Part 87- Survival 3

210 13 0
                                    



Blue points of view:

Napag-alaman naming hindi talaga anak si Cane ng mag-anak na nandito sa isla. Ngunit hindi niya din alam kung saan siya nanggaling. Para bang nakalimutan niya ang mga bagay na iyon at piling mga ala-ala lang ang naiwan sa utak niya.

"Paano nangyari iyon?" nagtatakang tanong ni First tungkol sa pagkalimot niya sa ibang bagay tungkol sa buhay niya.

"Hindi ko alam.. hindi ko din ito sinasabi sa nagpakilalang pamilya ko dahil natatakot akong malaman nilang may kaunti pa akong naalala tungkol sa pagkatao ko." sagot nito sa amin.

"Eh bakit mo ito sinasabi sa amin ngayon?" biglang tanong naman ni Ivory.

Kagat-labing nagbaba si Cane ng tingin. Mariin pang magkahawak ang mga kamay niya.

"Gusto kong sumama sa inyong umalis sa lugar na ito.. please kayo na lang ang pag-asa ko upang makalayo sa mga taong iyon.. hindi ko alam pero ramdam ko ang panganib sa buhay ko sa tuwing andito ang nagmamay-ari ng islang ito." mahabang pabulong niyang paliwanag.

"Sino ang may-ari?" tanong ko naman dito.

"I-Isa siyang doctor sa isang paaralan sa kabilang isla at nabanggit ni Nanay Minda, ang babaeng kausap niyo kanina na ito daw ang nagdala sa amin sa lugar na ito." sagot ni Cane.

"Paaralan?" nagtatakang tanong ulit ni Ivory.

"Oo.. Liveid High University ang pangalan ng paaralang iyon." sagot nito. Nagkatinginan kaming apat. Hindi ko inaasahang may koneksyon pala ang islang ito sa paaralang iyon at mas lalo kong ikinagulat ang tungkol sa doctor na sinasabi niya.

"A-anong pangalan ng doctor?" Tanong ko ulit dito. Tumingin siya sa akin at kita ko sa kislap ng mga mata niyang natatakot siyang banggitin ang pangalan ng doctor.

"Dr. Hiroshi Yamamoto." sambit nito na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.

"Blue." tawag ni Dew sa akin ng bigla akong napahawak sa kahoy na pader.

"Okay ka lang?" baling naman ni Cane. Bahagya lang akong tumango sa kanya kahit ang totoo ay nag-uumpisa ng manginig ang kalamnan ko dahil sa pagbanggit lang niya ng pangalan ng doctor na iyon.

"Control it Blue." sambit ni Ivory sa akin at seryoso pa niya akong tinignan.

"Nasaan ang doctor na 'yun?" baling ni Ivory kay Cane.

"Nasa resthouse nitong isla. Hindi pa iyon lumabas simula ng magpunta dito pero alam kong nasa loob lang siya ng kwarto niya na parang nagpapahinga." sagot naman ni Cane.

Napatingin ulit ako kay Ivory. Walang pumapasok sa isip ko kaya umaasa akong may naiisip siyang plano kung anong gagawin namin ngayon.

"Paano kami makakapasok sa resthouse ng doctor na 'yun?" maya-maya ay tanong ulit nito kay Cane.

"Hindi kayo basta-basta makakapasok sa loob ng tirahan niya dahil maraming tauhan niya ang nakabantay sa palibot ng lugar., may mga alaga din siyang malalaki at mababangis na aso na pweding aatake sa inyo hindi pa man kayo nakakarating sa gate ng resthouse niya." paliwanag ulit ni Cane.

Tahimik pa rin akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Kahit papaano ay nababawasan na ang panginginig ko. Pinag-iisipan ko na din kung ano ang pwedi naming gawin ngayon.

"Wala tayong laban kung lulusob tayo ngayon." si Dew na ang nagsalita. "..malaki ang posibilidad na kagaya natin ay dievil drug carrier din ang mga tauhan ng doctor na iyon kaya hindi tayo pweding magpadalos-dalos ng gagawin." dagdag pa nito na sinang-ayunan din namin.

"A-anong drug ang ibig niyong sabihin?" biglang tanong ni Cane sa amin. Nag-iba pa ang emosyon ng mukha nito na lalong nagpadagdag sa pagkabalisa niya mula pa kanina.

"It's a dievel drug Cane na ginawa mismo ni Dr. Hiroshi at isa kaming tatlo ni Ivory at Dew sa na-inject ng drogang iyon." sagot ko sa kanya.

