Part 24- Clear

870 76 57
                                    



Isay points of view:

(masayang i-pov si Isay lage.. nakaka high.. haha)

Pagdating ko sa Academy..

Tingin sa kanan.. clear! Tingin sa kaliwa.. clear! Tingin sa harap.. clear! Tingin sa likod..

"Hoy Isay anong ginagawa mo?" biglang tanong ni Blue na hinawakan pa ang balikat ko kaya napapitlag ako sa gulat.

"AYY PUSANG NAGPATIWAKAL SA KALDERO!!!!!!!" histerikal kung sigaw..

"Ano ka ba naman Blue bakit ka ba nang-gugulat?!" pasigaw kung tanong sa kanya. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa gulat.

Pakiramdam ko hinahabol ako ng maraming zombie na may dalang sibat. Potcha 'tong si Blue matutuluyan pa ata ako ngayon hindi pa nga ako naka move on sa nangyari kahapon.

"Tinatanong lang naman kita kung anong ginagawa mo. Malay ko ba kung iniisip mo yung pusa niyong nagpatiwakal sa kaldero." Irap niya sa akin habang nagsasalita.

Aba't ako pa ang sinisisi ng pagkagulat ko sa ginawa niya. Dinamay pa pati ang pusa. Ayy bakit ba kasi sinabi kong nagpatiwakal ito?

Sinimangutan ko siya.

"Isay umaga pa lang wag kang sumimangot baka mahipan ka ng masamang hangin." nang-aasar pa niyang sabi. Eh siya kaya 'tong epal kaya di pa rin mawala wala ang kalabog ng dibdib ko.

"Eh ikaw naman kasi Blue. Seryoso akong pinagmamasdan ang paligid ko baka may mga lalakeng panget na namang umaaligid baka mapag diskitahan pa ang beauty ko paano na lang."sabi ko sa kanya..

Natigil naman siya at tumitig lang sa akin ng seryoso. Bipolar itong si Blue kanina inaasar ako ngayon naman naging seryoso.

"Wag kang mag-alala Isay, dadaan muna sila sa akin bago ka pa nila masaktan."seryoso niyang sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang sweet pala ni Blue at maaalalahanin din.

"At tsaka wag kang mag-alala sa beauty mo di naman ikaw ang habol ng mga yun."dagdag niya. Nakangising aso pa siya. Napaisip ako dun ah.. parang isapwera ata ang beauty ko sa pagkaka explain niya. Nawala tuloy ang ngiti ko. Andun na sana eh humirit pa ng banat 'tong babaeng to.

Inungusan ko na lang siya.

"Anong ibig mong sabihin sa beauty ko Blue ha?" naaasar na tanong ko sa kanya.

"Beautiful... in..side."may diing sabi niya sa hulihang salita.

"and.."sabi ko na naghihintay sa kasunod na sasabihin niya.

"Beautiful inside yun na yun Isay."sabi ni Blue. Laglag ang balikat ko sa pinalidad na sabi niya wala man lang karugtong na outside. Grabe 'tong babaeng 'to, walang good manners.

"Wala bang outside Blue?"pangngumbinsi ko sa kanya. Para namang nakatago lang ang ganda ko inside of my hot and sexy body.

Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat ko. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Napalabi na lang akong nakatingin din sa kanya. Para kaming nasa telenovela at nag-uusap ng seryosong bagay.

"Isay kaibigan mo ako kaya sinasabi ko sayo ang totoo. Maganda ka.... inside. Huwag ng outside, di mo na kelangan yun. Masasaktan ka lang."seryoso niyang sabi.

Napaisip ako, ba't di ko naman kelanganin yong outside? Tumingin ako sa kanya at ang potcha nagpipigil na naman ng tawa. Niloloko na naman ako ng babaeng to. May paseryo-seryoso pa siyang nalalaman.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now