Part 31- Sports Festival 6

710 59 18
                                    

"Eotteohge jinae apo?" tanong ni Lola habang magkausap kami through video call.. nasa korea pa rin kasi siya.    (how are you)

"Jeon gwaenchanh-ayo,..bogo sip-eoyo halmeoni." malambing na sabi ko naman kay lola.           (I'm fine... i miss you gradma)

"Jinja? Oh.. i miss you too apo. Pasensya na kung matatagalan pa ang uwi ko jan." sabi ni lola. Nagtaka naman ako,, ang sabi kasi niya ay uuwi siya sa susunod na buwan.

"Wae halmeoni?"kaagad kong tanong kay lola.

"Nothing apo. Kelangan ko lang magpahinga muna sabi ng doctor ko. Alam mo namang matanda na ako." paliwanag ni lola sa akin. Di ko namang mapigilang mag-alala sa kanya.

"Are you really okay there lola? I think I should be with you now. Pupuntahan po kita jan." agad-agad kong sabi sa kanya. Ayoko siyang nagkakasakit na wala ako sa tabi niya. Minsan na akong naiwan ng mahal sa buhay dahil sa pagkakasakit at ayoko na ulit maranasan iyon.

"Apo.. stay there.. okay? I'm fine.. may doctor naman ako dito. And remember, nag-aaral ka na sa private school, hindi ka na home school.. you can't go wherever you want dahil sa mga classes mo."pigil ni Lola sa akin.

"But..lola.. i want to be with you. Nag-aalala po ako sa kalusugan mo and I want to take care of you." malambing ko ng sabi sa kanya..

Mahal ko si lola katulad ng pagmamahal ko kay Mama noon. At gusto kong alagaan siya katulad ng pag-aalaga niya sa akin noong nasa Korea pa ako. Siya na din kasi ang tumayong ina at ama ko noong kami lang ang magkasama at lahat ng gusto ko at makabubuti sa akin ay binibigay niya kaya sinusuklian ko naman ng pagiging masunurin at mapagmahal na apo sa kanya.

"Salamat sa pag-aalala Sabrina. Pero you need to attend to your school. Okay? I'm really fine here. Don't worry too much,. Kapag maayos na ang kalusugan ko.. uuwi kaagad ako jan." sabi ni lola.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Kahit naman kasi ipagpilitan kong pumunta sa Korea. Di din niya ako papayagan.

"How about Ales and Xander lola, how are they?"pagkumusta ko sa mga kaibigan ko.

"They are busy in there school.. Xander are enrolled in the College University and Ales are also enrolled in highschool pero may ibang pinagkakaabalahan daw si Ales sabi ng lola niya,pero hindi sinabi kung ano. Hindi ba kayo nagkakausap apo?"

"Not always lola.. I'm also busy here because it's our Sports Fest in Academy."sagot ko sa kanya. Madalang lang talaga kami nagkakausap ni Ales at kay Xander naman, one time lang noong dumating lang ako dito sa Pilipinas. Ewan ko ba dun, but i understand him naman. Iba na siguro ang time management kapag college na.

"Sports Fest? Sumali ka ba apo?"excited na tanong ni Lola. Isa iyun sa mga gusto ni lola na salihan ko para masanay daw akong makihalubilo sa ibang studyante.

"Yeah lola..  I am in the billiard sports."sagot ko sa kanya.

"Edi maganda apo.. i know magaling ka sa paglalaro niyan. Katulad ka ng ama mo, mahilig sa bilyar."masayang sabi ni lola.

"Opo lola. Baka nga kay Papa ako nagmana sa paglalaro ng bilyar.."masaya ko ding sabi sa kanya. Naalala ko kasi noong naglaro kami ni Papa pero napawi din ang tuwa ko nung sumagi din sa isip ko ang ibang sinabi niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt