Part 18

951 78 41
                                    



Sabrina Lorraine/ Blue PoV..

Sumapit na naman ang araw na di ko mapigilang malungkot. It was the death anniversary of my mother.

Nakakapagod na maging malungkot.

Pero di ko talaga maiwasang maramdaman ito lalo na kapag si Mama na ang iniisip ko.
Pakiramdam ko kulang na kulang ang buhay ko.

Oo, andiyan si Papa, si lola, ang mga kaibigan ko pero wala akong 'ina.

Hinahanap hanap ko pa rin ang kalinga ni Mama.

Ang pag-aalaga ng isang ina.
Ang mga yakap niya sa tuwing malungkot at umiiyak ako. Ang mga ngiti niya sa tuwing masaya ako.

Nabuhay ako noon na si Mama ang kasama ko.
Unang nasisilayan ko pagkagising sa umaga at huling nakikita ko bago matulog sa gabi.

Lumaki ako sa mga pangaral at pangarap niya sa akin. Kung kaya nangarap ako noong makaahon kami sa buhay. Na magawa ko na siyang pasayahin at pagaanin ang buhay.
Pero hanggang pangarap na lang pala ang lahat ng mga 'yon.

Papunta ako ngayon sa puntod ni Mama.

Magkikita na lang daw kami ni Papa doon.

Dala ko na naman ang gitara ko sa pagpunta sa kanya.

Bago ako makarating doon ay dumaan muna ako sa flower shop na binilhan ko ng bulaklak noong dumalaw ako kay Mama.

"Oh Miss Park., it's you again. Welcome to our flower shop."bati sa akin ni Miss Herra.

Tumango lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Naalala niya pa pala ako.

"Blue roses again please." order ko sa kanya.

"Ate ako na."sabat nung bagong dating na lalake.

"Hello again Miss Blue rose. It's me Red, do you remember me?"

Ano daw Miss blue rose? Napapadalas na ata ang pagtawag ng iba't ibang palayaw sa akin ngayon ah. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Oh come on, sa gwapo kong 'to di mo na ko matandaan?" pangungulit niya.

"Yeah.. yeah.. whatever. Just give me my order. Okay?" inis kong sabi sa kanya. Yabang gwapo daw.

"Okay. I'm happy now that you remember me. Here is your flower.. my Blue rose girl." nakangiti niyang sabi.

Nagbayad na ako at umalis na. Na-iimbyerna ako sa mayabang na lalakeng to.

"See you again my blue rose. Take care mwahh."paalam niya pa.

Mwahh ka pa jan. Bigwasan kaya kita.

Pagdating ko sa puntod ni Mama ay umupo agad ako at nilapag ang bulaklak na dala ko at nagsindi ng kandila.

"Mama kumusta ka na diyan?"

"Lumipas na naman po ang mga taon na wala ka Mama. Ang hirap pa rin po." iyak ko kay Mama.

Umiiyak na naman ako sa harap ng puntod ni Mama. Gustong-gusto ko na talagang maramdaman ang yakap niya ulit.

Umiiyak pa rin ako hanggang maramdaman kong may mga bisig na yumayakap sa akin.

"Papa."iyak ko kay Papa. Niyakap ako ni Papa at humigpit din ang yakap ko sa kanya habang binubuhos ang sakit na nararamdaman ko.

"Hush sweetie. Andito na si Papa. Please stop crying."

Yakap niya pa rin ako hanggang humupa ang pag-iyak ko.

"Alam mo anak. Hindi magugustuhan ng Mama mo na umiiyak ka nalang palage sa tuwing dinadalaw mo siya."

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now