Part 40- Sweet lips

653 59 41
                                    



———————-

"Kinikilig ka ba baby?" nakangiting tanong ni Mikael kay Blue habang nagmamaneho pa rin ito papunta sa Academy. Natapos na kasi ito sa ginawang pagha-hum na nauwi sa mahinang pagkanta ng it's you na kinanta din niya noong isang gabi kay Blue.

Hindi naman makalingon sa kanya si Blue dahil parang sinisiliban na ng apoy ang pisnge nito at ramdam niyang pulang-pula na ito dahil kanina pa siya lihim na naglulupasay sa kilig na ginagawa lang niya sa isip niya at nadagdagan pa ito ngayong bigla na lang itong nagtanong sa kanya..

Gusto niyang lakasan ang buga ng aircon na nasa harapan niya at itutok dito ang mukha niya para mabawasan naman ang init ng pisnge niya at makalanghap na din siya ng hangin dahil konting-konti na lang ay magha-hyperventilate na siya sa kinauupuan niya. Iba din ang nararamdaman niya sa tiyan niya na parang umiikot ang sikmura niya, at hindi na niya alam kung kasali pa ba ang nararamdaman niya sa tiyan niya sa kilig na lumulukob sa puso niya.

Tumikhim na lang siya at patay-malisyang pinagpatuloy ang panunuod sa mga nadadaanang mga establishemento sa gilid.

Pakiramdam niya ang tagal ng naging biyahe nila.. Ang bagal naman ata ng pagpapatakbo ni Mikael..maktol niya sa utak niya..

Maya-maya ay nagtanong na naman si Mikael sa kanya.

"Do you want to eat baby?"tanong nito na ikinailing ni Blue dahil gusto na niyang madaliin ang pagdating nila sa Academy.

Hindi na nga niya magawang makatingin dito ngayon tapos sabay pa silang kakain? Baka maimpatso lang siya at di matunawan.

Pero natawa na lang ito ng marinig ang pagtunog ng tiyan ni Blue.

Lintik! Kaya pala umiikot ang sikmura niya dahil sa gutom na ang mga nakatirang alaga niya dito.. potcha..!! Panira ng moment.. akala pa naman niya ay kasali na sa kilig na nararamdaman niya ang pag-ikot ng sikmura niya.. dafak!!

"Umaangal na ata ang mga alaga mo sa tiyan baby.."tatawa-tawang sabi ni Mikael na ikinangiwing ngisi ni Blue.

"Hehe!! Don't mind it Mikael.."pilit na tawang sabi niya dahil sa kahihiyang pinadanas sa kanya ng kumukulong tiyan niya.. Simula pala kaninang umaga ay hindi pa siya kumakain kaya nalipasan siya ng gutom at ngayon tuloy ay nag-eskandalo ang tiyan niya.

"Let's eat.."nakangiting yaya nito at saktong napadaan sila sa isang cafe na Sweet Cakes and Pastries ang nakalagay na pangalan sa labas.

Huminto ang sasakyan nila at mabilis na bumaba si Mikael at pumunta sa gawi niya para pagbuksan siya. Agad niyang tinanggal ang seat belt niya dahil baka ito na naman ang magtatanggal dito. 'Tama na ang pagiging lutang Blue. Kotang-kota ka na sa kahihiyan.' sabi niya sa isip niya.

Inalalayan siya ni Mikael na makalabas at nilahad pa nito ang kanang kamay niya at nahihiyang tinanggap naman niya ito.

Hawak kamay silang pumasok sa cafe at kahit pilit niyang hinihila ang kamay niya ay hindi nito hinahayaang makawala siya hanggang sa pinaghila pa siya nito ng upuan at ito na din ang nag-order ng kakainin nila.

Nilinga niya ang paningin niya sa lugar at napataas kilay na lang siya ng makitang puro babae ang nasa loob nito na iisang direksyon lang ang tinitignan. Napasimangot siya lalo ng mapansing nagpapacute pa ang cashier at babaeng nag-aasist sa inoorder ni Mikael sa harap.

Tinignan naman niya ang reaction ni Mikael sa mga nagpapapansing mga babae sa gilid at harap nito at lihim na lang napangiti ng seryoso lang itong nakatingin sa mga cakes na nakadisplay at nakakunot pa ang kilay nito na animo'y siniseryoso talaga ang pagpipili sa mga cakes na bibilhin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now