Part 101- Saving Marco 1

244 14 0
                                    



Ivory points of view:

"Top." sagot ko sa tawag niya mula sa kabilang linya.

"P-please help me.. p-please h-help my brother R-rio." bakas ang paghihirap niya sa boses niya.

"Where are you?" seryoso ko namang tanong mula sa kabilang linya.

"P-port.. bay port in S-subic." sagot niya ulit. Rinig ko pa ang pag-ubo niya.

"H-hang on Top.. I'm coming." nag-aalala kong usal na rinig ko ang bahagya niyang pagsinghap ng hangin sa kabilang linya.

"You s-still cared for me Rio.. t-thank you for that." sambit niya na naman na ikinataas ng kilay ko kahit ramdam kong nahihirapan siya sa pagsasalita.

"So what?!" sambit ko sa painis na tono. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Galit pa rin ako sa kanya. Kahit naintindihan ko ang rason niya, hindi ko pa rin ganap na natanggap ang ginawang pagtraydor niya. Pero hindi ko din maaalis sa sarili kong naging parte na din siya ng buhay ko kahit hindi ko man aminin iyon.

"Rio.. I- ..I - putol putol niyang sambit na hindi ko na naintindihan ang sinabi niya sa huli bago mamatay ang tawag niya. Hindi ko man lang natanong kung saang parte siya ng port naroroon ngayon. Tsk!

Napalatak na lang akong napatingin sa phone ko kahit namatay na ang tawag doon. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang pag-aalalang lihim na nararamdaman ko para kay Top ngayon.

"Ivory." baling ni Blue sa akin upang malaman ang pinag-usapan namin ni Top.

"I don't know what happened pero kailangan ko silang puntahan Blue." pauna kong sambit sa kanya.

"No! Kailangan niyo ng makaalis sa bansa Ivory." tutol naman ni Xander. Alam kong nag-aalala lang siya sa kapakanan ni Blue pati na din naming tatlo pero kailangan muna naming tulungan si Top.

"I need to save them Dr. Go.. kaibigan ko pa rin si Top at kailangan niya ako ngayon." seryosong sagot ko pa sa kanya.

"We need to save them Xander, kaibigan ko din si Marco at pati na din si Top." sambit din ni ni Blue kay Xander na nagbuntong hininga lang bago tinigil ang sasakyan.

"It will all be too late Savvie.. hindi na kayo makakaalis ng bansa kung pupuntahan pa natin ang lugar na iyon." tutol pa rin ni Xander.

"I can't leave my friend habang kailangan pa nila ang tulong ko Xander. Marco is important to me and even to Papa." paliwanag pa ulit ni Blue.

Wala ng nagawa si Alexander kundi ang bumuntong hininga na lang bago nito paandarin at iliko ang sasakyan papunta sa sinabi kong direksyon. Naiiling pa ito dahil alam kong tutol pa rin siya sa naging desisyon namin ni Blue. Kinuha nito ang phone niya at may pinindot bago ito nilagay sa teynga niya.

"Mr. Park we can't make it." rinig pa naming sambit niya. "I'm sorry.. ..yeah.." dagdag niya pa bago ibigay kay Blue ang phone niya.

***

Blue points of view:

"Pa." sambit ko sa kanya sa kabilang linya.

"Sweetie your life is in danger now pati na din ang mga kaibigan mo." namomroblema niyang saad.

"I know that Pa, pero kailangan kong iligtas si Marco Pa."

"Marco.." buntong-hininga lang niyang sambit sa pangalan nito.

"May alam ka na ba sa nangyari sa kanya Pa?" biglang tanong ko sa kanya na ikinabuntong hininga na naman niya ulit.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now