Part 85- Survival training

261 18 0
                                    



Blue points of view:

Sa mga sumunod na araw, nakasama na din namin si First sa training.

Pinakilala ko siya kay Papa na natuwa kaagad dahil sa pagiging jolly niya. Mahilig magsalita si First na pang-out of this world na mga bagay pero hindi niya alam na nakakatawa na pala yun.

"Tito may kaibigan din po akong mahilig sa koreano, baka pwedi mo siyang ireto." sambit pa nito kay Papa na ikinatawa lang nito.

Ilang araw lang ang nagdaan, feeling close na kaagad siya sa ama ko. Sabagay, iyon kasi ata ang kulang sa kanya.

After ng training namin sa headquarter ng Underground Organization, pinadala kami ni Papa sa isang isla. Malayo ang sunod na isla mula dito pero nasabi ni Ivory na isang tagong paaralan ang nandoon sa kabila.

Liveid High University.

Isang paaralang may kinalaman sa dievil drug.

Hindi ko alam kung anong binabalak ni Papa ngunit pakiramdam ko may kinalaman ang paaralang iyon kung bakit niya kami pinadala sa islang ito.

Sakop pa rin ng Underground Organization ang islang ito at kabilang din ito sa magiging training namin. Nabanggit din ni Papa na magiging mas mahirap na ang magiging training namin sa lugar na ito dahil parang survival game ang mangyayari sa amin dito.

Hindi na din namin muna kasama ang Dark Knights dahil kelangan na nilang pumasok ulit sa Academy. May laro din sila sa kabilang school kaya kelangan talaga nilang bumalik muna.

"Wala man lang tayong pagkain." nanghihinang sabi ni First habang tulala lang na nakatingin sa kusina. Pagkain talaga ang unang pinroblema niya.

"Kailangan nating maghanap.. grabe si Tito, masyado ata siyang na-carried away sa survival game na sinabi niya." si Dew naman na sinabayan na din ang pagkatulala ni First.

"Tsk! Puro kayo reklamo." saad ni Ivory na nginiwian lang ng dalawa. "Let's find some food bago pa gumabi.. mahirap na kapag naabutan tayo ng dilim sa gubat." suhestiyon pa nito na tinanguan naming tatlo.

Sama-sama kaming naghanap ng prutas, o kahit ano mang pweding kainan sa loob ng kagubatan. Maraming punong-kahoy ang islang ito kaya may kadiliman din kapag nasa gitna ka na ng kagubatan.

"Look out!!" tili ni Dew ng may biglang arrow na lumipad papunta sa gawi namin.

"Damn it! Muntik na tayo doon." sambit ni Ivory habang nakadapa na kaming apat sa lupa.

"Umpisa na ba ng survival training?!" si First naman ng nakasubo na kaagad ng nahanap naming saging.

"Yes.. and we need to be alert. Mahirap na kapag may natamaan man sa ating apat dito dahil walang doctor na tutulong sa atin." paliwanag pa rin ni Ivory. Nagsitanguan kaming apat. Pinakiramdaman muna namin ang paligid bago kami dahan-dahan na tumayo. Nang wala ng panganib, umalis na din kami sa pwesto namin at nag-umpisa ulit na maghanap ng pagkain.

"Blue not there." awat ni Ivory sa akin ng maglakad ako sa kaliwang daan. Tinuro naman niya sa akin ang isang patibong. Patusok ito na kapag may nakaapak sa tali nito at siguradong matutusok ang bandang tiyan ko.

Bigla tuloy akong napalunok. Paano na lang kung hindi iyon nakita ni Ivory?

Sa di kalayuan may namataan kaming baboy damu.

"We need to get that pig." sambit ni First na ikinatingin namin sa kanya.

"You want to kill that wild pig?" di makapaniwalang tanong ni Dew sa kanya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now