Napaatras naman siyang bigla. Napasabunot siya sa buhok niya kapagkuwan at bigla na lang siyang napasigaw ng malakas.

"Ayy nalintikan na!" gulat na sambit ni First. "Oy Cane okay ka lang? Anong nangyari sayo?!" taranta nitong hinawakan ang balikat ni Cane na biglang nagpumiglas.

"L-let me go p-please.. l-let me go!" umiiyak nitong pakiusap habang nakasabunot pa sa buhok niya. Kita din sa mukha niyang takot na takot siya sa mga sandaling ito.

"C-cane relax! Kami to, hoy!" untag na naman ni First sa kanya ngunit ganoon pa rin ang inakto niya.

"Fuck! Is she a dievil drug carrier too?!" di makapaniwalang sambit ni Ivory. Lumapit ito kay Cane at bigla na lang niya itong sinampal ng malakas na ikinagulat naming lahat.

"What the fuck Ivory?!" sigaw sa kanya ni Dew na hindi man lang niya binigyang pansin. Muli lang nitong hinarap ang nasampal niyang si Cane at bahagya pang inalog ang balikat nito.

"Hey Cane,. kailangan mong bumalik sa sarili mo., your just hallucinating., hey!" untag pa nito kay Cane na ngayon ay nakatulala ng nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsampal nito sa kanya.

Ngunit maya-maya lang ay bigla na lang siya nitong tinulak dahilan upang mapahiga siya sa sahig at tsaka siya nito kinauubabawan.

Parehas kaming natulalang tatlo sa gilid habang gulat kaming nakatingin sa dalawang babae sa harap namin.

Malakas na sampal ang binigay ni Cane kay Ivory na nagpabalik ng mga diwa namin at mabilis na inawat si Cane sa pagsugod pa nito kay Ivory.

"Hoy Cane anong nangyayari sayo, tama na!" tarantang awat ni First dito habang yakap-yakap na niya si Cane.

"She's hurting me!" galit na sambit nito habang turo-turo pa si Ivory na nagpupunas na ng dugo sa pumutok niyang labi.

"You hurt me too Cane kaya patas na tayo." balik naman nito sa babae. "Pasalamat ka nga sa lakas ng sampal ko dahil bumalik ka sa sarili mo." dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung iikot ba ang mata ko o itataas ko ang kilay sa sinabi niya. Pwedi naman kasing hindi niya sampalin ang tao, ayan tuloy ginantihan pa siya.

Napabaling ulit ang tingin ko kay Cane. Bigla kasing may bumalik sa ala-ala ko ng makita ko siyang nawawala sa sarili kanina. Pakiramdam ko ganito din ang ginawa ko ng hindi ko pa ma-control ang sariling isip ko.

"Anong nangyayari dito?" sabay-sabay kaming napalingon sa binatilyong bigla na lang dumating. Tinignan pa nito si Cane na nakayuko ng napaharap dito.

"Ah., h-hindi lang sila nagkaintindihan ng kaibigan ko., g-gusto niya kasi ng pantalon tapos short ang binigay ni Cane." pautal-utal na sagot ni First na pilit pang tumatawa sa lalake.

Napaisip pa itong tumingin sa amin isa-isa at binalik din ang tingin kay Cane.

"Ayusin mo ang pakikitungo sa kanila Cane., bisita sila ng islang ito kaya maging mabait ka sa kanila, naiintindihan mo ba?" seryoso nitong saad na tinanguan lang ng babae.

"Sige, maya-maya lang ay nakahanda na ang pagkain.. sumunod na lang kayo pagkatapos niyong mag-ayos." nakangiti nitong baling sa amin.

"S-sige po." sagot naman ni First dito.

"Ismael na lang." Pakilala nito sa sarili bago kami nito ngitian. Tumango naman kami sa kanya bago ito tumalikod at lumabas na din ng bahay.

"Gaano mo kakilala ang mga kasama mo dito Cane?" seryosong baling na naman ni Ivory sa kanya.

"Hindi ko alam.. mababait naman sila sa pagkakakilala ko at tinuturing nila talaga akong membro ng pamilya ngunit sa doctor lang iyon talaga ko nakakaramdam ng kakaibang takot at kaba." sagot din niya.

Ramdam ko ang pakiramdam meron si Cane sa mga oras na ito dahil ako man ay ganoon din ang pakiramdam ko.



***

night-firefly 💙

Please don't forget to vote and leave your comments. Thank you

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum