Part 29- Sports Festival 4

805 69 24
                                    




-1st competition-

"Good day everyone. I'm Mr. Francisco one of the staff in this Academy and I'm here to welcome you on our first time billiard competition held in our Sports Fest. I'm also here to inform every players about the rules and regulations about the said sports. And to announce also the names of the players who will play today."paunang salita ng announcer.

"It is the responsibility of all players to be aware in all rules and regulations about the billiard games. Before the day of Sports Fest, all coaches had provided the information about the rules and regulations of the sports and we do hope that the players also know it."

"So now.. let's start for calling the names of the players who will be playing this day. May i call on the players of Clinton High School.. Miss Lilybeth San Andress and Miss Melanie Chua."tawag ng announcer sa mga player ng Clinton High at naghumayaw naman ang mga studyante sa kaka-cheer.

"Go Clinton High.."

"Melanie ang sexy mo."

"Galingan mo babe Lily."

"Woahhhhh.. panalo na agad yan."

Sigaw ng mga studyanteng taga-Clinton High.

Samantalang kinakabahan na si Isay sa gilid at hinihintay na lang ang pagtawag sa pangalan nila ni Blue. Si Blue naman ay chill lang kahit ang totoo ay dinadaga na din ang dibdib niya.

"And now me I also call the players of San Sebastian Academy. Miss Isabela Mendoza and Miss Sabrina Lorraine Park."tawag naman ng announcer sa kanila at nagsimula na silang maglakad papunta sa harap ng billiard hall.

Ang lakas ng sigawan ng mga studyante sa labas na dahilan ng pagkaway kaway ni Isay sa mga ito. Tuwang-tuwa pa at animo'y artista na nag-eenjoy sa mga tilian ng mga fans.

Si Blue naman ay nanatili lang naka-poker face at nakatingin lang sa ibaba dahil iniiwasan niyang makaramdam pa ng hiya at maaapektuhan pa ang magiging laro niya.

Di na niya alintana ang patuloy na pagsigaw ng pangalan niya galing doon sa mga lalakeng studyanteng nanonood.

"Wooahhhhhh.. ang ganda niya talaga.."

"Galingan mo idol.. pa-autograph mamaya."

"Sabrina Goodluck.."

"Ang cute mo Isabela."

"Woahhhh.. astig mo talaga Sabrina.. hulog na hulog na ako sayo."

"Goodluck girlfriend."sigaw ni Miguel na nakakuha ng atensyon ni Blue. Napangiti nalang siya ng bahagya dahil nag-cheer nga talaga ito.

Hindi man siya tumingin kay Miguel alam nito na natuwa siya sa pag-cheer dahil napansin niya ang bahagyang pagngiti ni Sabrina nung narinig niya ang sigaw nito.

Pumwesto na sila sa kanya-kanyang area. Race to eight ang magiging laro ng mga double na players. At ang grupo ni Blue ang nanalo sa coin flip kaya sila ang unang titira. Si Blue naman ang naatasang unang sasargo.

Malakas ang pagsargo niya at ang timano o impact ay sapat lang para magbreak ang bola at mahulog ang dalawa.

Hiyawan naman ang studyanteng nanunuod at hangang-hanga sa ginawa ni Blue.

"Woahhh galing mo talaga Sabrina!"

"Go.. go.. go.. Sabrina!"

"Woahhh idol ang ganda mo!"

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now