Part 107- Sorry

362 13 0
                                    



Ivory points of view:

Kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi sa lahat ng nangyari.

"Jacob." tawag ko sa kanya ngunit nanatili lang siyang tulalang nakatanaw sa malayo.

"Am I that evil, Rio?" buntong-hininga niyang saad na ikinabuntong hininga ko na din.

"No.." mahina ko lang na sambit na ikinalingon na niya sa akin. "sa palagay ko nga mas demonyo pa ako kaysa sayo Jac." mapakla pa akong natawa sa sinabi ko.

"Kaya nga siguro bagay tayo Rio." natatawa din niyang sambit. Ang mapakla kong tawa ay naging totoo ng tawa sa sinabi niya. Halos parehas lang kami ng naging buhay ni Jacob noon sa loob ng underground organization ng hindi pa ganap na napapamunuan iyon ni Mr. Park, ang ama ni Blue at Jacob.

May rason kung bakit tinago ni Mr. Park na anak niya si Jacob noon. Nanganganib ang buhay nito kasabay ng panganganib ng posisyon ni Mr. Park sa organisasyon. Malaki ang naging sakripisyo nito para lang sa kaligtasan ni Jacob pero malaki din ang naging kapalit ng desisyon na iyon. Naging malayo ang loob ni Jacob sa ama at nangyari pang kinamuhian niya ito. Gusto niyang maghiganti dahil sa paghihirap na naranasan niya noon. Nadagdagan pa ito ng malaman ni Jacob ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang ina niya. Mas pinili ni Mr. Park ang babaeng totoong mahal niya at sa palagay ko ay ang ina iyon ni Blue.

"Is she okay now?" tanong niya tungkol kay Blue.

Nandito kami sa UO headquarters upang magamot ang mga sugat namin.

"Your blood saves her, Jacob.." nakangiti kong sambit sa kanya. Nangailangan ng blood transfusion si Blue dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Kasalukuyan siyang minomonitor ng kaibigan niyang doctor na sa palagay ko ay may lihim din na pagtingin sa kanya. Tsk! Ano kayang gagawin ni San Sebastián kung malalaman niya ito?

"You.. are you alright?" baling niya din sa akin dahil sa tama ko din sa likod. Hindi naman iyon malalim. Tumango lang ako sa kanya bago siya mag-iwas ng tingin.

"T-thank you Rio and I'm s-sorry." nahihiya niyang sambit. Nagbuga muna siya ng hangin bago ulit nagsalita. ..s-sorry for what I said.." dagdag pa niya tungkol sa sinumbat niya sa akin.

"I deserve it Jac.. kung hindi sana ako nahuli ng dating noon, naligtas ko pa sana ang iba.. hindi sana sila namatay."nagsisisi kong ani tungkol sa mga kasamahan namin noon sa organisasyon na na-inject din ng dievel drug na ginawa ni Dr. Hiroshi.

"They're not dead Rio.." napalingon ako sa sinabi niya. "Cyan and the others are still alive.. nasa loob lang sila ng isang university na pagmamay-ari din ni Hiroshi." dagdag niya na ikinalakas ng tibok ng puso ko. They're not dead.. May pag-asa pa akong iligtas sila.

"W-where?" nanginginig kong tanong tungkol sa sinabi niyang university.

"Livied High University." sagot niya na nagpa-alala sa akin tungkol kay Cane.. Siya ba si Cyan? We meet Cane at Hiroshi's Island at may posibilidad na siya ang hinahanap kong kaibigan. Ang tanga ko! Bakit hindi ko naisip iyon kaagad?

Nakuyom ko na lang ang palad ko dahil sa prustrasyong nararamdaman ko ngayon. I need to save her, i need to save them.

"What's wrong Rio?" nagtataka naman niyang tanong sa akin.

"I need to save them." baling ko sa kanya. Umiling naman siya bago hawakan ang naninigas kong kamao.

"You need to take a rest first.. may tama ka Rio and I'm sorry for that.. napatingin pa siya sa likod ko. ..Your friends have wounds too as well as my s-sister." nahihiya niyang sambit sa huling sinabi niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now