Part 98- In between

213 14 0
                                    



Blue points of view:

"How was the operation Xander?" kaagad kong tanong ng makalabas siya mula sa emergency room.

Ako na lang ang naiwan sa labas dahil pinauwi ko muna sina Miguel, Czero at Jeric upang makapagpalit ng damit at mapuntahan na din si Dione sa Enrile Hospital.

Sina Ivory at First naman ay pumunta na din muna sa condo unit ni First upang makapagpahinga.

Hapong-hapo ang katawan ni Alexander at alam kong napagod siya sa ginawa niya sa loob pero hindi na ako makapaghintay pang malaman ang resulta.

"He's safe now Savvie.. He just need to take a full rest para bumalik ang lakas niya." paliwanag nito na ikinahinga ko ng maluwag. "You need to rest too sweetie.." baling din nito sa akin. "Come with me, okay? I want to rest too." he stretch his arms at pati na din ang leeg niya. Pagod na pagod talaga at hitsura niya at kailangan niya talagang magpahinga.

Napatingin naman ako sa kwarto kung saan nasa loob pa rin si Mikael.

"Don't worry, may nagbabantay naman sa kanya sa loob to monitor him kaya pwede ka na munang magpahinga, okay?" sabi niya ulit na ikinabuntong hininga ko na.

"I promise him to stay here Alex." saad ko na binigyan lang niya ng payak na ngiti.

"..but he wants you to rest also Sab." pilit niya pa ulit na pilit ko na lang ding tinanguan.

Dinala niya ako sa likurang bahagi ng head quarters. Mahangin ang lugar na ito na tanaw ang naglalakihang kabundukan sa harapan.

Inaya niya akong umupo sa bakanteng upuan. Halos pabagsak pa akong naupo doon dahil sa pagod na ngayon ko lang naramdaman.

"You want to sleep?" rinig kong tanong niya mula sa tabi ko. Naidilat ko ang mga mata ko upang umiling sa kanya.

"You need to sleep Savvie." mahina na naman niyang sambit na ikinapikit na naman ng mga mata ko.

"I need to go back.. baka gising na siya." pabulong ko lang na sambit sa kanya ngunit unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko.

Kinuha niya ang ulo ko upang isandal ito sa balikat niya. Magaan niya pang hinagod ang buhok ko na lalong nagpalala ng antok ko.

"I miss you my sweet Savvie." rinig ko pang sambit niya bago ako tuluyang makatulog.

***

Gabi na akong nagising. Napabalikwas ako ng bangon ng hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.

"Hey." napatingin naman ako sa nagsalita at kaagad naman niya akong nginitian. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa na parang kanina niya pa ako binabantayan habang natutulog ako.

"Where am I Xander? I need to go back to Mikael baka gising na siya." sambit ko at tuloy-tuloy na bumaba ng higaan.

"His parents took his to the Private Hospital while your sleeping Sab." sabi niya na ikinagulat ko.

"Why?" tanging nasabi ko na lang. Bigla akong nagsisi kung bakit pa ako nakatulog.

"They want him to be fully treated Sab kaya pumayag na din ang Papa mo.. hindi ka na niya ginising pa dahil alam niyang g-gusto mo siyang s-samahan sa pag-alis dito pero..-

"Pero ano Xander?" naguguluhan kong tanong sa pagtigil niya sa sinasabi niya.

"..-you need to leave this place with your friend Sab.. Ivory told us about it kaya sa lalong madaling panahon kailangan niyo na munang umalis sa bansang ito." dagdag niya sa sinabi niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now