Part 48- Officially yours

494 28 8
                                    


Thank you miss HannahRedspring  for my bookcover.. Love lots beb.. Salamat sa support.. Haha..

Isay pov:

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.




Isay pov:

Kontrabida talaga itong si Blue ang sarap na ng upo ko sa loob ng kotse ni Miguel eh pinapamaneho pa sa akin ang motor ko. Ang bango pa naman ng amoy sa loob ng sasakyan ni crush. Tsk! Pagkakataon ko na sanang humirit ng crushback sa kanya, inusog pa ng gaga.

"Ahh sige Miguel sa motor ko na lang ako sasakay." nanghihinayang kong sambit sa kanya. Tumango lang siya sa akin at bahagyang ngumiti kaya napangiti na din ako sa tuwa.. Yieeee ang gwapo niya talaga lalo kapag ngumingiti.. Mas lalo ko lang tuloy siyang crush.. Kelan niya kaya ako ika-crush back?

Nakangiti akong nagpunta sa motor ko habang sinusuot na din ang dala kong helmet. Kelangan ko pang sundan sina Blue sa hospital ng Bagtas.

Nagmaneho na ako at pansin kong nakasunod lang ang ibang Itim na kabalyero sa akin.

Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi ko dahil nakasunod si Miguel sa akin. Pakitaan ko kaya ito ng yabang sa pagmamaneho baka ma-crushback na niya ako? —pero baka mag-crash din ako, wag na lang.

Narinig kong bumusina si Miguel kaya binagalan ko upang makasabay sa kanya. Buti na lang at malalim na ang gabi kaya wala ng ibang sasakyan ang tumatakbo maliban sa mga sasakyan namin.

Sinabayan ni Miguel ang motor ko upang kausapin ako kaya tinanggal ko muna ang salamin ng helmet ko.

"Bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"We should part ways Isabela."

"Huh?!" hindi pa nga naging kami, maghihiwalay na kaagad kami ng landas?

"Magkaiba ang daanan natin pagdating sa intersection kaya maghihiwalay tayo ng daan. May pupuntahan pa kasi kami." paliwanag niya kaya napahinga ako ng maluwag. Woahh.. akala ko kung anong hiwalayan na ang sinasabi niya.

"Sige. Ingat." tanging sambit ko na nginitian lang niya. Sabagay hindi din naman maganda kung puntahan pa nila sa ospital ang kalaban nila.

Nakarating kami ng intersection at tuluyan na nga kaming naghiwalay. Ang sakit mang sabihin pero magkaiba kami ng landas na tatahakin. Hihi.

Kailan pa kaya kami magkakasama ng matagal ni Miguel? — author baka naman. Hihi

Ilang minuto pa ay narating ko na ang Bagtas Hospital at dahil hindi ko naman kabisado ang ospital na ito, napapatanong na ako sa mga nakakasalubong kong nurse at tinuro naman ako sa emergency room.

Napapaisip tuloy ako kung malala ba ang natamo ng madayang tukmol na yun. Tsk. Nahulog tuloy siya sa sariling bitag niya.

Naglakad pa ako papasok sa isang pintuan at tanaw ko na si Blue kasama si Mikael kaya tinawag ko na.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now