Part 27- Sports Festival 2

810 73 44
                                    


Sports Festival 2..

"STUDENTS of St. Bernard Academy.. are you ready?!" sigaw ng emcee na nasa stage.

"Yes.. we're ready! Go St. Bernard Academy! Go!" sigaw at chant ng mga studyanteng taga St. Bernard.

"How about the Clinton High School." tawag naman ng emcee sa ibang grupo ng studyante.

"Woahhhh!! Go Clinton High! Go for the gold! Go!" sigaw ng mga studyanteng galing sa Clinton High.

"The Brent Academy.. are you ready students?!"

"Yes we are!" sigaw ng mga studyanteng may kasamang pagpalo ng drum.

"San Sebastian Academy!" malakas na sigaw ng emcee.

Naglabasan naman ang mga cheerers at kasama ang grupo ni Stephanie suot pa ang uniform nilang maiksi na animong nagkulang sa tela. May paandar ang mga bullies.

Nag-umpisa na silang mag-cheer at sumayaw sa gitna ng stage at nagtapos ang cheering nila sa "Go San Sebastian Academy! Good luck Dark Knights!"

Si Isay naman na naalibadbaran sa mga cheering squad lalong lalo na sa mga Queen B ay naghihimutok sa gilid dahil hindi niya nagustuhan ang tanawin sa stage. Mga papansin daw kasi ang mga ito. Panay pa pa-cute sa mga lalakeng players. Ako lang ang cute. Sa isip niya habang nakabusangot ang mukha.

Siniko naman siya ni Blue dahil di na maintindihan ang mukha nito.

"Hoy anong problema mo? Natatae ka na ba?" seryosong tanong ni Blue.

Taas kilay naman niya itong nilingon.

"For your information tumae ako kanina bago umalis ng bahay. Mahirap na baka magkalat pa ako sa laro natin mamaya." nakabusangot pa rin na sabi ni Isay na may pagtaas pa ng kilay.

"Eh anong mukha yang pinapakita mo ngayon?" sabi ni Blue na nakaturo pa sa mukha ni Isay gamit ang nguso niya.

"Ehhhh.. naalibadbaran ako sa mga babaeng yun."sabi ni Isay patungkol sa mga Queen B. "Mga papansin. Potcha ganun lang pala gagawin sa stage. May paandar pang nalalaman."bad trip na sabi ni Isay.

"Edi pumunta ka din sa stage at mag-cheer para di ka nakabusangot diyan." suhestiyon ni Blue sa kanya.

"Tsk. Huwag na baka masapawan pa sila ng natatangi kong ganda."

"San' banda?"seryosong tanong ni Blue at sinusuri pa ang mukha ni Isay na mas lalong nakapagpa bad trip dito.

"Bad trip ka naman Blue oh. Hinagilap mo pa talaga. Hindi ba halata?"naaasar na sabi ni Isay.

"Patingin."pagmamaang maangan pa ni Blue at mas lalong inaasar si Isay. At ng makita na niya talagang naiinis ito dahil hindi na talaga maintindihan ang pagmumukha ay humagalpak na siya sa tawa. Hinahawakan pa niya ang tiyan niya dahil sa tawa niya.

"Tsk. Bad trip talaga . Nasaan na kasi 'yun si Kirsten at ng di mo na ako mapagtripang buwiset ka." himutok ni Isay.

Patuloy pa rin sa pagtawa si Blue at hindi alintana ang nanunuod sa kanya. Tuwang tuwa siya sa pagmumukhang bad trip ni Isay. Nababawasan din kasi ang kabang nararamdaman niya dahil sa magiging laro nila mamaya. First time niyang makipaglaban sa school. Kahit naman marunong siya sa larangan ng bilyar ay hindi niya pa din maiwasang kabahan at the same time nahihiya din siya dahil hindi siya sanay sa attention ng maraming tao.

Natigil lang ang pagtawa niya ng tinawag ng emcee ang Dark Knights at magpeperform pala sila ngayon sa opening ng Sports Fest. Mas lalo namang lumakas ang tilian at sigawan ng mga studyante lalong lalo na ang mga kababaihan ng magsimula ng kumanta si Mikael. Para silang nagwawala at kinikilig pa.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora