguso na lang siya sa ginawa ni Marco.

"Cute." bulong pa ni Marco sa kanya at masayang umalis sa harap niya.

Napuno ng bulungan at hiyawan ang loob ng gym dahil sa paglapit at ginawa ni Marco kay Blue. May mga animo'y kinikilig na reaction at meron ding naiinggit at naiinsecure.

"Bitch."sigaw ni Stephanie sa di kalayuan dahil naiinis din ito dahil sa paglapit ni Marco at pagtitig ng mga player sa gawi ni Blue.

Napaikot na lang nang mata si Blue at napabuntong hininga. Agaw eksena din kasi ang ginawa ni Marco. Dapat talaga hindi na siya nagpupunta sa gym para maiwasan ang ganitong eksena.

Nagawi ang paningin ni Blue sa grupo ni Mikael at mataman pa rin itong nakatingin sa kanya. Mababakas din sa mukha nito ang inis sa di niya malamang dahilan kaya sinimangutan niya ito. At binigyan niya ng tinging 'anong titingin-tingin mo diyan' look..

Sumenyas naman si Mikael sa kanya at sinabing 'keep your eyes on me' na nabasa lang ni Blue sa pagbigkas ng mga labi nito.

Napailing na lang si Blue at napangiti ng bahagya. Weird ng lalakeng yun sa isip ni Blue.

Bumalik na ulit ang mga players sa loob ng court at nagpapagalingan at nagpapalakasan sa paglalaro.

Patuloy sa pagpapakawala ng points ang mga magkatunggaling kupunan. Kapag nakakapuntos si Mikael ay bumabawi din ng puntos si Marco sa kabilang team. Ganoon din ang pinapakitang galing ni Miguel na katapat si Ulysess. At kapag nagshoshoot ito ay tumitingin muna sa gawi niya sabay kindat at pakawala ng bola. 3 points ang mga puntos na nakukuha ni Miguel.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon