Epilogue 2

426 12 0
                                    



Isay points of view:

"Dadating ba siya?" tanong ni Marco sa akin.

"Hindi ko alam.. hindi naman siya nagrereply sa mga text ko." malungkot ko namang sagot sa kanya.

"She will come." simpleng saad naman ni Miguel bago balingan ng tingin ang tahimik na lider ng Itim na kabalyero pati na rin ang Man of few words na si Dione.

Maaga din kasi silang dumating dito sa resort dahil tutugtog ang banda nila sa opening ng tournament.

Sinamahan ko naman si Kirsten na maaga ding magpunta dahil ang student council ang mag-aayos ng event area.

May tinawagan si Marco sa phone niya at napangiti pa itong bumaling sa amin pagkatapos niyang makipag-usap sa telepono niya.

"Herrera is right.. dadating siya." nakangiti niyang sambit bago balingan si Mikael na pasimple pang nag-iwas ng tingin sa kanya.

"We should start rehearsing." sambit ni Mikael kapagkuwan sa mga kasama niyang Dark Knights bago ito tumango sa amin ni Kirsten.

Umalis na sila para mag-ensayo. Kaming dalawa naman ni Marco ay tinutulangan pa rin si Kirsten sa pag-aayos ng paligid.

Lahat ng nakalaban ng San Sebastián Academy noong Sports Fest ay narito.. maging ang ibang mga schools at academies ay present din sa tournament na magaganap.

"Done." natutuwang sabi ni Kirsten. "Maghanda na din tayo para sa opening mamaya Isay, Marco." dagdag pa niya na tinanguan naman namin.

"I need to go to my team.. see you later girls." paalam naman ni Marco bago ito magpunta sa mga kasama niyang taga-Brent Academy.

Nagpunta na din kami ni Kirsten sa room na inuukupa namin sa hotel. Naghanda na kami at nagpahinga na din.


***

"Nasaan na kaya si Blue?" tanong ko habang nakatanaw na sa mga bisita at studyanteng naririto na ngayon para sa tournament na magaganap.

Kanina pa kami naghihintay ni Kirsten pero ilang oras na lang at mag-uumpisa na ang opening ay wala pa rin siya.

"Dadating din 'yun Isay." sabi naman ni Kirsten.

Nakatanaw pa rin ako sa mga tao at pilit pa rin siyang hinagilap ng mata ko.

Napansin ko naman ang iilang studyanteng nakatanaw na sa iisang direksyon ngayon kaya napasunod naman ako sa tinitignan nila.

Gusto kong maiyak sa tuwa ng makita ko na ulit ang kaibigan ko.

"Blue!" pasigaw kong tawag sa kanya bago hilahin si Kirsten papunta sa pwesto niya.

Kasama pa niya si Ivory at dalawang babae na hindi ko pa nakikilala.

"Namiss kita Blue.. huhuhu." naiiyak ko pang sambit bago siya mahigpit na niyakap. Medyo nabigla pa siya sa ginawa ko ngunit ngumiti na din siya ng balingan niya ako ng tingin. Nakiyakap din si Kirsten sa amin na ikinangiti na naming tatlo.

Namiss ko siya ng husto kaya sobra akong natutuwa ngayong nakasama na namin siya ulit. Ngunit bigla na lang akong napalingon sa nagtanggal ng kamay ko sa likuran ni Blue.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora