Part 102- Saving Marco 2

207 13 0
                                    



Blue points of view:

Nagtagumpay kaming mapasok ang entrance ng port dahil sa kabaliwang suhestiyon ni First.

Naghiwalay kami at sumunod sa plinano namin kanina. Hindi namin alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan ngayon nila Top at Marco kaya kailangan naming suyurin ang buong port na ito upang mahanap sila.

Magkasama kami ni Xander sa kanang direksyon habang si Dew at First naman ang magkasamang pumunta sa kaliwang banda. Si Ivory naman ang mag-isang pumasok sa unang barko.

May mga nakakabit din sa aming earphones upang macontact pa rin namin ang isa't isa kahit may kalayuan ang lugar na kinaroroonan namin.



"Let's go Savvie." yaya sa akin ni Xander.

Tahimik naming sinuyod ang kanang bahagi ng port. May maraming bantay sa paligid. May malalaking baril pa silang hawak kaya kailangan talaga naming mag-ingat ng galaw.

"Negative." rinig kong sambit ni Dew mula sa earphone. Wala sina Top at Marco sa kaliwang parte ng port na ito.

"Negative." si Ivory naman ang naririnig namin ngayon. ..I'm going to the next ship." dagdag pa niya.

"—wait.." pigil ni Xander sa kanya habang may inaaninag siyang bagay sa di kalayuan sa amin.

"someone's out there Savvie." baling pa niya sa akin habang nakakunot ang noong nakatanaw pa rin sa harapan.

Nanlaki na lang ang mata ko ng maaninag na ng mata ko kung anong bagay ang nasa harapan namin. No. Tao ang nasa harap namin.

"I-it's Marco." halos manghina ako sa nakita ko. Nakatali ang dalawa niyang kamay paitaas habang puno na ng dugo ang kulay puti niyang damit. Nakayuko ang mukha niya ngunit pansin ko pa rin ang dugo doon. Lupaypay na siyang nanatiling nakatayo kahit pa nanghihina na talaga ang mga paa niya.

Lalapit na sana ako sa kinaroroonan ni Marco ng pigilan ni Xander ang balikat ko.

"Xander?!" nagtataka ko pang tanong sa kanya ngunit mabilis lang niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko at sinenyas ang nasa paligid ni Marco.

"Shit!?" mahinang mura ko ng makita ko ang limang malalaking aso na nakapaligid sa kanya at sa hitsura pa lang nito, alam kong mababangis sila. Nag-uumpisa na din itong gumawa ng ingay dahil siguro naramdaman na nila kami sa paligid.

"We need to hide first." suhestiyon ni Xander ng makita niya ang mga bantay na papalapit na sa kinaroroonan ni Marco dahil sa ginawang ingay ng mga aso.

Awang-awa ako habang nakatingin pa rin kay Marco mula sa pinagtataguan namin ni Xander. Hinila pa ng isang armadong lalake ang buhok niya upang patingalain ito at mas lalong luminaw sa paningin ko ang duguan nitong mukha.

Mariin ko na lang na nakuyom ang kamao ko. Gusto ko ng sugurin ang taong iyon pero alam ko namang tagilid kami dahil wala kaming dalang armas.

Nag-init ang dugo ko sa nakikita ko ngayon pati na din sa imahinasyong tumatakbo sa utak ko habang pinapahirapan siya. Lihim ko na lang na pinalanging sana hindi pati ang mga asong nakapaligid sa kanya ay hindi rin ginamit upang pahirapan siya.

"What happened Blue?" tanong ng tatlo gamit ang earphone na suot namin.

"W-we found Marco.. pabulong kong sagot sa kabilang linya habang di ko pa rin tinatanggal ang paningin ko kay Marco. Tinignan ko din ang paligid niya dahil naalala ko si Top. pero wala dito si Top." dagdag ko na rinig ko ang pagbuga ng hangin ni Ivory sa kabilang linya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now