Part 60- The Boss

373 21 0
                                    



Blue points of view:

Mabilis ko lang na narating ang mansyon namin.

Pansin ko pa kanina ang pagsunod ng sasakyan ni Mikael pero hindi ko na siya hinayaang makahabol sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sinasaktan ko siya. 'Yung lalakeng gusto lang naman akong tulungan ay tinanggihan ko.

Ang sama mo Blue.

Narating ko ang gate namin at binilinan ko ang guard na huwag magpapasok ng iba.

Sana naman maintindihan ni Mikael na ayaw ko lang na manganib pati ang buhay niya kung patuloy siyang lalapit sa akin.

"Sabrina!" gulat na sambit ni Papa ng maabutan ko siyang naghahanda ng umalis.

"Pa, Let's talk." seryoso kong sabi sa kanya.

"I'm on a hurry sweetie, let's talk some other time, okay?" sagot naman niya.

"No., I want to talk with you right now Pa. I need your explaination now!" matatag kong sabi.

"What's going on? Why you're talking to me like that Sabrina Lorraine?" nagtitimpi niyang ani.

"I need your answer Pa at ayokong maghintay na naman ng ibang pagkakataon para makausap ka.. ..please lang Pa,.." nahihirapan kong tawag sa kanya. "sabihin mo naman sa akin ang totoo. Ano ba talagang tinatago mo? Anong ibig sabihin ng mga sinabi noon ni Lola na mas matimbang ang kaligtasan ko kaysa makasama ka? Bakit Pa? Ano bang meron?" naiiyak kong dagdag.

"Please anak., intindihin mo muna ako kung hindi ko pa masabi sayo hanggang sa ngayon, please." pakiusap niya na gaya ng dati ay hindi niya pa rin pinapaliwanag sa akin ang lahat.

"Kelan mo pa masasabi ang lahat Pa?!Kelan mo pa ipapaliwanag sa akin ang gusto kong marinig - - kung kelan ba huli na ang lahat?" nagtatanong kong turan na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean?" seryoso na niyang tanong.

"May mga taong naghahanap sa akin noong bago pa lang nag-umpisa ang pasok sa Academy Pa., They're looking for me and I don't know why.. ...noong last day ng sports fest, I was being chased by the same people., at kanina habang papunta sa school ang mga kaibigan ko, napagkamalan silang ako kaya sila ang hinabol ng mga ito." mahaba kong pag-amin sa kanya na nagpaiba ng mood niya.

"Who chased you Sabrina?" tiim bagang niyang tanong.

"I don't know them but I'm sure na iisa lang ang mga taong iyon dahil iisa lang ang kulay ng sasakyan na ginagamit nila, 'itim!' ."

Pansin ko ang panlalaki ng mata ni Papa at hindi makapaniwalang napapailing.

"No!" pagalit niyang mahinang turan. Napaupo pa siya sa upuan at galit na nagtagis ang mga ngipin niya. "Not again.. -hindi ako makakapayag na pati ikaw ay saktan nila anak!" seryosong ani Papa.

"What do you mean Pa?" tanong ko na nagpabaling ng tingin niya sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala niya pero may iba pa akong nakikitang kakaibang kislap sa mga mata niya.

"Your Lola Lorena." nanghihina niyang sambit sa pangalan nito. "..nabaril siya anak kamakailan lang kaya nasa hospital siya ngayon."

"What?!" gulat kong sambit sa kanya. Wari hindi ko maiproseso ang sinabi ni Papa.

"Patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sayo ito Sabrina dahil ayaw ng lola mo na mag-alala ka pa sa kanya."

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now