Part 103 - Saving Top 1

209 13 0
                                    



Blue points of view:

Mabilis kong tinunton ang kinaroroonan ni Ivory ngayon. Nabanggit ni Marco na nasa pang-anim na yate ang kinalalagyan ni Top bago ko sila pinaalis ni Xander upang madala na siya kaagad sa ospital.

Malala ang tama niya sa may tiyan at alam ni Xander na habang tumatakbo ang oras ay lalong nanganganib ang buhay nito.

Ayaw nila akong iwanan pero wala na din silang magawa ng pinagtulakan ko na silang umalis.

**

"Ivory." tawag ko pa kay Ivory sa linya ko pero hindi pa rin niya ako sinasagot. Puro putok lang ng baril ang naririnig ko at hindi ko sigurado kung sa kinaroroonan niya ba nanggaling iyon o kina Dew at First.

"Dew?! First?!" tawag ko din sa dalawa pero katulad ng kanina ay putok ng baril pa rin ang naririnig ko.

"Damn it! Talk to me!" inis kong saad habang nag-aalala na sa kanilang tatlo.

Binilisan ko pa ang takbo ko habang hawak ang baril na nakuha ko mula sa kalaban kanina. Ramdam na ramdam ko na ang pagkirot nang likod ko dahil sa tama ng baril kanina. Pilit ko pang tinago iyon kay Xander upang hindi na siya mag-alala pa at magawa niyang dalhin si Marco sa ospital.

Paliko na ako ng daan ng may bigla akong nakasalubong na agad ko namang tinutukan ng baril.

"What the fuck!" gulat ko pang sambit sa taong nakasalubong ko.

Kunot-noo niya pa akong tinignan habang nakatutok din ang baril nito sa akin.

Tinanggal ko naman ang maskara ko kasabay ng pagbaba ko ng baril at mas lalo pang rumehistro sa hitsura niya ang pagkagulat at pagtataka.

"Blue?!" nagtataka nitong tawag sa akin.

"What the hell Asher? Why are you here?!" nagtataka ko ding tanong sa kanya habang tinitignan ang hitsura niya. Gaya ko ay nakasuot din siya ng itim na kasuotan ngunit ang pinagkaiba lang ay hindi siya nakasuot ng maskara kaya kaagad ko siyang nakilala.

Binaba naman niya ang baril niya bago din ako tanungin.

"Ano din ang ginagawa mo dito Blue?!" balik niya ding tanong sa akin. Nanlaki na lang ang mata ko ng iangat niyang muli ang baril niya at walang sabi itong pinaputok.

"Kingena Asher!" sigaw ko sa kanya bago paputukin din ang baril upang tamaan ang kalaban na nasa likod niya.

May kalaban din sa likod ko na nagawa niyang tamaan bago pa nito ako barilin.

"Care to explain Blue? Bakit ka nandito at bakit ganyan ang suot mo? You're even holding a gun?" sunod-sunod nitong tanong sa akin na muntik ng ikinaikot ng mata ko. May hawak din siyang baril sa mga oras na ito kaya parehas lang kami.

"May hinahanap akong tao kaya ako nandito Asher.." sagot ko sa kanya. "..eh ikaw? Bakit ka nandito?" dagdag ko pang tanong dito.

"May hinahanap din akong tao kaya nandito din ako." sagot naman niya na ikinakunot na din ng noo ko.

"Who?!" nagtataka kong tanong na ikinatitig niya sa akin.

Nag-iwas din siya ng tingin kapagkuwan bago ko napansin ang pag-igting ng panga niya habang nakatanaw na sa harapan namin.

"Naalala mo pa ba ang kinwento ko sayo noon tungkol sa dahilan ng pagkamatay ni Mama?" umpisa niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. Pinaputukan niya muna ang kalabang nasa harapan namin bago siya nagsalitang muli. "..ang illegal na organisasyong ito ang dahilan ng pagkamatay niya." dagdag pa niya na bahagya ko namang ikinagulat.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now