Part 66- Top Saavedra

374 21 0
                                    



Blue points of view:

Nung sumunod na mga araw unti-unti ko ng nakilala kung anong klaseng tao si Ivory.

Mahilig siyang magkumpuni ng sasakyan kaya nagtrabaho siya bilang mekaniko, fan din niya ang magbake ng cake kaya nagtrabaho siya sa isang cake house at ang huli nagtatrabaho din siya sa isang sikat na night bar bilang isang midnight dj.

Pero alam kong may ibang dahilan kung bakit madami siyang trabaho. May kinalaman ito sa totoo niyang pagkatao.

"Pwedi ba akong makapasok diyan?" tanong ko ng nasa entrance na kami ng night bar. Pagmamay-ari daw ito ng kaibigan niya kaya malaya siyang nakakapasok dito.

"Tsk." tipid niyang reaksyon bago pumasok sa loob.

"Kasama ko po siya kuya." sambit niya doon sa bouncer na humarang sa akin. Tumango lang ito at hinayaan na din akong makapasok.

Sinundan ko lang siya hanggang sa back stage. Medyo madami-dami na din ang nadadaanan naming nag-iinom at ang iilan sa kanila sa palagay ko ay kaedaran lang din namin at ang iba naman ay mga kolehiyo na.

"Hey Rio."nakangiting tawag sa kanya ng isang matangkad na lalake. Kapansin-pansin ang tattoo nito sa leeg na lalong nagdepena sa maputing balat nito. May hikaw din ito sa kaliwang tenga na bumagay sa gwapong pagmumukha nito.

"Top." bored lang na tawag ni Ivory sa lalake.

Lumapit ito sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok niya na ikinasimangot naman ni Ivory. Bumaling din ito ng tingin sa akin at tsaka ngumiti. Mas lalo pala siyang nagiging gwapo kapag sa harap mo mismo ngumiti., pero mas gwapo pa rin ng isang paligo si Mikael.

"Hello lovely lady, I'm Top.. Top Saavedra." nakangiting pagpapakilala nito sa akin na ginantihan ko din naman ng matamis na ngiti.

"I'm Blue." pakilala ko din sa kanya tsaka tinanggap ang kamay niya. Nagulat pa ako ng halikan niya ang likod ng kamay ko.

"Such a nice name huh.," puri nito sa akin na ginantihan ko din naman ng papuri sa pangalan niya.

"Likewise, you have a nice name too Top." ngiti kong balik sa kanya.

Tumawa lang ito sa sinabi ko at binalingan din ng tingin ang parang inip na inip na pagmumukha ni Ivory.

"Hey what's up? Ang tagal mo atang bumalik dito, namiss kita Rio." wari nagtatampo nitong sambit na as usual inikutan lang ng mata ni Ivory.

"I'm busy." bored lang nitong sambit.

"Tsk. Nagpapagod ka na naman sa shop, I already told you Rio I can help you para di ka na magtrabaho pa. I can give you all you wanted." nag-aalala nitong sabi.

"Tsk! I can live without any help Top." medyo may inis na saad ni Ivory.

"But..-

"Enough Top.. Trabaho ang kelangan ko hindi sugar daddy." putol nito sa sasabihin ni Top na ngayon ay nakanganga ng nakatingin sa kanya.

"S-sugar daddy?" di makapaniwala nitong sabi. Turo-turo pa nito ang sariling mukha. "Hey Ivory Rione Villafuerte I'm too young para tawagin mong sugar daddy. What the hell!" dagdag pa nitong saad.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nakasandal sa kinauupuan ko. Pansin ko pa ang bahagyang pagngiti ni Ivory sa di makapaniwalang pagmumukha ni Top.

"Tsk!" reaksyon ni Ivory kapagkuwan.

"You know?! Your a total bully Rio. I just wanted to help you but your hurting me. Sugar daddy the fuck!" himutok pa ni Top.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now