Part 99- Deserves

211 13 0
                                    



Blue points of view:

"John." tawag ko kay Dione ng makapasok na ako sa loob.

Nanatili siyang nakayuko sa kinauupuan niya.

Napabaling naman ako sa napakalat na paligid ng kwarto. Basag-basag lahat ng gamit, ni wala kang makita ni isang gamit na hindi sira.

Pansin ko ang bahagya niyang paggalaw kaya napalingon na naman ako sa kanya ngunit nagulat na lang ako ng sa isang iglap ay nakatayo na siya sa harapan ko.

"J-john." pabulong ko na lang na tawag sa kanya. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil sa gulat sa ginawa niya.

Tinabingi niya ang ulo niya ngunit nanatili lang na nakapikit ang mga mata niya.

Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan ng pag-aalala ng makita ko ang pagdurugo ng sugat niya sa ulo maging ang nasa dibdib niya.

"J-john your wounds are bleeding." sinubukan ko pang hawakan ang ulo niya ngunit mabilis niya ding tinabig ang kamay ko kahit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya.

Mariin niyang hinawakan ang kamay ko, iyon ang sunod niyang ginawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat na naman pati na din ang sakit ng pagkakahawak niya doon.

"Dione John!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. Ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko ng malakas niya akong hinila at binaliktad gamit ang lakas niya.

Malakas akong bumagsak sa sahig. Napahawak ako sa likod ko ng maramdaman ko ang kirot doon.

"J-john!" sigaw ko na naman sa kanya ng umakto siyang sipain ako.

Mabilis akong bumalikwas at napalayo sa paa niya.

Halos madurog ang sirang bagay na natamaan ng paa niya sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya. Kung hindi ko iyon kaagad naiwasan tiyak na nadurog ang buto ko.

"J-john.. ako 'to si Blue.." sambit ko ulit ng balingan na naman niya ako ng pansin. Nakapikit pa rin ang mga mata niya.

Napaigik ako ng malakas niya akong sinikmuraan. Halos masuka ko ang laman-loob ko sa lakas ng pagkakasuntok niya sa sikmura ko. Malakas na namang tumama ang likod ko sa pader na ikinasigaw ko na sa sakit.

"Johnnn!" tawag ko ulit sa kanya. Malakas na naman siyang nagbigay ng suntok na tumama sa pader ilang dangkal na lang ang layo mula sa mukha ko.

"B-bl-ue." nahihirapan niyang sambit sa pangalan ko.

"J-john i-it's me.. p-please wake up.. please."

Muli na naman niyang sinuntok ang pader kung saan tumama ang kamao niya kanina. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang tumalsik na ang dugo sa gilid ng pisngi ko.

Nagtubig ang mata ko habang nakikita ko ang nakapikit niyang hitsurang nahihirapan. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili niya, alam ko yun pero nahihirapan siya.

"J-john t-tama na.. nasasaktan ka na.. please stop it." pigil ko sa suntok niya.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang braso niyang lalong nanigas ng maramdaman niya ang paghawak ko.

Bigla niya na naman itong binigwas sa akin na animo'y wala pa rin siya sa katinuan kahit narinig ko na ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Malakas ko nang pinigilan ang braso niya sa mga sandaling ito. Malakas niya pa itong piniglas pero malakas ko din siyang kinabig upang yakapin siya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora