Part 46-Blood night

465 52 24
                                    


Mikael pov:

"Dude, tama ang hinala nating nasa panganib ang buhay ni Lorraine." pakausap ko kay Dione. Siya lang muna ang kinausap ko dahil wala pa naman ang iba naming mga kasama. Blood night nang buong gang ngayon kaya may kanya-kanyang gawain ang tatlo. Kinausap ni Miguel ang Uno— ang gang na kilala sa Crimson Academy habang si Czero naman ang kumausap sa mga Clinton high— Black Raven naman ang pangalan ng grupo. Kasalukuyan ding nakikipag-negosasyon si Jeric sa mga taga Ace Academy— ang Aces. Sila ang mga gang na kumakampi sa amin dahil katulad namin, iwas din sila sa mga illegal na gang.

Dark Shadow ang kalabang grupo ng Dark Knights na kinabibilangan ng Phoenix Gang, Red Vixen at Arrow na kilala sa mga illegal na gawain. Mahilig sila sa pustahan at pagbebenta ng illegal na droga. Nababalita ding pati ang pag-smuggle ng baril ay pinasok na din ng kabilang grupo.

Bumuntong hininga lang si Dione na nag-iwas ng tingin sa akin. Para bang may iba pa siyang problema. "I know it Mikael." sambit niya.

"How?" taka kong tanong sa kanya. Paano naman niya nasigurado? Binabantayan niya ba si Lorraine ng palihim?

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, basta ang importante ligtas siya sa mga humahanap sa kanya. —sa ngayon!" paliwanag niya. Napaseryoso ako ng tingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin. —sa ngayon? Bakit sino ba ang naghahanap sa kanya? May kinalaman ba ang Underground organization dito?" mataman kong tanong. Sa kanya na din unang nanggaling na marahil may kinalaman ang naturang grupo sa banta sa buhay ni Sabrina.

"Tss. As I told you Mikael ligtas ang buhay ni Sabrina sa mga oras na ito.—-Kelangan muna nating pagtuunan ang magaganap na Blood night mamaya. Delikadong kalaban ang mga Dark Shadow dahil may mga baril sila." pag-iwas niya sa nauna naming napag-usapan. Napailing na lang ako sa tinuran niya. Ramdam kong may tinatago siyang bagay sa akin.

Magtatakip-silim na ng dumating ang tatlo. Nakahanda na daw ang ibang grupo kaya kelangan na naming pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang blood night. Extension way ang lugar na iyon na madalas ginaganapan ng karera. Doon ang kota ng Dark Shadow dahil malapit lang ang lugar nito sa Public High na pinapasukan ng marami sa myembro nila.

The night has come at naka-pwesto na din ang lahat. Hiwalay ang pwesto ng grupo. Mayroon sa intersection, sa may pakurbang daan at ang finish line. Kami ang nasa hangganan, ang dead end na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng lugar.

All are set. The plan is well organized pero nabago ito ng dumating ang hindi inaasahang tao na madadamay sa gang war na ito. Lorraine! Kasama niya pa ang kaibigan niya..

"What the are you doin' here?" gulat kong tanong. "This place is too dangerous for you girls— what the hell are you doin' here?!!!" hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses. Hindi pweding madamay sila sa mangyayaring gulo ilang minuto ang lilipas mula sa mga oras na ito. Nag-aalala ako sa kanila. Motor pa naman ang gamit nilang sasakyan.

Tahimik lang na nakatingin si Lorraine sa akin at hindi ko maiwasang magsisi dahil sa pagtaas ng boses ko.

"So, what really happen?" mahinahong tanong ni Miguel. Pansin niya siguro ang pagkakabahala ni Lorraine sa pagsigaw ko kaya pinili niyang huminahon na lang sa pagtatanong. Hindi ko naman sinasadyang mapasigaw sa kanya.

"We are supposedly taking short cuts way, pero nagkamali kami ng daan." paliwanag niya. Lalo akong naguilty dahil hindi man lang siya makatingin sa akin ng deretso.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon