Part 33- She did it..

717 62 23
                                    

Blue/ Sabrina pov..

Pagkatapos sumigaw ng "Fighting" ni Isay ay lumabas na din kami sa harang ng field na paglalabanan ng mga archery player-nila Kirsten..

"Fighting prend."sigaw ni Isabela.. excited ang potcha.. di pa nga nag-uumpisa.

Sumenyas naman si Kirsten at nagsabing thank you sa amin ni Isay. Tumingin din siya kay Dione at bahagyang tumango lang. Napapansin ko dito kay Dione hindi talaga siya nagsasalita sa iba pero pag kami ang nagkakasama madaldal naman siya. Tsk.. weird niya din eh.. Dapat ata pinapasama ko din siya palage kay Isay, madami kasing sinasabi ang loka-loka at sigurado akong mapipilitang magsalita itong si Dione kapag si Isay na ang kausap. Gaya nalang ng nangyari noon sa akin kapag nag-uumpisa na siyang magdadaldal.,

"Focus prend.. Nakasalalay sayo ang partylist ng anti-bully."sigaw ulit ni Isay. Napalingon na lang sa kanya ang mga ibang studyanteng nanonood din sa laban.

Napatampal nalang ako sa noo ko. Siniko ko siya at bumulong..

"Isay tumahimik ka muna di pa nag-uumpisa.. Maya ka na sumigaw at mag-cheer kay Kirsten kapag naglalaban na.. Patapusin mo naman munang magsalita ang announcer."bulong ko sa kanya. Minsan nakakahiya na siyang kasama, katulad na lang ngayon.. Nagsisisigaw na siya habang nagsasalita pa ang announcer sa harapan,. Kaya ang nangyari tuloy mas pinapakinggan pa siya ng mga nanonood kaysa doon sa nagsasalita sa harap. Sarap niyang busalan ng packing tape sa bunganga. Masyadong supportive..

Eto namang si Dione pasimple lang na tumatawa sa gilid ko. Di din ata pinapakita sa iba ang tawa niya.. Aishh.. bakit ba ako napapagitnaan ng mga wierd na tao.

Nasa kaliwa ko kasi si Isay nakaupo na di mapigilan ang bibig na sumigaw. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa mga naglalaro. Nginangatngat niya ang kuko niya na malapit ng dumugo. Sa kanan ko naman ay si Dione na nagpipigil ng tawa dahil sa kabaliwang ginagawa ni Isay.

Hinayaan ko na lang ang ka-weirdohan ng mga kasama ko at nag-concentrate na lamang sa panonood sa harap., kahit hindi ako player ng archery ay naiintindihan ko naman ang rules at regulation sa laro dahil napag-aralan ko na iyon sa Korea- gun and bow shooting sports ang napag-aralan ko doon kaya may alam din ako sa larong archery.

Ang Brent Academy ang magiging kalaban ni Kirsten. Nakatayo na sila sa kani-kanilang pwesto at nag-umpisa ng mag-aim sa target..

Huminga muna ng malalim si Kirsten bago bitawan ang arrow niya at umiskor siya ng 9. Hindi na din masama.. Pantay lang sila ng score ng player ng Brent. Second shot ay 9 ulit pero 8 ang nakuha ng kalaban niya.

"Woahh.. go Kirsten.. Fighting .. Kaya mo yan prend."sigaw ni Isay habang bumubulong ng dasal na sumablay ang score ng kalaban ni Kirsten. Bad talaga siya.

Seryoso lang na nakatayo si Kirsten at tuwid lang na nakatingin sa target niya..

Medyo kinakabahan din ako sa huli niyang tira.  At pinapanalangin ko ding matamaan niya ang 10 para lumakas lalo ang loob niya.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at di ko na namamalayang napahigpit ng hawak ko sa gilid ng upuan.

"Relax.. She can do it."bulong ni Dione sa akin na nagpabaling ng tingin ko sa kanya. Napako lang ang tingin ko sa mukha niya at di ko na nakita ang huling tira ni Kirsten. Sabi ko na nga bang kapag napatitig na naman ako sa kanya mahihipnotismo na naman ako.

"See.. she did it."sabi niya at bahagyang ngumiti at tumingin na din siya sa akin. Busted.. nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Pakinengshit.. Awkward

"Oh.... my..... gulay.. Blue nanalo si Kirsten.. Shit.. Woahhhhhh.. Fighting.. I'm so happy.. Ahhhhh... Woahhhhh.."di magkamayaw na sigaw ni Isay at inuuga pa ang braso ko.. Parang matatanggal na nga sa pagkauga niya.. Bigwasan ko kaya itong si Isay..

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Kde žijí příběhy. Začni objevovat