Part 2

1.6K 114 59
                                    



Sana

Halos isang oras na byahe kasama si Lola Lorena ay nakarating kami sa isang malaking mansyon.

Ang laki ng mansyon na napuntahan ko. Kagaya nito ang pinapangarap kong patirhan kay Mama paglaki ko pero hanggang pangarap na lang yun ngayon.

Napapansin siguro ni lola na wala akong imik at pagod na kaya pinatuloy na niya ako sa gagamitin kong kwarto.

"Louisa, samahan mo muna ang apo ko sa kwarto niya at para makapagpahinga." utos ni lola sa isang kasambahay.

"Opo senyora." sagot naman ng kasambahay.. "Halika na senyorita para makapagbihis at makapagpahinga na po kayo. Ako po pala si Louisa, tawagin mo nalang akong ate."

Dahil sa pagod at ang isiping nandito na lang din ako, tahimik na lang akong sumunod sa kanya at nakarating kami sa aking kwarto.

Malaki ang kwarto at kulay asul ang pintura ng pader na nasa ikalawang palapag na bahagi ng mansyon. Sa palagay ko din kumpleto ito sa kagamitan dahil makikita naman sa ayos ng silid.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob at naupo sa paanan ng kama. Ang lambot nito, di kagaya ng matigas na higaan ko sa bahay namin. Napapaisip tuloy ako kung gaano kayaman ang nagpakilalang lola ko. Pinangarap ko ang makaahon kami sa hirap ni Mama gamit ang kakayahan at tiyaga ko pero ngayong nasa harapan ko na ang lahat ramdam ko ang malaking kulang. Di man lang ako makaramdam ng saya.

"Ayan po ang banyo senyorita, tulungan ko na po kayong mag-ayos." sabi ni ate louisa sa akin na nakapag pabalik ng diwa ko.

"Pero kaya ko na po. Ako na po ang bahala ate Louisa." tutol ko sa tulong niya. Kaya ko pa naman ayusan ang sarili ko.

"Hayaan niyo na po ako senyorita at eto po talaga ang ginagawa ko." napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Wala akong lakas para makipagpilitan pa sa kanya.

Dahil nakakahiya at mapilit siya ay hinayaan ko na siyang tulungan ako.

"wala po akong pamalit." sabi ko sa kanya nang maalala kong wala pala akong dala ni isang gamit nung pumunta ako dito.

"Wag ka pong mag-alala senyorita kompleto na po kayo sa gamit dito at pinaayos na po ng ama niyo." sabi naman niya.

"Ang aking ama?" gulat kong tanong sa kanya. Alam ba niyang pupunta talaga ako dito. Kelan pa?

"Opo senyorita."

Nanahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Hindi pa siguro oras para magtanong ako tungkol sa ama ko. Marami na ang nangyari sa araw na ito at mahirap i.proseso lahat sa utak ko. Kelangan ko ng pahinga.

Pagkatapos kong maligo ay binigyan ako ni ate louisa ng isang kulay asul na bestida. Paborito ko ang kulay na ito pero napapaisip ako kung alam din kaya ng ama ko na paborito ko ang asul. Para kasing sinadya talagang ihanda ang mga gamit at kulay dito sa kwarto.

Naalala ko ang unang regalong natanggap ko kay mama noon. Kulay asul na gitara iyon. Alam kong pinag-ipunan talaga iyon ni mama para mabili dahil mahilig akong gumawa ng kanta at kumanta. Namana ko din kasi ang magandang boses ni mama.

————————————————————

"Mama ang ganda po". masayang sabi ko kay mama hawak-hawak ang gitarang regalo niya.

"Para yan sayo anak. Para makagawa ka na ng maraming kanta. Mahal na mahal kita anak."

"Mahal na mahal din po kita Mama salamat po.. Paglaki ko po mama magiging mahusay po akong musician. Mabibilhan na po kita ng mga gusto mo po at magiging mayaman na po tayo. Kakanta po ako sa tv katulad nung mga singer na kumakanta doon."masayang sabi ko sa kanya.

Natawa naman si Mama sa pangarap kong lumabas sa tv.

"Sige anak susuportahan kita sa mga pangarap mo." natatawa niya pang sabi sa akin.. "Basta mag-aral ka ding mabuti ah. Mas magandang makapagtapos ka ng pag-aaral at makamit mo din ang pinapangarap mo dahil kahit wala na ako pagdating ng araw na iyon may magagamit ka pa din para sa kinabukasan mo." mahabang bilin niya.

——————————————

Sobra akong mahal ni Mama kaya ng dahil sa pagmamahal na iyon ay nakalimutan na niya ang kanyang sarili at palaging ako ang inuuna.

Nagkasakit siya dahil nasobrahan sa pagtatrabaho para mabuhay lang kami at para makapasok ako sa paaralan.

"Mama wag niyo po akong iwan." iyak kong sabi kay mama.

"Hindi ka naman iiwan ni mama eh, lagi lang akong nandito sa tabi mo anak." nahihirapan niyang sabi sa akin.

"Magpagaling na po kayo mama ako na lang po ang magtatrabaho para sa atin."

"Anak tandaan mo ang sasabihin ng mama ah, lage ka lang magpakabait anak. Huwag kang sumuko sa mga pangarap mo, kahit wala na ako ipagpatuloy mo lang kung ano ang pangarap mo." nahihirapan pa ring sabi niya.

"Bakit po mama. Saan po kayo pupunta? takang tanong ko naman sa kanya.

"Basta anak tandaan mo Mahal na mahal ka ni mama."huling sabi niya bago siya pumikit.

Hindi ko alam iyon na pala ang pamamaalam ni mama sa akin bago siya mamatay.


Doon ko lang naintindihan ang mga pahiwatig ni Mama noon. May iniinda na pala siyang sakit kaya minsan dinadagdagan niya ang mga paalala niya sa akin.

Ang sakit isipin na huli ko ng naintindihan ang gusto niyang sabihin.

Mas nanaiisin ko pa sanang di makapagpaaral at magtrabaho na lang din para di lang siya magkasakit at mahirapan..

Pero huli na ang lahat. Wala na ding magagawa ang salitang sana.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga naiiwan. 'Yung parang kahit paghugot mo ng hininga ay nasasaktan ka. Pagkatulala na lang ang kaya mong gawin. Sa batang katulad kong 'to mahirap tanggapin ang lahat. Sanay ako sa hirap ng buhay pero di ako sanay na maiwan dahil mas mahirap pa yun kaysa sa walang makain.

Wala akong ganang kumilos man lang. Ang gusto ko lang ngayon ay mawala ang bigat na nararamdaman ko. Na kung sana panaginip lang ang lahat ng ito ay gisingin na sana ako kaagad. Ayoko ng ganito. Nakakabaliw, nakakapanlambot.

"Mama pwedi bang gisingin mo na ako? Sana masamang panaginip lang ito."

 ***


night-firefly


Please don't forget to vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now