Part 6-

1.2K 97 51
                                    



Dark Knights

Mikael San Sebastian: lider ng grupong dark knights. Mayaman, gwapo, cold at chic magnet. Pinaka popular siya sa buong San Sebastian Academy at number 1 sya sa list ng popular students ng naturang academy.

Miguel Vincent Herrera: Good guy ng grupo. May maamong mukha. Mayaman din at madaling magustuhan ng mga kababaehan dahil sa pagiging mabait nito. Pang number 2 sa popular list ng school.

Dione John Enrile: Cold guy. Minsan lang din siya nakikipag-usap. Mahilig matulog at magbasa. Tahimik at walang interes sa buhay ng iba. Mahilig siyang tumugtog ng piano. Number 3 sa popular list ng school.

Jeric Jose Macapagal: Mahilig sa chics. Ginagawang hobby ang pagpapalit ng girlfriend. Masayahin at bolero pero mabuti namang kaibigan. Maaasahan kasi siya sa mga kalokohan ng barkada. Number 4 sa popular list ng school.

Czero de la Cruz: bunso ng grupo. Gwapo at mayaman din. Masayahin at madali lang lapitan kasi friendly siya. Mahilig din sa chics lalo na pag sexy at maganda.


Simula pagkabata ay magkakaibigan na ang lima. Magkaibigan din kasi ang mga magulang nila. Kaya ng magsimula silang mag-aral ng high school ay bumuo sila ng grupo at pinangalanan nilang Dark Knights.

Ang Dark Knights ay binubuo ng mayayaman, matatalino at gwapong myembro.

Madami silang mga taga hanga hindi lang sa school nila pati na din sa ibang university at academy.

Kabilang sila sa star section ng school at puro mayayaman at matatalino lang ang nakakapasa sa star section.

Ang star section ay mayroon lamang 10 studyante kabilang na dito ang 5 dark knights, 3 babaeng nanggaling din sa mayayamang pamilya at dalawang lalaking anak din ng ibang share holders ng school.

Ang Dark Knights ay isa ring grupo ng gangster.

"Kael may racing na naman mamaya. Naghahamon ang kabilang grupo." balita ni jeric sa lider.

"Tsk.. di pa din sila nadadala lage naman silang talo."

"Ganoon talaga ang motto nila 'try and try until they die'." natatawang sabi ni Czero sa mga kaibigan.

"Tsk." ganoon pa din ang reaksyon ni Kael.

"Ako na ang bahala sa racing." sabi naman ni Miguel.

Natahimik ang apat na nakatingin kay Miguel. Ngayon lang kasi nito nagustuhang makipag racing.

Naiiling at tawa-tawang tumingin si Mikael sa kanya.

"Are you sure?"tanong pa nito.

"Yeah.. matagal na din akong di nakakaramdam ng adrenaline rush. Gusto ko ulit makaramdam ng excitement." sagot naman ni Miguel dito.

"It's settled then. Good luck."

Kinagabihan ay nagpunta na ang grupo kung saan sila makikipag karera. Madami ding grupo ang dumating at kapwa excited sa magaganap na karera.

"Yoow!" bati ng kabilang grupong kinabibilangan ng Phantom Shadow. Eto ang naghamon sa kanila.

"Tsk." tamad lang na reaksyon ni Miguel.

"So anong magiging pustahan natin?" tanong ng phanthom leader na si Asher Bartolome.

"Money and car pa din."sagot naman ni Jeric ng Dark knights.

"Tsk. Boring pa din ang pustahan natin. Bakit di na lang natin e-level up ang pustahan?"hamon naman ni Joel na myembro ng kabilang grupo.

"Di kami mahilig sa illegal na pustahan." banggit ni Dione. Alam kasi nito ang mga illegal na ginagawa ng kabilang grupo.

"Tsk. Sige na umpisahan na ang laban at ng matapos na. Sa iba na lang kami makikipagpustahan ng illegal."mayabang na sabi ni Asher.

Si Joel ang makakalaban ni Miguel sa car racing.

"Hey. Goodluck sa pagiging loser mamaya. May oras ka pang umurong sa laban natin para di ka naman magsayang ng effort."mayabang na sabi ni Joel.

"Tsk."tipid lang na sagot ni Miguel. Ayaw niya kasing makipagtalo sa mayayabang at walang kwentang kausap.

At nag-umpisa na nga ang labanan ng dalawa. Sa unang bahagi ay nauuna si Joel ngunit sa pagiging kampante at yabang nito ay naunahan siya ni Miguel at nanalo ito sa karera.

Natatawang lumabas ng kotse si Miguel at naaasar naman si Joel.

"Sinwerte ka lang ngayong huwag kang mayabang."asar na sabi ni Joel.

"Tanggap tanggap din sa pagkatalo pag may time Joel."pang aasar ni Miguel sa kanya.

"Aba't loko to 'ah."galit na sabi ni Joel.

"Tama na yan Joel."pigil ni Asher sa kanya.

"May araw din yang mga yan."bulong pa ni Joel.

"Huwag kang mag-alala, di pa tayo tapos sa mga mayayabang na mga 'yon."sabi ni Asher sa grupo.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon