Part 16

1K 88 47
                                    



Heart Beats Fast..


Habang nakikinig si Blue sa instructor nila sa Math subject ay may babaeng nag-excuse at sinabing pinapatawag siya sa office. Kaya lumabas siya at sumunod sa babae.

"Hi Miss Sabrina, I'm Kirsten Garcia. I am the vice president of the student council here in the Academy." nakangiting pagpapakilala nito kay Blue. Ngumiti din naman si Blue dito at tumango. Napaisip siya kung saan niya narinig ang pangalan nito. Pamilyar kasi sa kanya.

Pagkarating nila sa office ay nandoon ang coaches ng Academy at nagpakilala ito sa kanya. Kaya pala siya pinatawag ay dahil sa sports na sasalihan niya.

"Miss Park, we had read your student form which you'd filled up during the registration day and we noticed that you fill up two sports."sabi ni Coach Devi.

"As a student belong to the Star Section you should participate in our incoming Sports Fests that's why you need to choose your preferred sports."dagdag na sabi ni coach.

"Tomorrow will be the try-outs day. That's why you need to decide now what sports you'll be with."

Napaisip si Blue kung anong pipiliin niya. Nag-eenjoy din kasi siyang maglaro ng baseball dahil masarap sa pakiramdam ang makahampas ng bola. Naalala niya din si Xander sa larong ito kaya na-fill up niya sa form niya. Sa billiard naman ay makakasama niya si Isay at siguradong matutuwa ito kung papayag siyang sa billiard siya sasali. Pero unang beses itong mapasama sa listahan ng mga sports sa Sports Fest kaya magiging mabigat ang nakaatang na responsibilidad sa magiging player nito dahil kauna unahang taon ito para mapromote ang billiard sports.

Nagdalawang isip si Blue kung anong sports ang pipiliin niya kaya nagtanong muna siya kay coach Devi.

"Coach sino po ang player ng billiard?"

"Nakapag register na si Miss Isabela Mendoza kaninang umaga at nabanggit niya din na may kaibigan siyang marunong din maglaro nang bilyar."sabi ni coach.

Ito talagang si Isay gusto pa ata akong e-black mail. Sabi ni Blue sa isip niya.

"Sa baseball po Coach sino?

"Your girls classmates. Sila ang mga Varsity ng Baseball Club."sagot ni coach.

Ayaw naman niyang makasama ang bully at maaarte niyang kaklase kaya no choice si Blue kaya sa billiard siya nag register.

"Sige. See you tomorrow at the gymnasium for the try-outs and players orientation."

"Okay po coach."sagot ni Blue.

Time na at uwian na ng studyante kaya bumalik na si Blue sa room niya para kunin ang bag niya. Naabutan naman niya si Mikael na nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang isang kamay nito. Nagtaka naman siya ng makitang hawak-hawak nito ang bag niya sa kabilang kamay.

Napansin naman ni Mikael na nakatingin si Blue sa bag niya kaya nagsalita siya.

"Close na ang room kaya binitbit ko na din ang bag mo." paliwanag nito kay Blue.

"Oh.. thank you."nagtataka pa ring sabi ni Blue. Akma na niyang kunin ang bag niya ng iniwas ito ni Mikael.

"Ako na ang magdadala nito palabas. Sabay na tayo. Hinintay lang din naman kita. Lubos-lubosin ko na."sabi ni Mikael

"At bakit? Sinabi ko bang hintayin mo ako? Kaya ko naman dalhin ang bag ko." nakataas na kilay na sabi ni Blue. Para kasing utang na loob pa niya ang pagbitbit nito ng bag niya!

Nilapit ni Mikael ang mukha niya sa mukha ni Blue at kunti na lang ang distansya nila sa isat isa kaya naamoy pa ni Blue ang panglalakeng pabango nito na masarap sa ilong.

"Because I'm your boy friend. Remember?" nakangising sabi ni Mikael.

Biglang napamulagat si Blue at ramdam niyang umiinit ang kanyang pisnge.

Diyos ko. Ang bango ng hininga niya at nadagdagan pa ang kagwapohan nito sa malapitan. Napasampal nalang si Blue sa isipan niya dahil sa naisip. Kumurap kurap siya para mabalik ang katinuan niya. At napaatras siya ng bahagya.

"A- anong g- ginagawa mo. Lumayo ka nga sa akin."nauutal na sabi niya.

"Hahahaha." Natawa naman si Mikael. Tuwang tuwa siyang makita ang reaksyon ni Blue.

Napasimangot naman si Blue sa kanya.

"Ang ganda mong tignan kapag nagba blush ka dahil sa akin."nakangiting sabi ni Mikael.

Tinakpan naman ni Blue ang mukha niya dahil sa hiya. Lumalakas ang pintig na puso niya ng mapagmasdang nakatawa ito sa kanya.

Napangiti na lang siya sa isip niya. Bigla siyang natigilan sa pinag-iisip niya. 'Bakit ako natutuwa sa kanya'sabi niya sa isip niya.

Iniling-iling niya ang ulo niya para bumalik sa katinuan ang utak niya.

Hinatak na lang ni Mikael si Blue palabas dahil parang tulala pa rin ito. Hawak-hawak niya ang kamay ni Blue habang naglalakad sila sa hallway at pinagtitinginan sila ng ibang studyante. Nagulat ang mga ito ng makitang magkahawak sila ng kamay.

Natauhan naman si Blue nung marinig niya ang sabi-sabi ng ibang studyante at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa kamay nila ni Mikael na magkahawak. Napatampal pa siya sa noo niya. Babawiin na sana niya ang kamay niya pero mahigpit ang kapit ni Mikael dito.

Hanggang sa makarating na sila sa parking area ay hindi pa rin siya nito binitawan kaya nagsalita na siya.

"Ahhmm.. yung kamay ko Mikael pwedi mo ng bitawan.?"sabi ni Blue kay Mikael.

Napangiti naman si Mikael sa kanya.

"Ang sarap palang pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi."sabi ni Mikael tsaka binitiwan ang kamay niya.

"Yung... yung bag ko bigay mo na din sa akin."utal na sabi ni Blue at di makatingin ng diretso kay Mikael.

Hinawakan naman ni Mikael ang baba ni Blue gamit ang hintuturo niya at pinaharap sa kanya.

"Tumingin ka sa mukha ko kapag kinakausap mo ako."sabi ni Mikael.

Ang lapit na naman pala ng mukha nila kaya ramdam ni Blue ang pagkalat ng init sa mukha niya. Hiyang-hiya si Blue dahil alam niyang namumula na naman ang pisnge niya kaya bigla niyang hinablot ang bag niya at nagmadaling tumakbo papasok sa kotse niya. Nagmaneho na siya agad para makatakas kay Mikael. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman.

Natawa na lang si Mikael na naiwan sa parking area at nararamdaman niya din ang bilis ng tibok ng puso niya. Unang beses niyang makaramdam ng ganito kaya alam niyang lumalalim na ang nararamdaman niya kay Blue.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Onde histórias criam vida. Descubra agora